Ang Elemental Plane of Water!
Ang isa sa apat na Elemental Plane.
Sa Feinan, ang apat na Elemental Plane ay mga misteryosong plane, mas misteryoso pa kesa sa Astral Sea, Hell, at Abyss.
Kahit isang makapangyarihang Legend Wizard ay mahihirapang magpunta sa isang Elemental Plane.
Dahil ang apat na Elemental Plane ay mahigpit na binabantayan laban sa mga taga-labas.
Kahit na maraming Wizard ang nakakapag-summon ng Lesser Elemental, matapat na gagawin ng mga Elemental na ito ang utos sa kanila, pero hindi sila maglalabas ng kahit anong impormasyon tungkol sa kanilang Elemental Plane.
Ang mga Elemental Plan ay pinamamahalaan ng apat na imortal na Sovereign at sinasabing kasabay ipinanganak ng Universe.
Binabantayan nila ang puso ng bawat Elemental Plane.
Ang kapangyarihang ng apat na element ay kanya-kanya at magulo, pero kapag nagsama-sama ang mga ito, magiging Order ito.
Sa madaling salita, ang Elemental Plane ang sumusuporta sa Astral Sea habang sa kanila rin nagmumula ang power of Order sa bawat plane, na tinatapatan ang Chaos. At dahil dito, nagiging balanse ang magkabilang panig.
Ang mga Elemental Sovereign ay makapangyarihan at wala pang sino man ang nakakita ng tunay na lakas ng mga ito. Sa tantya ni Marvin kasing lakas ng mga ito ang ilang mga God.
Maging Hell, Abyss, at Negative Energy Plane… alin man sa masasamang lugar na ito, ay hindi nangangahas na galawin ang puso ng bawat Elemental Plane. Dito pa lang ay makikita na ang lakas ng mga plane na ito.
Sa katunayan, base sa maliliit na piraso ng impormasyon na nanggaling sa laro, masasabing ang Elemental Plane ang pinakamalakas na pwersa sa lahat ng mga plane.
Pero konserbatibo ang mga Elemental Plane. Tinutupad ng mga Elemental Sovereign ang panunumpang ginawa nila noong sila ay nabuo na hindi sila gaanong makikisalamuha sa ibang mga nilalang.
Kaya naman, nanatiling isang malaking misteryo ang mga Elemental Plane.
Kahit na mawasak nang tuluyan ang Feinan, basta hindi madadamay dito ang ugat ng Universe, walang gagawin ang mga Elemental Sovereign at wala silang gagawin.
Hindi naman inakala ni Marvin na ang kaibigan ni Kangen ay anak ng isang Elemental Sovereign!
…
Tiningnan ni Louise ang gulat sa mukha ni Marvin at mukhang natuwa ito.
Tinanggal na niya ang kanyang Disguise pati na ang kanyang balabal, at makikita ang kanyang magandang mukha.
Mukha siyang tao na babae, at tanging sa asul na mata lang makikita ang bakas ng pagiging bahagi ng Elemental Plane.
"Princess, napakalakas ng Shapechanging skill ninyo." Pilit na ngumiti si Marvin.
"Shapechanging? Hindi, ito ang tunay kong itsura." Ngumiti si Louise at mapang-asar na nagtanong, "Akala mo ba na ang mga nakalagay sa mga alamat na anyo namin ang tunay naming itsura?"
Hindi alam ni Marvin kung ano ang kanyang magiging reaksyon.
Ang isang Water Elemenal Guardian ay umubo at pinutol ang kanilang usapan, tila ayaw na nitong ipagpatuloy pa nila Marvin ang kanilang pag-uusap. "Princess, kanina ka pa hinihintay ng King."
Hindi mapigilang iirap ni Louise ang kanyang mga mata. "Kanina pa pala siya naghihintay, bakit hindi pa siya maghintay ng kaunti pa?"
"Babalik muna ako sa kubo ko."
Pagtapos nito ay hindi na niya pinansin ang reaksyon ng Water Elemental Guardian at hinila si Marvin at biglang nawala.
…
Ang kubo ni Louise ay matatagpuan sa dulo ng Elemental Plane of Water.
Isa itong mahiwagang kubo, at ang kabuoan nito ay gawa sa shape-changing oak. Mukha lang itong maliit sa labas pero tila ibang mundo ang nasa loob nito.
Sa loob ng kubo, nakaupo si Marvin sa isang kumot habang iniinom ang kakaibang mainit na inuming ibinigay sa kanyang ni Louise, "Ayos lang ba talagang paghintayin ang isang nilalang na tulad ng tatay mo?"
Nagkibit-balikat si Louise. "Marami naman siyang oras eh."
"Isa pa, bago mo siya makita, may kailangan tayong pag-usapan."
