Download App
1.64% Trial Marriage Husband: Need to Work Hard (Tagalog) / Chapter 21: Lin Wei: Ang Bagong Manager

Chapter 21: Lin Wei: Ang Bagong Manager

Editor: LiberReverieGroup

Nang sumunod na araw, sila ay naka – iskedyul na gumawa ng isang commercial. Dapat sana'y kasama ni Tangning ang ilan sa iba pang modelo na kunan ng larawan, ngunit… naobserbahan ng photographer na masyadong malakas ang presensya ni Tangning; kung maraming tao ang nakapaligid sa kanya, sila ay masisilbi lamang bilang mga kasangkapan upang mas umangat ang kanyang presensya kaya naman isang modelong lalaki na lamang ang hinayaan upang makasama ni Tangning sa pagpapakuha ng larawan.

Noong umaga ding yun, kumatok si Long Jie sa pinto ng kwarto ni Tangning, ngunit … nang buksan ni Tangning ang pinto, nakita ni Long Jie si Tangning na para bang may itinatago sapagkat ayaw niyang payagan na pumasok si Long Jie sa loob ng kwarto niya. Pumasok kaagad si Long Jie at tinitigan si Tangning habang itinatanong, "Mayroon bang ibang tao sa loob ng kwartong ito?"

"I..."

"Tangning! Paano mo nagawa ito? Kahit nakipaghiwalay ka pa lang sa walang hiyang sa Han Yufan, kapapakasal mo pa lang kay Mo Ting, paano mo nagagawang guluhin ang buhay mo ng ganito? Papasukin mo at ng makita ko kung sino ang malakas ang loob na lalaking iyan na akitin ka!" Sa sobrang galit ni Long Jie at dahil sa kanyang lakas ay handa na niyang itulak ang pinto upang buksan. Ngunit sa pagkakataon na ito, may isang kamay ang pumigil sa kanya maisagawa ang kanyang binabalak na gawin. Sa taas at ganda ng katawan ng lalaki, natigilan ang dalawa.

Big Boss, ikaw pala…

Natigilan si Long Jie at nahihiyang tumawa.

Mabilis na tiningnan ni Mo Ting si Long Jie at ang kanyang mga tingin ay nagpapakita ng pagsang – ayon dito dahil, kung siya ang laging makakasama ni Tangning, makakasigurado siya na walang ibang lalaki ang makakalapit kay Tangning. Kaya pagkatapos niyang malaman kung sino ang nasa pinto ay bumalik na lamang siya sa banyo ng walang sinasabi.

Pagkatapos na makita ni Long Jie na umalis na si Mo Ting ay saka lamang siya lumapit kay Tangning at ipinatong ang kanyang ulo sa mga balikat nito upang ipahinga saka niya sinabi na, "Bakit hindi mo sinabi ng mas maaga? Hinayaan mo akong ipahiya ang aking sarili sa harap ng isang mahalagang tao sa katulad niya!"

Nalaman ko lang din kagabi pagkatapos kong bumalik dito sa kwarto," kibit balikat na sagot ni Tangning.

"Oh god! Napaka – romantiko naman niya! Para sa isang tao na nakaparaming ginagawa katulad ni President Mo na nag - abalang kumuha ng isang direct flight upang pumunta ka sa isang lugar na katulad nito at samahan. Tangning, nagbago na talaga ang iyong kapalaran. Sa tagal ng panahon na ginugol mo sa walang hiyang si Han Yufan, kalian ka ba niya binisita sa tuwing ikaw ay may trabaho?" Naliwanagan ang pag – iisip ni Long Jie, "Totoo nga naman, mayroon talagang pagakakaiba ang iba't ibang tao."

"Pupunta pa ba tayo sa lokasyon kung saan kukunan ang comercial?" paalala ni Tangning na para bang walang nangyari noong nakaraang gabi.

"Sasama ba si President Mo?"

"Dapat sumama siya," bulong ni Tangning.

Pumunta na sa lugar na ito si Mo Ting, kaya naman, hindi niya hahayaan na hindi makita ang performance ni Tangning. Ang palabas na kanyang natunghayan sa Hai Yi Centre ay isang kaganapan na hindi niya malilimutan – kaya ngayon ay nais naman niyang matunghayan kung anong klaseng performance ang ipapakita ni Tangning kung ang lokasyon na gagamitin ay nasa labas ng studio.

