AN: Hirap at sarap? 😂 well, dito ay hirap ang malalasap ni Jessy dahil sa pagsuway. I hope you enjoy it! Have a nice a day.
-------------------------------------------------------------------------------
JESSY P.O.V
Nanginginig ang kalamnan ko matapos kong bitiwan si, Darling. Pansin ko ang mahihinang bulungan ng mga taong nakapalibot dito sa loob.
Napatingala ako sa itaas at nagtama ang mata namin ni Ahraw. Wala ako'ng mabasa na kahit na anong reaction sa kanyang mga mata, tumayo na siya sa kinauupuan niya at tinalikuran ako.
"Jessy, bakit hindi mo sinunod si boss?" Salita ni Eveth na may halong pag-aalala.
Napatingin lang ako 'kay Eveth na nasa labas ng ring. Nakakapit ang kamay niya sa itim na rehas. Hindi ko magawang sumagot, kaya yumuko na lang ako.
Nagulat nalang ako nang may humawak sa magkabilaan na braso ko, dalawang lalaki na malalaki ang katawan. Mahigpit ang kapit nila kaya hindi ka basta-basta makakabitaw.
"S-saan niyo ako dadalhin?" Tanong ko nang kaladkarin nila ako palabas ng ring. Pero wala akong nakuhang sagot mula sa kanila dahil patuloy lang nila akong hinahatak sa kung saan.
Nakita ko naman sila Eveth na napayuko. Si Danica naman seryoso lang nakatingin sa akin, pasin ko rin ang mga taong unti-unti nang nag-aalisan at lumalabas.
Masikip ang dinaanan namin na pasilyo at wala kang makikita dito, kundi ang kulay kremang pader at ilaw na mga nakasabit sa itaas. Hanggang sa malayo na ang napuntahan namin. Nag-uumpisa nang lumakas ang tibok ng puso ko dahil sa pakiramdam ko na sa malayo na kami.
"Pasok!" Tulak sa akin nitong isang lalaki.
Atubili na pumasok ako sa loob dahil pansin ko na parang walang tao dito sa silid. Bigla na lang akong sinipa nang nasa likuran ko kaya padapang bumagsak ako sa sahig.
"Tangina mo! Ang bagal mo!" Singhal pa nito sa akin.
Muli naman nila ako'ng hinatak at dinala sa may gitna. Matapos 'yun tinalian nila ang dalawang kamay ko paitaas at ramdam ko ang higpit na pagkakatali dahil halos hindi ko maigalaw ang kamay ko.
"Sandali, anong gagawin niyo sa akin?" Muling tanong ko sa kanilang dalawa.
"Ang dami mong tanong, kung sumunod ka lang. Sana nagpapahinga ka na ngayon." Nakangising sagot nitong isa na maputi.
"Ano'ng balak niyo? Bakit iniwan niyo ako dito?" Sigaw ko dahil naglabasan 'yung dalawa. Pinatay rin nila ang ilaw at ang tanging binukasan lang nila itong maliit na ilaw sa ibabaw ng ulo ko. Alam ko na walang makakaririnig sa akin dahil sa mukhang tago itong lugar.
Ahh... Ang sakit ng kamay ko. Pilit na ginagalaw ko ang kamay ko sa pagbaba-kasakali na matanggal ko at makalabas ako dito.
Lumipas ang tatlumpong minuto wala paring bumabalik na tao dito. Ngalay na ngalay na ang paa ko at ang braso ko dahil sa tagal na nakatali pa-itaas ang kamay ko. Naramdam ko na rin ang pagtagaktak ng pawis ko simula sa noo at pababa sa pisngi ko at sa leeg ko na rin.
Hanggang sa marinig at maaninag ko ang pagbukas ng pinto, dahil medyo madilim dito. Hindi ko agad nakita ang mukha nang mga lalaking nagsi-pasukan sa pinto.
"S-sino yan?" Salita ko sa paos na tinig. Ngunit walang sagot sa halip ay tawanan nang mga lalaki ang narinig ko.
"Sino kami? Kami ang magbibigay ng leksyon sa'yo!" sarkastiko na salita nang isang lalaki.
Nakaramdam ako ng kaba, pero dahil ito ang pinili ko wala na akong magagawa. Kailangan ko itong tanggapin... Ang parusa.
"Simulan niyo na, manonood lang muna ako." Narinig ko pang salita muli 'nung lalaki kanina.
Pinipilit na inaaninag ko ang mga mukha nila, lahat sila mga nakasumbrero kaya natatakpan ang kanilang mga mukha. Napansin ko ang mga hawak nilang mahahabang bagay.
Bigla na lang ako'ng napasigaw sa sobrang sakit dahil may pumalo sa hita ko na matigas na bagay. Sinundan pa muli ito ng isang palo sa may bandang likuran ng binti ko, halos bumaluktot ang tuhod ko sa sakit. Inipit ko ang boses ko dahil sa nagtatawanan sila nang marining nila ang pag-sigaw ko.
"Ahh.. Ah!" mahinang usal ko dahil pakiramdam ko mapuputulan na ata ako ng binti.
"Ano masakit na ba? Nag-uumpisa pa lang tayo," salita naman ng isa pang lalaki na nandito sa harapan ko. Nakaupo siya habang naninigarilyo.
May humampas na naman sa binti ko kaya napatiklop ang tuhod ko sa sakit. Ah.. Ang sakit na, parang bibigay na ang katawan ko.
"Tama na 'yan," narinig kong salita nang isang lalaki na kilalang-kilala ko sa boses palang.
