Download App
93.87% Night Ranger (Tagalog) / Chapter 690: Perfect Fusion

Chapter 690: Perfect Fusion

Editor: LiberReverieGroup

"Hindi ko inaasahan na kahit na nagpadala na ng napakaraming Divine Serants, matatalo lang ang lahat ng mga 'yon sa kanya."

Makikita ang pamumutla ng Black Dragon God habang tinitingnan ang pangyayari sa Sky Tower. Hindi niya mapigilang mapailing.

Makikita rin ang pagkadismaya sa mukha ng Queen of Spiders at ng Dream God sa kanilang mga mukha.

Para lang mapagkumpitensyahan ang 4th Fate Tablet, nagtulong-tulong ang mga God para wasakin ang Universe Magic Pool.

At ngayon, pinadala pa nila ang kanilang pinakamalakas na tauhan na kaya nilang kunin sa gitna ng kaguluhan. Lalo na ang War God na kinailangan pang magsakripisyo para lang maipadala ang kanyang nakababatang kapatid, subalit, hindi lang ito natalo sa pagkuha ng Fate Tablet, natalo rin ito sa Feinan… Isa itong bagay na mahirap para sa kanila na tanggapin!

"Kailangan mamatay ni Marvin!"

Walang emosyong maririnig sa boses ng War God, pero sa pananaw ng ibang mga God, tila isa itong hatol ng kamatayan para kay Marvin.

Ang War God ang isa sa tatlong Great Gods, na sinasabing isa sa mga pinakamakapangyarihang nilalang sa Astral Plane.

Kung hidni lang dahil sa pagkakaroon ng mas magandang relasyon ng God of Dawn and Protection sa iba pang mga God, maaaring siya na ang namuno sa kanilang lahat.

Kapag sinabi ng War God na kailangan mamatay ng isang tao, mabubuhay pa kaya ang taong iyon?

Ang Black Dragon God naman at ang mga kasamahan nito ay nagbubunyi sa kanilang loob.

Tila inilalabas ng War God ang kanyang galit kay Marvin dahil sa pagkamatay ng Berserk God.

Siguradong mamamatay rin ang Kangen na iyon na nangahas na patayin ang Berserk God.

Pero ang problema, kahit na napatay na nila ang Astral Beast, kakasira pa lang ng Universe Magic Pool, kaya naman nasa gitna pa ng kaguluhan ang buong kalupaan.

Kahit na gamit ang kanilang makapangyarihang Divine Vessel at kanilang angking lakas, hindi sila maaaring basta-basta makakapunta sa Feinan.

Dahil kung hindi, isang maliit na hindi pagkakatugma sa pagitan ng mga Plane Law at ng mga Divine Vessel ay spat na para madurog ang Feinan.

Nais nilang pagharian ang mundong ito at hindi sirain. Wala silang magagawa sa ngayon kundi maghintay!

Hihintayin nila na maghilom ang space sa paligid ng Feinan, at hihintaying matapos ang panahon ng pagbabago. Pagkatapos noon, wala nang makakapigil sa pag-descend ng mga God. 

Paero kahit na ganoon, nag-aalala pa rin ang grupo ng Black Dragon God.

Napakarami nang milagrong ginawa ni Marvin ang natunghayan nila.

Basta mayroon itong oras para maghanda, makakagawa at makakagawa ito ng mga bagay naikagugulat ng mga tao.

Sa ngayon ay walang magandang pamamaraan ang mga God para patayin isya. Napatunayan nang hindi sapat ang pagpapadala ng Divine Servant para gawin ito. Kahit ang tatlong Divine Servant na pinamumunuan nag Divine Servant ng Dream God ay napatay. Nagamit na rin nila ang nag-iisang Artifact na kapag ginamit sa tamang pagkakataon, ay kakayaning gawin ito, gaya ng pagsugat noon sa Great Elven King na si Nicholas.

Napagtanto nila na kung hindi personal na baba ang isang Mid God, siguradong hindi nila mapapatay si Marvin.

Tungkol naman sa unstable space ng Feinan, aabutin pa ito ng isang buwan bago makabawi.

At walang makakapagsabi sa kung ano ang kayang gawin ni Marvin sa mga panahon na iyon.

Ang pinaka-inaalala ng mga God ay ang Fate Tablet!

'Kung makuha ni Marvin ang 4th Fate Tablet…'

'Mag-aascend ba siya sa Godhood?'

Ito ang iniisip ng lahat ng mga God.

Kaya naman, matapos nilang matalo ang nanghimasok na halimaw, hindi sila bumalik sa Astral Sea. Sa halip, nagtipon sila sa labas ng Feinan at pinagmasdang mabuti ang mga kaganapan!

Pero hindi naganap ang mga pangyayari tulad ng inaasahan nila.

Nakita nila ang pagkuha ni Marvin sa Fate Tablet.

Pero ang pinakanakakagualt na ay…

Ang space sa ibabaw ng Pambo Sea ang napunit, at dalawang malaking ahas na magkalingkis ang nahulog mula sa kalangitan!

"Bugush!"

Ang mga malalaking ahas ay nahulog sa karagatan at gumawa ng napakalaking butas sa nagyeyelong Pambo Sea!

"Ang World Ending Twin Snakes! Diyos Ko!"

"Pinakawalan talaga ng Marvin na 'yon ang isang halimaw! Hindi maaaring patawarin ang ginawa niyang ito!"

Bumalot ang pagkabahal sa mga God.

