Download App
45.3% Night Ranger (Tagalog) / Chapter 333: Pale Hand

Chapter 333: Pale Hand

Editor: LiberReverieGroup

Nakakatakot ang kapangyarihan ng Holy Blood. Hindi naging madali para kay Jo na pigilan ito nang ilang taon.

Alam ito ni Marvin. Imposible ang tuluyang pagpigil sa kapangyarihan n Holy Blood, kaya kailangan niyang makahanap ng gagabay kay Jo sa prosesong ito.

Alam niya kung sino ang pinakamagandang maging gabay ni Jo, pero wala na silang oras, dahil hindi magtatagal ay tutugisin na silang muli ng Dark Side.

Kailangan muna nilang magpalamig sa ngayon.

Ipinagkatiwala ni Marvin ang mag-ina pansamantala sa mga Wood Elf. Masasabing mayroong silang kaunting kapangyarihan sa Ruins City. Gamit ang spell ng mga Wood Elf, madali lang itago pansamantala ang awra ng Holy Blood.

Kahit na may pagkasuklam ang mga Wood Elf kina Jo at Barbara, dahil si Marvin ang humiling nito, wala silang magagawa kundi gawin ito.

Noong nasigurado na niyang ligtas ang dalawa, nangako si Marvin na babalikan niya ng mga ito pagkatapos ng ilang araw saka siya umalis.

Noong sumunod na gabi, sa dakong silangan ng Ruins City.

Isang grupo ng tao ang nagtipon-tipon.

Nang makarating doon si Marvin, naroon na ang isang grupo na kinuha ng Wolf Spider. Halos kakarating lang din ng iba pang mga expert.

Ang ikinagulat ni Marvin ay talagang maraming taong kinuha ang Wolf Spider!

May isa pang 4th rank expert. Isa siyang Sorcerer na nagmula sa Rocky Mountain.

Ang iba naman ay mga 3rd rank powerhouse. Para sa eksplorasyon na ito, ang mga 3rd rank class holder ang magiging pangunahing pwersa.

Ang pinuno ng Wolf Spider at dalawang vice-leader ay mga 4th rank expert. Habang si Bull, ang Barbarian kahapon, ay ang nag-iisang 3rd rank na vice-leader.

Nasa tatlumpu ang bilang ng mga Wolf Spider mercenary, at bawat isa sa mga ito ay armado. Kasama ang mga kinuha nitong mga expert, umabot ang bilang sa apatnapu. Isa na itong malaking pwersa sa Ruins City.

"Kelan magsisimula?"

Malinaw na mainipin ang isa sa mga kinuhang expert. Wala itong damit pang-itaas at mayroong two-handed greatsword sa kanyang baywang.

Isang 3rd rank Warrior. Isang tingin lang ni Marvin at alam na niya kung sino ito.

Kapareho nito ang pinuno ng Acheron Gang na pinatay niya noon, si Diapheis. Pero ang Herold na ito ay mas malakas.

Malaki ang katawan nito, at maikukumpara ang endurance nito sa mga Barbarian. Pero, ang mga Warrior ay dating mga Human powerhouse na inaral ang katawan at istilo ng pagsasanay ng mga Barbarian para makagawa ng sarili nilang melee class.

"May dalawa pang hinihintay. Maghihintay pa tayo ng sampung minute," malumanay na sabi ng isa sa mga vice-leader ng Wolf Spider.

Isa itong bibihirang makita na Wizard.

Kadalasan, ang mga Wizard ay mayaman sa lugar na ito, kaya bibihira silang makita na kasama ang mga adventurer. Mas madalas kasi silang nag-aaral sa loob ng isang Wizard Tower.

Isa sa mga dahilan kung bakit kilala ang Wolf Spider mercenary sa Ruins City ay ang mga kontribusyon ng Wizard na ito.

Walang nakaka-alam kung saan nakita ng Wolf Spider Leader na si Rem ang 4th rank Wizard na ito.

Pero para kay Marvin at sa ibang mga Adventurer, ang pagkakaroon ng Wizard sa kanilang grupo, na isang Half Legend, ay nangangahulugan na magiging ligtas ang eksplorasyon na ito.

Lalo pa at bago ang Great Calamity, ang Wizard class ang pinakamakapangyarihan sa lahat.

'Mukhang wala silang alam sa Saruha. Hindi sila nagsama ng Cleric ng Silver Church.'

'Akala ata nila na puro matatandang construct lang ang mayroon sa Saruha.

Napailing si Marvin.

Sa Saruha, ang pinakamalalakas na halimaw ay mga Evil Spirit!

Mayroong dalawang Evil Spirit Envoy ang nasa lugar na ito. Pero, walang koneksyon kay Diggles ang dalawang Evil Spirit na ito.

Tauhan sila ng ikalawang Evil Spirit Plane Overlord na si [Tidomas]!

