Download App
43.28% Her Gangster Attitude / Chapter 29: Chapter 28: In A Good Mood

Chapter 29: Chapter 28: In A Good Mood

JAIRE

Pare-pareho kaming kinakabahan habang hinihintay ang pagdating ng aming inutusan. Paano kung hindi nagustuhan ng babaeng bagong salta ang regalong 'yun ni Iker? Ano na naman kayang nakain n'ya at may nalalaman pang pagreregalo ng pusa?

Taga-Probinsya 'yun. Hindi ba't dapat ang inireregalo n'ya ay kalabaw o baka o kambing? Pusa talaga ang naisip n'yang ipabili? Parang hindi naman bagay sa character ng babaeng 'yun ang paghawak ng ganoon ka-cute na pusa. Ang awkward lang nilang tingnan kapag nagkataon. Mas bagay pa s'yang tingnan na may hila-hilang lubid ng kambing.

"Are you sure about that dude? Baka naman pinapaasa mo lang ang sarili mo,"

Kitams. Kahit si Aj nagdadalawang isip din.

"She will like it," kampanteng wika ni Iker na prenteng nakaupo habang nakasandal ang ulo sa sandalan ng upuan. May librong nakatakip sa mukha.

Himala ng mga himala. Mukha s'yang hindi stress ngayong araw. Ano kayang nakain? Parang kahapon lang gusto na n'yang ipa-wipe out ang lahat ng kumpanya ng pamilya ni Flaire Adams dahil lang sa ginawa nitong paghalik sa kanya. Kulang na lang din, ikuskos n'ya sa sementong matalas ang mga labi n'yang nadikitan ng labi ni Flaire kahapon. Poor, poor Flaire.

"What happened?"

Lumingon ako sa kinausap ni Drake. Hinihingal na bumalik ang dalawang kaklase na inutusan naming mag-abot ng kuting.

"Tingnan n'yo na lang," inabot ng lampang si Jonathan ang cellphone n'ya sa akin.

Aba. Akalain mo nga naman at naisipan pa talagang i-video ng dalawang lampa. Tsk. Hindi ko tuloy mapigilang isipin kung paano magdidilim ang mukha ng babaeng taga-Probinsya. Nakikini-kinita ko na na sumisigaw s'ya ng 'pusa? Sinong may sabi na gusto ko ng pusa?! Kambing ang gusto ko o kalabaw o kabayo o baka, hindi pusa!'

Binuksan ko ang video at ilang beses ko pang inulit-ulit 'yun.

"Sira ba 'tong phone mo Jonathan?"

"Huh? Anong sira? Sinira mo ba?" Nagmamadaling hinablot n'ya ang cellphone sa akin at sinipat-sipat iyon.

"'wag ka ngang adik Jaire. Hindi pwedeng masira 'tong phone ko dahil hindi na ako bibilhan ni daddy. Hindi 'yan sira." Naiiling na wika nito saka inabot kay Iker ang phone. "Ayan Boss, kinuha ni Boss Mam ang kuting mo. Salamat daw."

Boss Mam?

Tiningnan ko ang reaksyon ni Iker at napalingon ako kay Duke at AJ nang makita ko s'yang ngumiti. The heck?! Si Iker de Ayala, ngumingiti?!

Meaning, hindi nga sira ang cellphone ni Jonathan. Nakita ko nga talaga na nakangiti sa stolen shot na iyon ang babaeng taga-Probinsya. Tsk. Akala ko talaga sira ang cellphone. Mukhang ako na yata ang nasisiraan ng bait dahil hindi ko lubos maisip kung ano ang nakita ni Iker sa babaeng 'yun. Ang dami namang nahuhumaling sa kanya na mga estudyante sa school na 'to, o maging sa ibang school. Mas ka-level n'ya pa ang mga 'yun. Tsk. Tsk. Tsk.

"Duke, what did she make today?"

"Okay. I'll ask," mabilis pa sa alas-kwatrong sagot ni Duke. Maya-maya pa ay binabasa na nito kay Iker ang mga pagkaing hindi ko alam 'yung iba. Anong palitaw? Anong sapin-sapin? And what on earth is bilo-bilo? Tunog bundok talaga. Tsk. Tsk. Tagabundok talaga. I shake my head mentally.