Hindi biro ang World Ending Twing Snakes.

At ngayon ay nakatakas na ang mga ito mula sa Ethereal Plane.

Sino ba ang makakapigil sa pares ng Ancient Evil God na ito sa Feinan kung taglay pa rin ng mga ito ang dati nilang lakas.

"Tapos na ang Feinan!" Sigaw ng isang God.

Kanina, tatlumpung minuto na ang lumipas.

Itinulak ni Marvin at Yin ang pinto.

Ang inaasahan nilang pag-atake ay hindi nangyari, at hindi rin nagpakita ag World Ending Twin Snakes.

Isang kakaibang kwarto ang nakita nila sa ikod ng pinto!

Tila walang hanggan ang kwartong ito at halos buong kwarto at nababalot ng dilim bukod sa iilang lugar na mayroong kumikislap na starlight.

Mausisang naglakad sa paligid ang dalawa, at bigla nilang naramdaman na iba ang mga Law sa kwartong ito.

Atras abante sila pero ang nilalakaran nila ay tila hindi totoo o sadyang wala.

Bawat hakbang nila ay tila naglalakad sila sa hangin.

At ang mga starlight ay nangangahulugan na mayroong kayamanan!

Karamihan ng mga starlight ay nakatuon sa iisang lugar, pinapaligiran nito ang isang kumikinang na cube!

"Hehe, ito na ang Fate Tablet na gusto mo!" Tumawa si Yinat itinuro ang cube.

Makikita ang pagkasurpresa sa mukha ni Marvin. Nakakita na siya ng Fate Tablet noon at hindi ito katulad nito.

Nang mapansin ni Yin na tila hindi naniniwala si Marvin, nagkibit-balikat lang ito. " Wala akong rason para lokohin ka. Nakita ko ang mga Fate tablet noong 3rd Era. Ang kailangan mong mapagtanto na ang mga 'yon ay hindi ang mismong Fate Tablet!"

'Mga Fragment lang ang mga 'yon!"

Biglang naalala ni Marvin ang mahalagang terminong iyon dahil kay Yin!

Ang mga tinatawag na Fate Tablet sa 3rd Era, kasama na si Fortune Fairy Ding, at mga Fragment lang ng tatlong Fate Tablet.

Pero ang 4th Fate tablet ay hindi hati-hati. Isa itong buong Tablet!

Ang buong cube na ito ay ang 4th Fate Tablet!

Mukhang hindi nga nagsinungaling si Yin sa kanya tungkol dito. Wala nga talaga itong interes sa Fate Tablet dahil nagtungo na agad ito sa kulay rosas na liwanag sa malayo.

Marahil ang liwanag na iyon ay ang Vampires's Secret Percepts na sinasabi niya.

Mabilis na nilapitan ni Marvin ang cube.

Sa loob ng transparent cube, hindi mabilang na mga Law at mga rune ang nagpapaikot-ikot, naglalaman ang mga ito ng kaalaman at kapangyarihan ng buong Universe!

Marahang ibinuka ni Marvin ang kanyang mga daliri habang sinusuri ang cube.

Pero bago pa man siya makakuha ng ano mang impormasyon, agad na nagkaroon ng reaksyon ang kanyang False Divine Vessel!

Sa isang iglap, nahawakan ng kanyangmga daliri ang cube, tila naging isang blackhole ang dulo ng kanyang daliri habang hinihigop ito ang cube.

Nagulat si Marvin sa eksenang nagaganap sa kanyang harapan!

Hindi mabilang ang mga linyang lumabas sa kanyang interface!

hindi niya alam kung dahil bai to sa Fate Tablet, pero walang nasabi si Marvin nang makita niya ang mga nangyayari!

'Anong nangyayari?'

'Nasa kamay ko na ba ang Fate Tablet?'

Hindi makapaniwala si Marvin na ganoon lang iyon ka-simple.

Matapos ang kaguluhan sa kanyang interface, sa wakas ay Nakita na ni Marvin ang paliwanag tungkol sa naging reaksyon ng kanyang False Divine Vessel.

100% na ang pagsasanib.

Nagawa na ng False Divine Vessel ang ikatlo nitong ebolusyon at nakumpleto na ito!

Ang transparent cube na iyon ay lumulutang pa rin sa False Divine Vessel, sadyang mas maliit na lang ito kumpara kanina.

Sinubukan gamitin ni Marvin ang mga kaalaman at ang mga Law pero hindi siya nagtagumpay.

Tila nakaselyo pa rin ang Fate Tablet/

Isang ideya ang pumasok sa isip ni Marvin. 'Ang susi!'

Kung wala ang susi, hindi niya mabubuksan ang Fate Tablet. 

Mayroon namang payo si Lance sa kanya tungkol dito!

Isang Item ang pumasok sa isip ni Marvin:

Ang Book of Nalu!


Load failed, please RETRY

Gifts

Gift -- Gift received

    Weekly Power Status

    Rank -- Power Ranking
    Stone -- Power stone

    Batch unlock chapters

    Table of Contents

    Display Options

    Background

    Font

    Size

    Chapter comments

    Write a review Reading Status: C690
    Fail to post. Please try again
    • Translation Quality
    • Stability of Updates
    • Story Development
    • Character Design
    • World Background

    The total score 0.0

    Review posted successfully! Read more reviews
    Vote with Power Stone
    Rank NO.-- Power Ranking
    Stone -- Power Stone
    Report inappropriate content
    error Tip

    Report abuse

    Paragraph comments

    Login