Masasabing makapangyarihan ang dalawang Evil Spirit Envoy na ito at maikukumpara ang kanilang lakas sa lakas ng isang Half-Legend. Sinusubukan nilang kontrolin ang mga construct sa lugar na ito. Pero dahil sa baba ng Intellegence nila, imposible nilang ma-kontrol ang mga construct na ginawa ng mga Ancient Gnome.

Sa madaling salita, ang Saruha ay isang magulong lugar.

Pinaghahatian ito ng mga Evil Spirit at mga construct na may kanya-kanyang teritoryo.

Nagsimulang alalahanin ni Marvin ang mga alaala niya sa Saruha.

Bahagyang naaalala ni Marvin na hugis itlog ang underground na lugar na ito. Mayroong limang bahagi ito, at mayroong malaking poste sa gitna. Ang posteng ito ay nababalot ng hindi mabilang na kadena, na dahan-dahang umiikot sa araw at gabi.

Sa loob ng poste, mayroong kristal ng pinakamataas na kaalaman ng mga Ancient Gnome.

Isa itong maliit na paliparan. Sa baba nito ay tangke ng hangin at pulbura.

Dati, ang mga Ancient Gnome ay hindi nakunteto sa taas nang lipad ng kanilang mga hot air balloon. Sinubukan pa nilang lumipad nang mas mataas, para makapunta sa Astral Sea. At ang Saruha ang isa sa mga kampo kung saan sila nag-eeksperimento.

Sa simula, ang lugar na ito ay pareho sa mga rocket launching site sa mundo ni Marvin. Ang mga construct na ito ay mga guard construct o manufacturing construct at hindi mga battle construct.

Pagkataos bumagsak ng emperyo ng mga Gnome, naiwan ang lugar na ito at pinamugaran ng mga Evil Spirit.

Maraming kaalaman mula sa sibilisasyon ng mga Gnome ang matatagpuan sa Saruha. Ang Mechanical Gargoyle blueprint na nakuha niya dati ay wala pa sa kalingkingan ng matatagpuan sa Saruha.

Ito ang dahilan kung bakit ninais niyang maglakbay sa lugar na ito noong natagpuan ito.

Kung makakahanap siya ng paraan para gumawa at mag-kontrol ng mga construct, magiging mas maunlad ang White River Valley.

Malakas na mga sundalo ang mga construct, at bagay na bagay ang mga ito sa pagdepensa sa isang teritoryo.

Habang nag-iisip si Marvin, isang anino ang dahan-dahang lumapit mula sa malayo.

Nakasuot ito ng balabal at mukhang kalmado.

'Siya ba 'yon?'

Tinitigan ito ni Marvin.

Kahit na iba ang kulay ng balabal, kulay berde, nakilala niya pa rin ito.

Si Vampire Gwyn!

Una silang nagkasalamuha sa Scarlet Monastery, at pagkatapos ay "ninakawan" siya ni Marvin ng Dense Blood Nucleus noong paalis ito ng Ancient Castle Tulip.

Medyo komplikado ang kanilang relasyon.

Hindi sila magkalaban, pero hindi rin sila magkaibigan.

Noon pa man ay kakaiba na ang mga Bright Side. Ang mga Dark Side ang walang problema kay Marvin na patayin.

Habang hindi naman alam ni Marvin kung ano ang gagawin sa sitwasyon na ito.

Napakagandang tingnan nito kaya nakakapaghinayan naman na patayin siya.

Malinaw na inaasar ni Marvin ang kanyang sarili. Pero nang tingnan niya si Gwyn, naisip niya kung paano niya magagamit ang lalaking ito para makilala si Great Duke William.

"Mabuti naman. Narito na si Sir Gwyn. Isa na lang ang hinihintay natin."

Kinumpira ng Wizard na si Lilia ang katauhan ni Gwyn at ngumiti.

Pero nang mabanggit ang huling hinihintay, napansin ni Marvin na hindi maganda ang naging reaksyon ng ilang pinuno ng Wolf Spider.

'Sino ba ang panghuli?' Pagtataka ni Marvin.

Takipsilim.

"Woosh!" isang anino ang biglang lumitaw sa harap ng lahat.

"Mga ginoo at binibini, mayroon lang akong inasikaso kaya ako nahuli nang dating."

"Magsimula na tayo."

Bahagyang nakangiti ang lalaki.

Napahinga nang malalim si Marvin. "Pale Hand!"

Isa sa mga Thief Legend class!


Load failed, please RETRY

Gifts

Gift -- Gift received

    Weekly Power Status

    Rank -- Power Ranking
    Stone -- Power stone

    Batch unlock chapters

    Table of Contents

    Display Options

    Background

    Font

    Size

    Chapter comments

    Write a review Reading Status: C333
    Fail to post. Please try again
    • Translation Quality
    • Stability of Updates
    • Story Development
    • Character Design
    • World Background

    The total score 0.0

    Review posted successfully! Read more reviews
    Vote with Power Stone
    Rank NO.-- Power Ranking
    Stone -- Power Stone
    Report inappropriate content
    error Tip

    Report abuse

    Paragraph comments

    Login