"Sandali, ano'ng problema boss Ahraw?" Tanong nitong lalaki na nakaupo.
"Labas na." Muling salita nito sa lalaki habang humihithit nang sigarilyo.
"Baka pagalitan kami ni boss, at isa pa diba bawal 'yang ginagawa mo? Ang makialam dit--"
Naputol ang sa sabihin nitong lalaki ng tutukan siya ni Ahraw ng baril.
"Ang dami mong satsat! Aalis kayo ngayon 'din o ipuputok ko 'to sa mga ulo niyo!?" matapang na bitaw ni Ahraw na salita rito sa mga lalaki.
Binitiwan naman nila ang mga hawak nilang pamalo sa akin, at tahimik na lumabas silang lahat. Kami na lang ni Ahraw ang naiwan dito.
"Bakit hindi mo ako sinunod? Gusto mo ba talagang mamatay agad." simulang salita nito sa seryosong tono.
Tahimik na pinagmamasdan ko siya dahil nandito na siya sa harapan ko. Tumingala siya sa itaas at unti-unti niyang kinalas ang lubid na nakagapos sa kamay ko.
Hindi ko maiwasan na hindi siya matitigan dahil isang pulgada lang ang layo nang mukha niya sa mukha ko. Kahit medyo madilim kita ko ang mata niya na seryosong nakatingin sa pagtatanggal sa tali ng kamay ko. Bumaba ang paningin ko sa labi niya tapos pababa sa adams apple niya na gumalaw-galaw.
Langhap ko panlalaking amoy nito na kay sarap amoyin. "Ahh.." mahinang daing ko ng matanggal na ang tali dahil sobrang hapdi.
Muntikan naman ako'ng bumagsak dahil sa wala ng lakas ang binti ko. Dahil pakiramdam ko lumambot ang boto ko sa pagpalo kanina. Naalalayan naman niya ako bigla at binuhat niya ako nang walang maririnig na kahit na ano'ng salita.
Walang salitang namutawi sa bibig ko ng buhatin niya ako palabas sa totoo lang naiiyak ako pero pinipigilan ko lang. Napansin ko na iba ang dinaanan namin sa kanina hanggang sa lumuwang na ang daan at naramdaman ko nalang ang paglapat ng katawan ko sa malambot, nandito pala ako sa kotse niya ng makita ko na ng kabuan dito.
"Boss, baka malaman 'yan sa itaas." salita na Garry.
Na nandito pala, narinig ko ang sinabi niya dahil nakabukas pa ang pinto sa driver seat.
"Alam ko Garry, hayaan mo na lang ako. Balitaan mo ako sa kaganapan dito at alam kong tiwala ako sa'yo." wika ni Ahraw 'kay Gary.
"Makakaasa kayo, alam niyo naman na malaki ang utang na loob ko sa inyo. Makakaasa kayo sa tiwalang binigay niyo sa akin." sagot naman ni Garry.
Nakita ko na tinapik sa balikat si Gary at pumasok na sa loob si Ahraw. Tahimik na nasa biyahe na kami, hindi ko naman maigalaw ang binti ko dahil sobrang sakit.
Huminto na ang kotse at nakita ko sa labas na nandito na kami sa tinitirahan ko. Binuhat muli ako nito palabas nang kotse niya nakaramdam ako ng hiya dahil sa makikita nila Eveth na buhat-buhat ako ni Aharaw.
"Boss!" Narinig kong salita ni Eveth.
"Buksan niyo ang kuwarto niya." utos nito 'kay Eveth.
Pinikit ko na lang ang mata ko, naramdaman ko ang pag-akyat namin sa hagdan. Hanggang sa ipasok niya ako sa loob papasok sa higaan ko.
"Boss, may kailangan pa kayo?" Salita ni Eveth.
"Sige na, lumabas ka na." sagot lang ni Ahraw.
"Sige na iwan mo na ako dito, s-salamat sa'yo," mahinang sambit ko nang mapag-isa na kami.
"Matigas rin talaga ulo mo, pareho lang tayo." Bigkas naman nito.
Natigilan naman ako sa sinabi niya. Lumapit siya sa higaan ko ko at hinawakan ang kamay ko, tiningnan niya ang bawat parte ng kamay ko. Nakaramdam ako ng kakaibang init nang dumampi ang palad nito sa kamay ko. Tumayo naman siya at dinukot ang cellphone niya may tini-text siguro siya.
Muli siyang bumalik at umupo banda sa paaanan ko. Dahan-dahan niyang tinatanggal ang itim na sa patos ko pero natigilan siya dahil napangiwi ako sa sakit.
"Huwag mo ng tanggalin, ayos na 'yan." Nahihiyang salita ko.
"Kailangan tanggalin 'to titingnan ko binti mo." aniya habang dahan-dahan niyang muling inaalis ito.
Napapikit ako dahil minsan nasasagi ito ang kirot at sobrang sakit. Nakita ko naman sa mukha ni boss Ahraw ang pagka-seryoso habang dahan-dahan nitong hinimas.
"Bakit mo ito ginagawa?" Hindi ko mapigalan na tanong.
Natigilan siya at napaangat ang mukha sa akin. Diretso ang tingin niya sa akin at hindi ko alam kung ano ang iniisip niya ngayon. Bigla siyang tumayo at tumalikod sa akin naglakad papunta sa may pinto.
"Sabihin na lang natin na tulad mo, matigas 'rin ang ulo ko," kaswal na sagot niya at lumabas ng pinto.
Naiwan na napaisip ako sa sinabi niya.
+++++++++++
Black_Moon301