Download App
97.14% Night Ranger (Tagalog) / Chapter 714: Plundering Duo

Chapter 714: Plundering Duo

Editor: LiberReverieGroup

Sa isang lumulutang at abandonadong plane sa kaibuturan ng Universe.

Hinihingal si Tiramisu habang binababa niya si Marvin, patuloy lang ang pagpagaspas ng pakpak nito. "Kakatakot… Ang lakas ng nilalang na 'yon, muntik na niya tayong abutan."

Nagulat si Marvin.

Sa katunayan, wala pa siyang naging reaksyon sa nangyaring pagtuturo ng leksyon ng isang bagitong Dragon sa nakakatakot na War God..

Hindi ito kapani-paniwala.

Hindi niya mapigilan magtanong, "Hindi ba mas malakas ka sa kanya?"

Sumagot ang Dragon na para bang isa rin itong Human, "Kapatid Marvin, ang engot mo naman."

"Kung mas malakas ako sa kanya, edi sana binugbog ko na siya! Edi sana hindi ako tumakbo diba?"

"Ang engot!"

Walang nasabi si Marvin. "Kung hindi mo sinampal ang Wa God ng tatlong beses, hindi naman ako magtatanong!"

"Tapos…"

Pero bago pa man nito matapos ang sinasabi niya, nagsalita na si Tiramisu. "Ginamit ko ang pinakamalakas kong ability na nanggali sa Bloodline ko para magawa 'yon. Sabi ko naman sayo igaganti kita diba?"

"Masyado siyang malakas, hindi ko pa siya kayang tapata, kaya wala kong magagawa kundi tumakas."

Natuwa si Marvin. Kahit na may pagkamayabang ang pagkakasabi ng Dragon, binabantayan pa rin siya nito.

Pero mahirap na ang kanilang sitwasyon ngayon.

Hindi niya inakala na mapapansin agad ng mga God ang lokasyon niya.

Tila isang bomban naghihintay na lang sumabog ang Fate Tablet!

Sa oras na iyon, biglang sumigaw si Tiramisu, "Ang laking bahagi ng stamina ko ang nagamit ko para maiganti ka, gutom na ko!"

Nagtanong si Marvin, "Anong gusto mong kainin?"

"Niyog!"

Namangha si Marvin.

Hindi pinansin ni Tiramisu ang naging reaksyon ni Marvin at nagpatuloy, "Wag mon ang subukan bigyan ako ng mga regular na niyog. Ang lahat ng niyog sa punong tinanim ng tatay ko ay puno ng Time Power. Kahit na nagdala ako noong umalis ako, kailangan kong tipirin ang mga 'to para tumagal kaya mamaya na ako kakain. Kaya kailangan mo kong hanapan ng masasarap na bagay. Kailangan hindi mga pangkaraniwang pagkain."

"Ang pinakamaganda ay mga pagkain na puno ng kapangyarihan. Lalo pa at sa sikmura kong 'to, kaya kong tunawin kahit mga Artifact."

Nagningning ang mata ni Marvin nang marinig ang sinabi nito; bigla itong nagkaroon ng mapangahas na plano!

Bumulong ito, "Kaya mo ba akong dalhin para makatakas sa paghabol sa akin ng mga God na 'yon?"

Nagmamalaki naman na nagtanong si Tiramisu, "Minamaliit mo ba ako? Isa kaya akong Eternal Time Dragon!"

"Sa buong Universe, bukod sa tatay ko at kay Lance, wala sino man ang makakayang makabol sa atin!"

Napahagalpak sa tawa si Marvin!

Tiningnan niya ang Dragon at tinanong ito, "Ano ang masasabi mo sa mga bagay na nasa God Realms?"

Nagningning sa pagkamangha ang mat ani Tiramisu. "Ibig mong sabihin…. Dapat natin i-loot ang mga God Realm?"

Tumango si Marvin.

Mahigpit na hinahanap ng mga God ang kahit anong bakas ni Marvin sa Universe.

Pero hindi nila inasahan na gagawa si Marvin ng isang mapusok na bagay kesa sa subukang tumakas mula sa kanila!

Bago niya nakilala si Tiramisu, hindi niya maiisipan na gawin ang planong ito, pero dahil kasama niya ang Eternal Time Dragon, magiging mas madali ang pag-loot sa mga God Realm!

Subalit, matapos marinig ang sinabi ni Marvin, matagal na nagdalawang isip ang Dragon.

"Bakit?" Tanong ni Marvin.

Sumagot si Tiramisu, "Hindi ko alam kung paano magpunta sa God Realms."

Ngumiti si Marvin at bumulong, "May alam akong lugar."

Sa Arborea Plane, sa ilalim ng Shadow Temple ruins, nakapatong na ngayon ang Eternal Time Dragon sa balikat ni Marvin matapos paliitin ang kanyang sarili. "Papunta ba talaga sa Secondary Plane ng dream God ang daan na 'to? Maganda ba talaga ang plano mo?"

