__
**Editor:** Translation Nation
Tahimik na nalalaglag ang mga dahoon.
Mukhang matindi ang dinanas ng maalikabok na daan dahil sa paglipas ng panahon. Paminsan-minsan, ilang anino ang lilitaw bago umatungal sa paghihinagpis.
Sa malubak na daan, ang berdeng lumot at ang pulang bato ay maraming tinatagong panganib.
Isang Trapper ang nagtatago sa likod ng isang tumpok ng bato.
Ang Trapper na ito, gaya ng karamihan sa uri nito, ay mahaba ang pasensya.
Marahil dahil ito sa innate restriction ng kanilang Race… Hindi sila mabilis kumilos.
Ang mapanganib na lang dito ay ang madugong bunganga nito na nakatago sa ilalim ng bato.
Isang hindi nag-iingat na taong naglalakbay ang mahugulog sa patibong at malalaglag sa bunganga ng Trapper.
Hindi palalampasin ng tila hindi nabubusog na nilalang na ito ang pagkakataon na iyo. Sa oras na mangyari ito, maglalabas ito ng maapangyarihang asido na kahit isang Legend powerhouse ay hindi makakatagal. Para naman sa mga ordinaryong tao, magiging isang tumpok na lang sila ng karne, at sa isang iglap ay hihigupin na ito ng hindi mabilang na butas ng Trapper.
Syempre, hindi naman mahuhulog sa panlilinlang nito ang karamihan ng mga Legend powerhouse. Kaya naman, ang mga ignoranteng Zombie na lang ang kinakain ng mga Trapper.
Pero kahit ang mga Trapper ay napapangitan sa lasa nito at hindi pa ito masustansya para sa kanila.
Ang mga Zombie sa Withered Leaf Promenade ay mga nilalang na nasa pagitan ng pagiging Evil Spirit at Undead. Kahit mga iskolar ay walang masyadong ideya sa pinagmulan ng mga ito, pati na ang mga Trapper.
Sa mahinahong umaga na ito, naghihintay lang ito para sa kanyang almusal.
Isang anino ang lumitaw mula sa malayo.
Paika-ika ang lakad nito, at sumisigaw na parang isang tao.
Dahil dito madaling malaman kung sino ito.
Isang kaawa-awang Zombie.
Sadyang sawa na ang mga Trapper na kainin ang mga ito. Pero para lang magkalaman ang tiyan nito, kailangan pa rin nitong ipagpatuloy ang pagtatago sa ilalim ng bato.
Para mas mapabuti pa ang pagtatago nito, gumamit pa ito ng skill para mag-disguise. Isa ito sa iilang spell na maaari nitong gamitin. Mahirap malinlang ang karamihan ng mga malalakas na kalaban, pero dahil sa pambihirang katangian ng mga Trapper, kakaunti lang ang naglalakas loob na kalabanin ang mga ito.
Mahirap mapatay ang isang Trapper, at kakaunti lang ang makukuha sa paggawa nito.
At gaya ng dati, lumapit ang Zombie.
Agad na naghanda ang Trapper para kainin ang kanyang almusal.
Pero noong oras na iyon, isang mala-Demon na anino ang biglang lumitaw sa hamog.
Kasing bilis ng kidlat itong lumabas sa hamog at pinugutan ng ulo ang Zombie bago pa man ito makalingon!
Mas mahina ang mga Zombie kumpara sa mga Abomination, at siguradong mamamatay ito kapag napugutan ito ng ulo.
Nagalit ang Trapper.
Ang kanyang almusal na kay tagal hinintay ay ninakaw.
Nagdesisyon itong tingnan nang mabuti ang anino.
Kaya naman, tahimik nitong iginalaw ang katawan na nakabaon sa lupa at dahan-dahan na lumapit sa anino.
Alam ng lahat ng nasa Crimson Wasteland na kayang manipulahin ng mga Trapper ang kanilang katawan at pahabain ito kahit kailan nila gusto para malawak ang masakop nila.
Kung aapak ang anino sa kalsadang iyon, aapak-aapak ito doon.
Ang Disguise skill, na hirap na hirap gamitin ng Trapper, ay maganda ang epekto kaya naman kampante ito na lalamunin niya ang taong nagnakaw ng kanyang pagkain.
Pero sa sumunod na sandali, isang bola na may ilaw na kumikisap-kisap ang ibinato nito papunta sa kanya.
Wala pang reaksyon ang Trapper at nabalot na ng lumalagablab na apoy ang katawan nito!