Pagkatapos ng 30 minuto, narrating din nila ang lugar na gagamitin para sa shooting ng commercial. Dahil hindi pwedeng ibunyag ni Mo Ting ang kanyang pagkakakilanlan, maaari lang niyang panoorin si Tangning mula sa malayo. Lumabas si Tangning mula sa change room na nakasuot ng light blue lace dress, nakalapat ito sa bawat kurba ng kanyang katawan na kung saan mas naipapakita ang magagandang katangian nito, lalo na ang kanyang mahaba at payat na mga binti na animo'y walang limitasyon – ang kanyang kabuuan ay parang isang likhang sining na napakaperpekto.

Ang commercial ay may temang, "bride chasing a runaway groom". Sa proseso ng paghahabol ng bride sa groom, nadapa ito na naging dahilan upang masugatan ang kanyang mga binti – ang lahat ng ito ay hindi mapapansin ng groom. Ngunit ng dahil sa ang makinang na diyamanteng nakasuot sa isa sa mga daliri ng bride ay lumikha ng isang magandang bahaghari mula sa mga repleksiyon ng mga sinag ng araw na siyang sumilaw sa mga mata ng groom. Ito ang naging dahilan upang muling mapumukaw sa isipan ng groom ang tungkol sa kanyang mga ipinangako sa bride. Pagkatapos nito lumingon ang groom at nasaksihan ang kalagayan ng bride, lalapit ang groom sa bride upang humingi ng isa pang pagakataon. Sa huli ay magkakasundo ang dalawa at muling makikita ang ngiti mula sa labi ng bride.

"Tangning, mabilis ang pagbabago ng mga damdaming dapat mong ipakita sa tema ng commercial sa araw na ito, ok lang ba sa'yo?" Ang photographer noong nakaraang araw ay siyang naging director para sa commercial na ito.

"Walang problema," sagot ni Tangning habang tumatango.

Kumumpas ang direktor sa kanya ng 'OK' at ipinaalala sa kanya na pumunta na sa kanyang posisyon.

"Dapat sigurong mag – ensayo muna tayo ng mabilis?"

"Hindi na kailangan," Tinanggihan ni Tangning ang mungkahi ng direktor. Kung hindi niya nakatrabaho si Tangning dati, marahil ay pinagdudahan niya ang kakayahan ni Tangning, ngunit pagkatapos na masaksihan ang kanyang professionalism noong nakaraang araw, nagkaroon ng lubos na tiwala sa kakayahan niya ang direktor. Kung kaya naman noong sinabi niya na hindi na kailangan, pinasimulan na niya agad ang shooting.

Dahil ang buong commercial ay walang script at aabot lamang ng 30 segundo, kinakailangan na makuha agad ng mga modelo ang tamang emosyon. Ang eksena na kanilang kukunan ay ang eksena na kung saan naghahabol na si Tangning sa groom. Kaya naman kinakailangan na makita sa kanyang mukha ang sense of urgency, sa simula ay makikita sa kanyang mukha ang pag – asa ngunit habang napagtatanto niya na hindi na niya kayang abutan ang groom ay unti – unting makikita sa ekspresyon ng kanyang mukha ang kawalan ng pag – asa.

Nang magsisismula na ang filming ng commercial, nang walang tulong ng sinuman ay nagtungo na si Tangning sa harap ng kamera… sa sandaling umalingawngaw ang palatandaan ng pagsisimula ng pagkuha ng video, biglang naglaho si Tangning. Bagkus, makikita ang isang bride na nilisan ng kanyang pinakamamahal na groom – ito ay naghahanap. Namumula ang kanyang mga mata, ngunit walang mga luha ang lumalabas dito. Sa eksenang ito, hindi niya nakalimutan na idagdag ang paghingal pagkatapos tumakbo…

Habang naghahanp siya, kasabay nito ang pagtaas ng kanyang emosyon. Ang pagmamadali sa kanyang mukha ay malapit nang pumunta sa estado ng bingit na pagsuko.

Habang nanunuod si Mo Ting sa malayo ay napagtanto niya na si Tangning ay parang isang perlas na natakpan ng alikabok. Hindi nakapagtataka na noong nalalipas na 3 taon … nagawa niya na maging isa sa mga top models. Kung hindi siya umurong dati, gaano na kaya siya katanyag sa ngayon?

"President Mo, hindi na masama ang performance ni Tangning di ba?" naglalaman ng hindi maitatagong pagmamalaki ang mga mata ni Long Jie, "Kung hindi nga lang siya pinigilan ng walang hiyang iyon…"

"Simula ngayon, wala nang sinuman ang pipigil sa kanya," sagot ni Mo Ting habang naglalakad pabalik ng kanyang sasakyan.