"He really, really likes her, huh?"

Napalingon ako kay Aj. Seryoso ang mukha n'ya na hindi naman palaging nadadapuan ng kaseryosohan.

" I guess," sagot ko na lang sabay kibit ng balikat.

Naku-curious na talaga ako sa babaeng 'yun. Hindi naman sa ayoko sa kanya. Pero kung para kase sa kaibigan kong si Iker na mataas ang tingin ng lahat---at syempre kasama na ako sa 'lahat' na 'yun. I think, she's not suitable for him. One of this days, mako-corner ko rin ang babaeng 'yun.

IYA

"Ibang," kausap ko sa bagong alaga ko. Dahil Ivan ang pangalan ng nagbigay sa kanya, maraming pangalan akong naisip kagaya ng Iva, Ai (I), Ico, Ike pero mas gusto ko ang Ibang. Kakaiba. Haha. Weird. Mabantot pero cute. Hehe. Bakit ba, basta iyon ang gusto ko.

"Girl, seryoso ka talaga d'yan sa pangalang 'yan?"

Nilingon ko si Josefa. Sabay-sabay kaming naglalakad palabas ng campus. Pinagtaasan ko s'ya ng kilay.

"My gee. So panget. Yuck," nakangiwi pa s'ya at tiningnan ako ng nakakaloko.

"Bakit, ang Delaila ba hindi mabantot?" Aminin na natin. Hindi lahat magugustuhan ang pangalang Delaila.

"So ano? Damay-damay lang ganun? Mabantot ang pangalan mo kaya dapat sa kanya rin?"

Inis na inirapan ko si Josefa. Napaka-nega.

"Huwag ka ngang bitter girl. Wala kang magagawa. S'ya ang binigyan ng pusa at hindi ikaw." naiiling pero naa-amuse na wika ni Ces.

"Hmmp! Umamin ka nga babae, kung walang namamagitan sa inyo ni Ikerbabe bakit ka nga ulit binigyan ng regalo?" Parang imbestigador na tanong ni Josefa na hindi ko na lang sinagot. Baka lalo lang s'yang magwala kapag nalaman n'yang ipinangako iyon ni Ivan at ang susunod na isisigaw n'ya ay 'bakit?! Bakit?! Bakit may pangakuang nangyayari na sa pagitan ninyo?'.

There, nai-imagine ko pa bawat pagbuka ng bibig n'ya at ang pagbaba at pagtaas ng tono nang boses n'ya.

"Naiinis ako. Bakit kase s'ya lang ang nabigyan. Wala bang kapatid ang mga kuting na 'yan? Bakit sa kanya pa na mabantot magpangalan ibinigay ang kuting na 'yan. Ang mahal-mahal ng pusang 'yan tapos Ibang lang ang pangalan?!"

"Hay naku. Tumahimik ka na nga lang Josefa," naiiling na sambit ni Yana sabay irap kay baklita na nanlaki ang mga mata.

"See?! See?! Pati pangalan ko na pagkaganda-ganda pinalitan n'ya nang pangalang pangmasyonda." Inis na nagpapadyak pa ng mga paa n'ya si Josefa dahilan para mapahinto kami at magkatawanan. "Ginagawa n'ya talagang katatawanan lahat ng magaganda, " maktol pa nito.

Lalo lang kaming natawa sa huling sinabi n'ya.

"Hello ate Iya,"

Napahinto kaming lahat sa pagtawa at kunot-noong lumingon sa tumawag. Unexpectedly, isang nilalang na di ko inaasahan ang nakita ko. Wella del Rosario. Kunot-noong tumingin ako sa paligid n'ya. Bakit mag-isa lang sya? Nasaan si Flaire or ang personal driver n'ya?

Nang wala talaga akong mahanap na kasama n'ya ay muli kong ibinalik sa kanya ang atensyon ko. She's smiling so big na parang lalong sumasakal sa puso ko. Hindi ko tuloy alam kung ngingiti ba ako at babati o lalagpasan ko na para bang wala akong nakita. But then, I did the first thing na naisip ko.