Dahil sa tindi ng init nito, lumiit ang katawan ng Trapper, at naglabas ito ng sound wave dahil sa pag-atungal.
Pero hindi ininda ng taong ito ang pagdurusa ng Trapper.
Tinitigan lang nito ang Trapper na nagpupumiglas hanggang sa masunog ito at mamatay.
'Nagsasayang talaga ako item sa paggamit ng mga Sun Sphere para sa mga Trapper!' Napailing si Marvin at nanghihinayang.
Ininda niya lang ang sunog na amoy at binaliktad ang bangkay ng Trapper. At tulad ng inaasahan, basura ang mga item nito.
Hindi normal ang katawan ng mga Trapper. Bukod sa kakayahan nito sa paghahanap ng makakain, mayroon ding sikmura ang mga ito na mas malakas kumpara sa mga Dragon!
Maraming Demon Lord sa mga teritoryo sa Abyss, ang nagpapalaki ng mga Trapper para gawing basurahan. Pagpapatunay kung gaano kalakas ang acidic ability ng mga ito.
Sa katunayan, kung interesado lang si Marvin, maaari siyang kumuha ng asido mula sa katawan ng ilang Trapper.
May nagawa nang kaparehong quest si Marvin sa laro. Isa itong matinding gawain, mapanganib, pero mahalaga.
Ang asido ng Trapper na mayroong espesyal na mga enchantment ay maaaring makapagdagdag ng corrosive curse sa mga dagger. Kahit na mga Legendary Armor ay kayang sirain nito.
Sa kasamaang palad, walang masyadong oras si Marvin.
Wala rin naman siyang kakulangan sa kagamitan.
Bilang Overlord ng tinuturing na pinakamagandang teritoryo matapos ang Great Calamity, mas maraming kagamitan at kayamanan si Marvin kumpara noon.
Sa laro, ang mga item na kasing halaga ng mga Sun Sphere ay ginagamit lang para matapos ang mga mahahalagang Instance. Ganoon din ito kahit pa para sa mga malalaking guild.
Pero para kay Marvin, sa ngayon, ang mga item na ginagawa g mga artisan ng Craftsman Tower ay normal na mga item lang.
Gayunpaman, karamihan ng mga craftsman ng Craftsman Tower ay bahagyang naapektuhan ng Chaos Magic Power dahil sa katangian ng kanilang propesyon.
Nalampasan nila ang unang bugso ng delubyo, pero mahihirapan silang mabuhay nang mag-isa. Kaya kailangan nilang magtulong-tulong.
At ang White River Valley ang pinakamagandang lugar. At dahil sa pagtulong ni Marvin sa kanila, madaling nakakuha si Marvin ng mga Sun Sphere.
Kahit na ganito, sayang pa rin ang paggamit ng Sun Sphere para dispatyahin ang isang Trapper. Kung hindi lang limitado ang oras ni Marvin, siguradong hindi gagamitin ni Marvin ang mga ito nang ganoon-ganoon lang.
…
Habang papalapit ang tanghali, nananatiling makilimlim ang kalangitan ng Crimson Wasteland. Mabuti na lang, eksakto ang biological clock ng mga Legend powerhouse kaya hindi nahihirapan ang mga ito na malaman kung anong oras na.
Nagpatuloy si Marvin sa pagpatay habang umuusad siya, nadispatya na niya ang napakaraming halimaw sa Withered Leaf Promenade at nakakuha ng malaking halaga ng exp, pero halos wala na rin kwenta ito para sa kanya. Maiaangat niya ang level ng kanyang Battle Gunner class, pero wala itong masyadong epekto sa lakas niya sa pakikipaglaban.
Ang kinatuwa niya lang ay kakaunting Trapper lang ang nakasalubong niya, tatlo lang.
Halos puro mga Zombie at Abomination ang nakaharap niya.
Mukhang malaki ang kapalit para makapg-summon si Balkh ng mga Trapper, dahil kung hindi, siguradong nag-summon pa ito nang mas marami.
Nang tingnan niya ang kanyang interface, tiningnan niya ang kanyang Spirit Orb na mayroon nang [196/200] na nakalagay. Siguradong mapupuno na niya ito kapag nakapatay pa siya ng isa pang nilalang na mayroong magandang kaluluwa.
nasasabik naman si Marvin sa kung anong ability ang lilitaw kapag nangyari iyon.
Pero wala siyang oras para isipin ito ngayon.
Natanaw ni Marvin sa malayo ang isang lambak sa daan
Ang lambak kung saan nakatira si Balkh