Ngumiti si Long Jie, alam niya na hindi na papayag si Tangning na may pumigil pang muli sa mga gusto niyang gawin.

Syempre, mas nakumbinsi siya ng lalaking nakasakay sa kotse dahil ito ay namamay – ari siya ng isang imperyo.

Dahil sa pagiging professional ni Tangning sa kanyang trabaho, natapos ng maaga ang shooting ng commercial na kung saan nabigyan pa ng pagkakataon ang direktor na makapagpahinga ng kalahating araw. Nagalingan sa aking kakayahan ni Tangning ang direktor ng commercial kung kaya nagmungkahali siya ng maaaring maging solusyon sa usap – usapang kinahaharap nitong problema sa kanyang kompanya, "Narinig ko na ang kasalukuyang kompanya na iyong pinagtratrabahuhan ay wala pang plano sa mga susunod na hakbang na patungkol sa iyong career. Kung mabibigyan ka ng pagkakataon, interesado ka ba na tumungtong sa mas malaking entablado?"

Kinuha ni Tangning ang business card na ibinibigay ng director, pero nakangiti niya itong tinanggihan, "Masaya na ako kung nasan ako sa ngayon."

Hindi pinilit ng direktor si Tangning habang nakangiti niyang sinabi dito, "Kahit na, kapag nagbago ang iyong isip ay malugod ka naming tatanggapin."

Nagpasalamat si Tangning sa direktor at pagkatapos ay naglakad patungo sa kinaroroonan ni Mo Ting. Ngunit, biglang lumapit sa kanya si Long Jie habang hawak nito ang kanyang cellphone at biglang sinabi na, "Kanina lang, may tumawag na babae na ang pangalan ay Lin Wei, sabi niya, siya ang bago mong manager na ibinigay para sa iyo ni Han Yufan. Sinabi rin niya na pagkatapos mo dito sa shooting ay kailangan mo nang bumalik sapagkat mayroon inihandang bagong proyekto para sa iyo sa Han Yufan. Tatlong araw magmula ngayon ang iskedyul ng event na iyon. Nagsagawa ako ng pagsasaliksik sa brand ng bago mong proyekto. Kahit na ang produkto ay kilalang brand ngunit… maraming mga mamimili ang nagrereklamo laban sa produkto nito sa mga nakalipas na taon"

"Gusto talaga ni Han Yufan na sirain ang career mo bilang isang modelo"

Kinuha ni Tangning ang kanyang cellphone mula kay Long Jie habang kalmado niyang sinabi na, "Bumalik muna tayo, pag – usapan nalang natin ito mamaya"

"Pinaghirapan mo'to ng matagal, kapag tinanggap mo ang trabahong iyan maaaring ang lahat ng nagawa mo na ay mababalewala." Nadudurog ang puso ni Long Jie para kay Tangning.

"Long Jie, sa tingin mo ba… hindi ko pa napaghandaan ang mga pangyayaring katulad nito?" pairap na sagot ni Tangning. Hindi niya inaasahan na ipagpapalit ni Han Yufan ang impluwensiya ng Tang family para lamang kay Mo Yurou, "Sinabi ko na ito dati, being in the lead and NOT being in the lead, is only a word of difference. At ang dalawang resultang ito ay may maliit lamang na pagkakaiba."

"Hindi na ako magkakamali pang muli…"

Sa hindi kalayauan, nakaupo si Mo Ting sa loob ng sasakyan. Nagkatinginan sila at parehong nginitian ang isa't isa. Pagkatapos sumakay ni Tangning, ibinigay ni Mo Ting ang kanyang cellphone kay Tangning, "Inutusan ko si Lu Che na maghanap ng impormasyon tungkol sa babaeng tumawag kay Long Jie na nagpapakilala bilang bago mong manager. Ang kanyang resume at ang madilim niyang nakaraan ay nakalagay rito."


Load failed, please RETRY

Gifts

Gift -- Gift received

    Weekly Power Status

    Rank -- Power Ranking
    Stone -- Power stone

    Batch unlock chapters

    Table of Contents

    Display Options

    Background

    Font

    Size

    Chapter comments

    Write a review Reading Status: C21
    Fail to post. Please try again
    • Translation Quality
    • Stability of Updates
    • Story Development
    • Character Design
    • World Background

    The total score 0.0

    Review posted successfully! Read more reviews
    Vote with Power Stone
    Rank NO.-- Power Ranking
    Stone -- Power Stone
    Report inappropriate content
    error Tip

    Report abuse

    Paragraph comments

    Login