"Oh, hi. Bakit mag-isa ka lang?" Nasaan si Flaire? Pero hindi ko na isinatinig ang huling tanong. Parang nakikini-kinita ko na ang dahilan kung bakit wala ito ngayon.

"May pinuntahan pa po si ate Flaire. May kakausapin yata. Tapos si Mang Kaloy may dinaanan po kaya hinihintay ko pa s'ya dito. Ikaw ate, uuwi ka na po ba? "

Napalunok ako. Bumibilis talaga ang tibok ng puso ko kapag naririnig mula sa kanya ang salitang 'ate'. Ito ba 'yung tinatawag nilang lukso ng dugo?

Lumingon ako sandali sa mga kasama ko.

"Sino s'ya? " bulong ni Yana.

"At sinong Flaire ang pinag-uusapan n'yo? " nakakunot-noong bulong naman ni Josefa.

My mouth twitch. Nakalimutan kong above the norm nga pala ang pagiging usisera ng mga bruhang 'to.

"Bukas na lang. Kwentuhan tayo, " sagot ko sa pabulong din na tono.

Wala kaming lakad ngayon kaya plano ko talagang umuwi na rin kaagad but after seeing Wella na mag-isa lang habang nasa labas ng campus. Para bang may elementong pumipigil sa akin para umalis.

"Mauna na kami girl," si Josefa ang unang nakahalata na parang ayaw ko pang umalis at ayaw ko na rin magsalita pa. "Tomorrow, "

Tinanguan ko s'ya para tumigil na sa kauusisa.

"See you tomorrow,"

"Ingat pag-uwi,"

"Bye,"

Nasundan ko ng tingin ang likod ng apat habang papunta sila sa kabilang direksyon.

"Hindi ka po sasabay sa kanila?"

Nagtungo ako sa waiting shed ng school. At naupo tatlong dipa ang layo mula sa kanya. Mahaba ang naturang waiting shed at kahit umulan ng malakas ay hindi mababasa ang mga estudyanteng maglalagi doon.

"Hindi na. Hintayin kong dumating ang sundo mo," wika ko at nginitian s'ya.

Sandaling natahimik si Wella sa sagot ko. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang pakiramdam na gusto ko s'yang samahan. Kahit na hindi ako lumaki sa Siudad, alam ko kung gaano kapanganib ang lugar na 'yun. Paano pa itong City X na parang hindi natutulog ang mga tao. Kapag nakikinig ako sa radyo o nakakapanuod ng tv, kung anu-anong krimen na lang ang ibinabalita. May pinatay. May ginahasa. May hinoldap. May kinidnap. At dahil anak mayaman si Wella, posibleng pag-interesan din s'ya ng mga taong halang ang kaluuwa kaya bakit naman s'ya pinabayaan ng driver o ni Flaire?

Kahit na alam ko naman na hindi n'ya ako kikilalanin bilang kapatid in this lifetime ---dahil malakas ang kutob kong hindi aaminin ng magaling kong nanay ang tungkol sa bagay na iyon---hindi ko pa rin mapigilan ang sarili ko na makaramdam ng pagiging protective. Ganito ang nararamdaman ko kay Trii.

"Sino bang pinuntahan ni Flaire? Bakit hindi ka n'ya isinama? Wala ng tao, delikado sa'yo ang maghintay dito mag-isa. At bakit ang tagal ng sundo mo?" Sunod-sunod kong tanong para basagin ang tumatagal na katahimikan. Parang kontento na lang din kase s'ya sa katahimikang namamagitan sa aming dalawa. Ako iyong hindi makatiis. Ang tahi-tahimik pero parang nabibingi ako.

Lumingon sa akin si Wella. Para bang tinitimbang kung sasagot o hindi. Pero ginawa nya pa rin 'yung una.