"Sabagay, hindi na rin masama ang taglay mong lakas, kapatid.Hmm, mayroong ka naman advanced False Divine Vessel, kahit na hindi mo ginagamit ang kabuoang potensyal nito."

Agad na napatanong si Marvin dahil sa gulat, "May alam ka tungkol sa advanced False Divine Vessel?"

Suminghal lang si Tiramisu, "Maraming nalalaman tungkol sa Universe ang gwapong Dragon na 'to!"

"Ang lakas ng advanced False Divine Vessel ay nasa kakayahan nitong higupin at sumanib sa ibang mga bagay. Ang advanced False Divine Vessel sa katawan mo ay kumpleto na, kaya kaya na nitong humigop nang Divine Source nang walang limitasyon! Ang makukuha mong Divine Source ay kayang suportahan ang pisikal na katawan mo, at base sa training path mo, direkta nitong madadagdagan ang lakas mo."

"Sa ganoong paraan, pwedeng direkta mo nang maabot ang Plane Guardian level. Pero syempre, kailangan mong makakuha ng sapat na Divine Source."

Nasabik si Marvin.

May nalalaman at pang-unawa siya sa tungkol sa False Divine Vessel, pero hindi ito ganoon kalalim.

Paghigop ng Divine Source nang walang hadlang?

Kayang direktang maabot ang Plane Guardian level?

Mas maganda pa ito kesa sa kanyang inaasahan!

"HA? Hindi mo talaga alam 'yon?" Tila nasurpresa ang Dragon. "Akala ko sinusubukan mo kong utuin na magnakaw sa God Realms para matulungan kang madagdagan ang lakas mo."

Panandaliang walang nasabi si Marvin bago siya nakapagpaliwanag, "Hindi ko pa alam kung paano gamitin nang lubusan ang Flase Divine Vessel."

Tinapik ng Dragon ang balikat ni Marvin. "Hindi na mahalaga 'yon, bilang kapatid ko, kailangan mong maging mas malakas."

"Kapag nagpunta tayo sa mga God Realms, titirhan kita ng sapat na Divine Source."

Umabot na silang dalawa sa dulo ng lagusan habang nag-uusap.

May liwanag na sumalubong sa kanila.

Nakakita sila ng isang mapayapa at maayos na mundo.

Iyon ang Dream Land ng Dream God!

Dati nang nakita ni Marvin ang lagusan na ito matapos siyang subukan patayin ni Ambella. Handa na siyang maghiganti sa Dream God. Sa pagkakataon na ito, sa tulong ng Eternal Time Dragon, para itong isang lobo na nanghihiram ng lakas sa isang tigre!

"Ang ganda at payapa ng mundong 'to," sabi ni Tiramisu.

Tumango si Marvin. "Oo nga."

"Sirain natin."

Matapos sabihin nito, isang binata at Dragon ang bumuo ng Plundering Duo kasabay ng pagtungo nila sa Dream Land!

God Realm, Dream Shrine.

Kababalik lang ng Dream God, tuliro pa rin ito sa lahat ng mga pangyayari.

Inakala niyang hindi na siya magkakaroon ng pagkakataon dahil personal nang kumilos ang War God.

Lalo pa at isa 'yon sa Three Great Gods. Kung mahawakan niya ang Fate Tablet, magkakaroon siya ng pagkakataon na maging Supreme God!

Pero nabigla siya sa nasaksihang eksena.

Isang Dragon na hindi nila alam kung saan nanggaling ay sinampal nang tatlong beses ang War God bago ito umalis!

Makaynig mundo ito!

'Masyadong nakakatakot ang taong ito. Hindi lang mabilis ang paglakas niya, pero marami rin siyang malalakas na kakampi.'

'Kailangan mapatay na siya kaagad.'

Balisa ang Dream God.

Sa katunayan, magmula noong pumalya si Ambella sa pagpatay kay Marvin, hindi na nawala ang kanyang pagkabalisa.

Pero mas balisa siya ngayon kumpara sa ibang mga araw.

Habang nag-iisip ito, biglang napaisip ito sa kung ano ang dahilan ng matinding pagkabalisa niya ngayong araw!

'Bakit hindi ko maramdaman ang Faith ng mga taga-sunod ko mula sa Secondary Plane na 'yon?'

Masama ang kutob niya at ginamit ang kanyang Divine Ability para tingnan ang sitwasyon sa kanyang God Realm.

Sa isang tingin, halos masuka ito ng dugo!


Load failed, please RETRY

Gifts

Gift -- Gift received

    Weekly Power Status

    Rank -- Power Ranking
    Stone -- Power stone

    Batch unlock chapters

    Table of Contents

    Display Options

    Background

    Font

    Size

    Chapter comments

    Write a review Reading Status: C714
    Fail to post. Please try again
    • Translation Quality
    • Stability of Updates
    • Story Development
    • Character Design
    • World Background

    The total score 0.0

    Review posted successfully! Read more reviews
    Vote with Power Stone
    Rank NO.-- Power Ranking
    Stone -- Power Stone
    Report inappropriate content
    error Tip

    Report abuse

    Paragraph comments

    Login