"Mayroon akong kaunting nalalaman tungkol sa ginawa ni Hartson, pero hindi 'to sapat. Gusto kong sabihin mo sa akin lahat ng nalalaman mo."
"Mahalaga 'to."
Sandaling natigilan si Marvin, nag-iisip.
Naiintindihan niya ang halos lahat ng tungkol kay Hartson. Wala rin namang masama kung sasabihin niya ito kay Louise. Pero hindi niya alam kung dapat bang malaman ng Elemental Sovereign ang tungkol sa Fairy at selyo ni Lance…
Lalo na ang tungkol sa Crystal Statue.
Nasa loob na ngayon ng Elemental Plane of Water si Marvin. Kahit na walang masamang intensyon si Louise, pano kung gustuhin nitong ibigay sa kanya ni Marvin ang Crystal Statue?
Walang sino man ang makakatanggi sa napakalakas na kapangyarihan. Hindi niya alam kung ano ang pananaw ng Elemental Sovereign tungkolsa Crystal Statue, kaya naman hindi niya alam kung dapat ba niyang banggitin ito.
Hindi rin maganda na lokohin niya si Louise. Lalo pa at iniligtas siya nito.
Biglang bumulong si Lousie, na para bang nababasa ang magulong reaksyon sa mukha ni Marvin, "Gusto ko lang malaman kung nakuha ni Hartson ang gusto niya."
"Nag-aalala ang tatay ko tungkl dito. Sa totoo lang, wala siyang pakialam sa pagbagsak ng Feinan. Hangga't walang nangyayari sa buong Universe, hindi siya kikilos."
"Pero isang mapanganig na nilalang si Dragon God Hartson. Noon, natalo lang ni Lance si Hartson dahil sa tulong ng apat na Elemental Sovereign. Tanging sila lang ang nakakaalam ng tunay na lakas ni Hartson, kaya naman…"
Pilit na ngumiti si Marvin. Bigla niyang tiningnan si Louise, "Hindi nakuha ni Hartson ang gusto niya, at hindi niya 'to kailanman makukuha,"
"Talaga?" Interesadong tiningnan ni Louise si Marvin.
Bilang isang matalinong babae, alam na niya kung ano ang ibig sabihin ni Marvin.
"Natatakot ka bang aagawin ko sayo 'yan?" Biglang sabi nito na may mapang-asar na ngiti.
Natuliro si Marvin, hanggang sa mahinahon itong sumagot, "Kung gusto mo talaga, hndi mo na sana ako dinala sa kubo mo."
"Pwede mo na sanang kunin sa akin ng Direkta sa [Heart of the Whirlpool]. Lalo pa at wala namang makakatapat sa kapangyarihan ng isang Elemental Sovereign, hindi ba?"
Suminghal si Lousie, "Magaling"
Nakahinganang maluwag si Marvin.
Kakaiba para kay Marvin ang naging kilos ni Lousie. Hinihintay na siya ng Water Elemental Sovereign pero hindi niya ito pinansin at isinama siya sa kanyang kubo.
May kakaiba dito.
At nakahinga rin ng maluwag si Louise habang hindi naman maipinta ang reaksyon sa mukha nito. "Siguradong nasa kamay mon a ang Crystal Statue."
"Hindi ito isang bagay na kaya ng pangkaraniwang tao. Maraming tao ang mahihikayat sa laman na kapangyarihan nito."
Sumimangot si Marvin, at sinubukan alamin kung ano ang nais sabihin nito. "Pati na ang ama mo?"
Nag-aalilangan umiling si Louise, "Hindi naman sa ganoon. Nag-aaalala lang talaga ako tungkol doon. Noong mga nakaraang taon, mayroong nagbago sa kanya. Lagi niyang sinasabi na sawa na siya sa buhay niya."
"Ipinanganak siyang tagapagbantay ng Heart of Whirlpool, tagapagbantay ng power of Order sa Universe. Walang makakapantay sa kapangyarihan niya, pero hindi niya matatakasan ang tungkulin niya."
"May punto pa na… may isang bagay na nakapagtataka… siyang sinabi sa akin."
Makikita ang pagkabahala sa mukha n Louise.
"Ano 'yon?" Tanong ni Marvin.
Nararapat lang sabihin na matigas ang paninindigan ng isang Elemental Sovereign. Ipinanganak sila para bantayan ang mga Elemental Heart. Sila ang pundasyon para mapanatili ang kaayusan ng Universe.
Kung mayroong problema sa mga Elemental Sovereign, mas masama pa ang balitang ito kumpara sa pagkawasak ng Universe Magic Pool.
Naroon ang mga Elemental Plane para panatilihin ang balanse ng Universe.
