Speedy.
Sa katunayan, mayroon din nararamdaman na kakaiba si Marvin habang naglalakad sila!
Ang Devil Town ay puno ng mga kakaibang mga gusali at ng mga Watcher, pero walang bakas ng sino man, walang mga construct o mga guardian.
Pero dahil sa Perception ni Marvin para bang pakiramdam niya ay isang itong palengkeng abalang-abala!
Mayroong nararamdaman ang kanyang mga tenga na nagbibigay sa kanya ng kakaibang pakiramdam.
Wala siyang gaanong nalalaman tungkol sa Devil Town.
"Bilisan natin…"
Masama ang kutob niya.
Hindi agad na susuko ang Black Knight. Maaaring may nalalaman ito tungkol sa mga distrito ng Devil Town at hindi lang naman ang pangunahing gate ang daan papasok dito.
Lalo pa at ito ay tunay na mundo at hindi isang laro.
Sa laro, mayroon lang isang kumpirmadong daan papasok, pero sa katunayan, marami pang ibang paraan.
…
Sa pagmamadali ni Marvin, walang nagawa ang Tomb Raider kundi ikuyom ang kanyang ngipin at pwersahin ang kanyang sarili na magpatuloy sa paglalakad.
Pero ang kagandahan ng pagdating nila sa gitna ng Devil Town ay hindi na niya kailangan takpan ang kanyang mga mata at sundan si Marvin.
Kahit na ganito, hindi pa rin siya nagtangkang tumakas.
Habang nagpapatuloy ito sa paglalakad, nararamdaman pa rin nitong mayroong nakatingin sa kanyang likuran.
Kalmado ang mga mata ng binata, minsan malumanay pa nga ito, pero kapag may kaunting inilabas na emosyon ito, ang nakatago at nakakasakal na awra ng Slaughter ay lumalabas.
Naramdaman na ito ng Tomb Raider.
Hindi niya maaaring galitin ang taong ito.
Maaaring mas marami pa itong napatay na tao kesa sa Black Knight.
Hindi na rin nito pinagdudahan ang mga pananalita ni Marvin. Kung susubukan niyang tumakas, mapupugutan siya ng ulo!
Noon pa man ay wala na siyang lakas ng loob. Kahit na mayroon siyang pambihirang talent, habang papalapit na siya sa Legend Realm bilang isang Thief na walang pangalan, pinili niya ang isang class na matagal na siyang interesado, at hindi isang mabagsik na combat class.
Ang tingin niya sa kanyang sarili ay isang Thief, isang Tomb Raider, at hindi isang Legend powerhouse.
Wala siyang balak na lumaban sa ibang mga Legend.
Sa paglipas ng mga taon, marami na siyang nakaharap na Legend na kapareho ng kanyang level, at sa lahat ng paghaharap na ito ay nauwi sa mahusay na pagtakas niya.
Mabuti na lang at ang mga Legend powerhouse ay bibihira lang sa Feinan bago ang Great Calamity.
Kaya komportable naman ang kanyang buhay.
Kapag mayroon siyang nakakaharap na taong hindi pa isang Legend ay malaki ang kanyang lamang sa mga ito kahit na malamya ang mga pamamaraan niya sa pagpatay.
Kuntento na siya dito.
Pero hindi lahat ng bahay ay pang habang-buhay.
Hindi na niya nagawang makapagtago sa pagkakataon na ito.
Sumikat siya. At pinaghandaan siya ng Black Knight kaya mabilis lang siyang nahuli nito.
Sa katunayan, mayroon siyang suot na dalawang pulseras ngayon para mapigilan ang kanyang mga escape skill.
Kung hindi, hindi siya makikipagtulungan sa Black Knight matapos siyang mahuli nito.
Ang tanging gusto na lang niyang gawin ngayon ay ibigay ang kagustuhan ng mga powerhouse na ito at umasang papakawalan siya ng mga ito. Mas mabuti na sumama siya sa binatang ito dahi mukhang mas makatwiran ito kumpara kay Sangore.
Tatakas?
Kaya niyang tumakbo nang mabilis, pero ang pagtakbo palabas ng Devil Town? Habang hinahabol ng isang Royal Griffin?
Kaya naman, kahit na hindi gaanong maganda ang kanyang kalagayan at nakakaamdam siya ng tako, ginagawa pa rin niya ang mga kahilingan ni Marvin.
Paisa-isang hakbang niyang tinupad ang kanyang tungkulin bilang Tomb Raider.
…
Habang pinapanuod ni Marvin ito, tila parang kakaiba ang kanyang naramdaman.
Sa simula ay itinuon niya ang atensyon niya sa lalaking ito dahil inisip niya na hindi magiging madali ang paghiling ng kooperasyon ng isang Thief na ito.
Sinong mag-aakala na magkukusa pa ito?!
Tila isa itong matapat na taga-sunod dahil sa paggawa nito ng lahat ng kanyang makakaya para humanap ng magandang dadaanan.