"'Pinuntahan n'ya po yung de Ayala po ate? Gustong-gusto n'ya kase ang taong 'yun eh. Sabi n'ya pa fiance n'ya daw. Sabi naman nila tito at tita, hindi daw totoo 'yun. Naawa tuloy ako kay ate Flaire. And at the same time, I can't blame her. Hindi naman natin mapipigilan ang sarili natin na magkagusto sa isang tao, 'di po ba? "

Natahimik ako sa sinabi ni Wella. May punto naman ang sinabi n'ya. Isa na akong buhay na halimbawa. Hindi ko naman ginusto o plinano pero nagising na lang ako isang araw na... palihim na nagkakagusto sa kanya.

Pero teka, ano naman at kung makapag-salita ang Grade 7 na ito eh, kala mo naman ay masyado ng maraming alam sa pakikipag-relasyon.

"Ikaw ate? May nagugustuhan ka na ba?"

Huh?

Bakit biglang nalipat sa akin ang atensyon ng batang 'to? Hindi ko tuloy namalayan na napahigpit na ang hawak ko kay Ibang. Bigla na lang s'yang umingaw ng malakas na pareho naming ikinalundag ni Wella. Sabay pa kaming tumingin sa pinanggalingan ng nagmamakaawang ingaw. Nakonsensya agad ako. Bakit nga ba nawala sa isip ko na may dala-dala akong kuting?

"Hala! Ang cute n'ya ateeeee!"

Sa lakas ng tili ni Wella, pinagtinginan tuloy kami ng mga natitira pang estudyante.

"Saan galing? Napulot mo?" excited na hinimas-himas ni Wella ang mabalahibong katawan ni Ibang.

Hindi ko tuloy mapigil ang pagtaas at pagbaba ng kilay ko. Napulot? Napupulot lang ba ang ganitong klase ng pusa?

"May nagbigay," sabi ko habang nakangiti.

"Suitor mo?"

My mouth twitch by her question. Suitor? Suitor agad? Hindi ba pwedeng tinupad lang ng lalaking iyon ang ipinangako n'ya sa akin?

"Nope. He's not a suitor." Totoo naman eh. Hindi naman 'yun nanliligaw. At isa pa, I'm not the type na liligawan. Sa dami ng magagandang estudyante sa lugar na ito, sa dami ng mayayaman, sexy at matatalinong estudyante, sa akin s'ya manliligaw? Don't joke around. That's not gonna happen. That's why ayokong umasa at masaktan ng bongga pagkatapos.

"Yiee, eh bakit nagt-twinkle 'yang mga mata mo ate? Crush mo 'yung taong nagbigay n'yang pusa sa'yo ano? " panunukso pa ng dalagita.

Bahagya akong ninerbiyos dahil sa binitawang pahayag ni Wella. Ganun ba ako kadaling basahin? Kaagad kong pinakalma ang sarili ko.

"Ikaw ha. Ano ba 'yang pinagsasasabi mo? " mahina kong tanong saka hinimas-himas ang tiyan ng kuting. Baka sakali sa ginagawa ko ay mawala ang kabang nararamdaman ko.

Magsasalita pa sana si Wella pero huminto na sa harapan namin ang sasakyan n'ya.

"Ayan na si Mang Kaloy. Uwi na tayo ate," nakangiting aya ng bagets.

Nginitian ko lang si Wella sa good intention n'ya. Malinaw na malinaw pa sa isipan ko ang babala ng magaling n'yang ina na sa kasamaang palad ay magaling ko ring ina. Hindi ba at sinabi nito na bawal akong makihalubilo sa anak n'ya ?

"Mauna ka na. Pupunta pa ako sa bookstore," pagdadahilan ko na lang. Ayokong bigyan ng problema ang batang 'to. Masaya na ako na hindi n'ya namana ang ugali ng nanay n'ya.

"Okay ate. Salamat sa pagsama sa akin,"

Tumango lang ako sa sinabi ni Wella. Pinanuod ko s'ya habang sumasakay sa magarang sasakyan. Sinundan ko ng tingin ang sasakyang kinalululanan n'ya hanggang sa mawala sa paningin ko saka ako nagtungo sa direksyon papunta sa paradahan ng jeep. Pero parang ang sarap ngang magpunta muna sa book store. Naisip kong magtingin-tingin ng mga cooking books. Try naman kami ng ibang mabebenta. Hindi naman pwedeng puro pang-Probinsya lang ang gawin namin.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C29
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login