Kung ang pagkawasak ng Universe Magic Pool ay magdudulot ng pagbagsak ng Feinen, ang pagkawala sa balanse ng mga Elemental Plane ay magdudulot ng pagkawasak ng buong Universe!
Pakiramdam ni Marvin ay may mabigat na bagay na nakadagan sa kanya.
Sunod-sunod niyang nalaman ang matitinding lihim ng Universe at mga tagong delubyo.
Hindi kailanman malalaman ng mga pangkaraniwang tao ang mga bagay na ito, kaya naman ang kailangan lang nilang alalahanin ay ang delubyong nasa harapan na nila.
Ang mga Powerhouse na gaya ni Marvin ay kailangan isipin ang posibilidad ng mga delubyo sa hinaharap.
Kaya minsan tila mas mabuting mamuhay na lang bilang isang pangkaraniwang tao.
Tulad ng kasabihan, may kaligayan sa pagiging ignorante.
…
Tiningnan ni Louise si Marvin. May mga nabalitaan na siya tungkol sa lalaking nasa harapan niya.
Lalo pa at kilala si Marvin sa Feinan. Pinasabog niya ang God Realm ng Shadow Prince at kahit ang mga Elemental Sovereign ay ilang araw itong pinag-usapan. Habang nasa tabi lang siya na nakikinig.
Gusto niyang makilala si Marvin. Tila may misteryosong kakayahan ang lalaking ito kaya naman nagawa niya ang maraming bagay na tila imposible para sa ibang tao.
Hinangaan naman si Kangen dahil sa talas ng pag-unawa nito. Kahit na isa lang siyang mortal, npatay noya si Diggle, pati na ang Dark Phoenix. Kahit ang ama ni Louise ay nagulat sa potensyal ni Marvin.
Tama nga ba na siya ang piliin para humawak ng Crystal Statue?
Hindi alam ni Louise. Pero naisip niya na mas mabuting siya ang may hawak nito kesa sa kanyang ama.
Nagdalawang-isip ito bago ito bumulong, "Sinabi niya sa akin: [Ang mundong 'to ay parang kulungan… Gusto kong sumilip sa labas.]"
Huminga nang malalim si Marvin.
Ang mundong ito ay parang kulungan.
Parang narinig na niya dati ang mga salitang ito.
Hindi ba iyon ang iniisip ng mga God sa kanilang mga God Realm?
Ang mga Archdevil ng Hell, ang mga Demon Lord ng Abyss, ang mga Beast ng Wilderness, hindi ba iyon ang iniisip nilang lahat?
Nakagapos sa kanilang mga paa ang Power of Order na parang kadena, bumubuo ng isang tila kulungan at nakakulong sila sa loob.
Para makakawala sa kulungan, kailangan nilang gumamit ng malakas na kapangyarihan.
At sa prosesong iyon, hindi maiiwasan na maraming inosente ang mai-sakripisyo. Dadanak ang dugo.
Lalong tumindi ang pagkabahala sa dibdib ni Marvin.
Kapag ganoon mag-isip ang isa sa mga pinakamakapangyarihang nilalang ng Universe, nasa bingit ng pagbagsak ang balanse ng Universe.
Noong una ay inakala ni Marvin na limitado lang sa Feinan ang problema ng mundo, at tanging Universe Magic Pool lang ang kanilang problema. Pero ngayon, tila manlalaro pa rin siya at hindi niya pa rin lubusang maunawaan ang Universe na ito.
Ang isang Elemental Sovereign, isang nilalang na nagpapanatili ng power of Order, sinabi ang mga salitang iyon. Kahit na hindi siya kumilos ayon sa kanyang mga sinabi, nakakatakot pa rin isipin na sinabi niya ang mga salitang iyon.
Lalo pang napaisip si Marvin. "Ang Wizard God na 'yon, tingin niya rin ba na isang kulungan ang mundong 'to?'
'Kung ganoon din ang nararamdaman niya, anong pinlano niyang gawin?'
…
Habang iniisip ni Marvin ang tungkol dito, mas lalo siyang natakot. At umabot sa puntong pinagpapawisan na siya.
Mabuti na lang at pinutol ni Louise ang kanyang pag-iisip bago siya malugmok.
"Wala nang oras, siguradong nauubusan na ng pasensya ang ama ko."
"Ipadadala na kita sa Feinan. Ito ang Dark Blue hourglass, balang araw, kung kailangan mon ang matatakbuhan, pwede mo 'yan magamit para pumasok sa Eternal Plane of Water ano mang oras."
"Protektahan mo ang Crystal Statue. Kami na nina Professor ang bahala sa ibang mga bagay."
Sa sumunod na sandal, isang Teleportation Gate ang biglang lumitaw sa harapan ni Marvin.