Kakaiba ang reaksyon sa mukha ni Marvin nang makita ang pagsisikap nito.
Noong una ay inakala niya na magpapanggap lang na nagtatrabaho ang Tomb Raider habang naghahanap ito ng pagkakataon na makatakas.
Pero habagn tumatagal, mas naging malinaw na ito kay Marvin ….
Ginagawa talaga ng lalaking ito ang trabaho niya.
Wala naman nasabi si Marvin.
'Mukhang alam niya ang lugar niya bilang bihag ko siya…'
Masaya naman si Marvin sa ginagawang trabaho ng Tomb Raider.
Kahit na pareho silang mga rouge, dalubhasa ang Tomb Raider sa larangan na ito. Dahil sa ang Bloody Emperor ang gumawa ng Devil Town, malamang ay ginawa nito ang lahat ng makakaya nito para protektahan ang kanyang tomb.
Kaya magiging mas madaling hanapin ang daan papasok ng tomb dahil sa tulong ng taong ito.
Habang maingat na sinisiyasat ng Tomb Raider ang kapaligiran, hindi mapigilang itanong ni Marvin, "Anong pangalan mo?"
"Ako? Noong bata pa ako [Speedy] ang tawag sakin ng mga kaibigan ko. Binigay nila sa akin ang palayaw na iyon dahil mabilis akong tumakbo."
"Pagkatapos noon, tinawag na nila akong [Flying Thief]. Kung iisipin mo, kakaibang bagay na maging isang Legend ang isang ulilang walang pangalan," mahinahon na sagot ng Tomb Raider habang ipinagpapatuloy ang kanyang pagtatrabaho.
'Speedy…' Bahagyang kumibot ang bibig ni Marvin.
Ang lalaking nasa harapan niya ay maliit, mukhang lampa, at tila matapat.
Pero panglabas niya lang na itsura iyon.
Kapag kumilos ito, mapapansin ang galing sa kanyang mga mata at ang mahusay na mga kamay nito.
Isa ngang talentadong Thief ang lalaking ito.
'Isa pala siyang ulila na nagawang itulak ang sarili niyang maging Legend.' Walang nasabi si Marvin.
Kasabay nito, hindi niya mapigilang maging interesado sa kwento ng Tomb Raider.
Habang nagpapatuloy sila, nagsimulang mag-usap ang dalawa, kahit na medyo kakaiba ito. Ang taong binihag at ang taong bumihag sa kanya ay tila dalawang magkaibigan na normal na nag-uusap.
Nakatulong rin ito para mawala ang kakaibang nararamdaman na dulot ng Devil Town.
Matapos marinig ang lahat ng taos-pusong kwento ni Speedy, natahimik si Marvin.
Ang ulilang ito ay humarap sa walang humpay na mga pagsubok sa lansangan, isang simpleng Thief na nangahas na pumasok sa isang kilalang tomb, at nag-advance sa Legend Realm bilang isang Tomb Raider.
Talagang walang masasabi ang sino man na makarinig nito.
Gaano ba siya katalentado?
Kahit na karamihan ng mga Legend ay mag-isang nagagawa ang kanilang pag-advance. Ang karamihan sa kanila ay nagkaroon ng gumagabay sa kanila. Pero ang taong nasa harapan niya ay hindi tinuruan ng sino man.
labing limang taon na siyang Legend, at bukod sa paminsan-minsan na pagpasok at pagnanakaw sa mga tomb, kadalasan lang siyang nagtatago at nilalasap ang sarap ng buhay na dulot ng kanyang katayuan at kakayahan bilang Legend.
Mukhang wala naman itong gaanong kagustuhan.
Pero nang tumama ang Great Calamity sa Feinan, ang lahat ng bagay na pamilyar sa kanya ay nawasak kaya naman nagtago siya.
Sa kasamang palad, nahuli pa rin siya ni Black Knight Sangore.
Bumigay na lang siya sa kanyang kapalaran at sinunod ang mga utos gn Black Knight.
Ngayon na nahuli siya ni Marvin. Ayaw niyang pagdudahan siya nito kaya naman sinagot niya nang buo at deretso ang mga tanong nito.
Bigla naman nakaramdam ng hiya si Marvin.
Parang wala na siyang pinagkaiba kay Sangore dahil sa pagpilit ni Marvin dito na hanapin ang daan papasok ng tomb.
Pero hindi niya binago ang kanyang reaksyon at wala naman napansin ang Thief na abalang-abala.
Natapos nang siyasatin nito ang daan at mabilis na bumalik para magbalita:
"Katulad lang dati, ligtas ang mga kalsadang 'to."
"Pero ang ipinagtataka ko, bakit niyo pinapatingnan sa akin ni Sangore ang mga kalsada na 'to?"
"Sa tingin ko, walang tomb dito."
"Isa itong siyudad!"