Download App
32.24% Night Ranger (Tagalog) / Chapter 237: The Throne’s Secret

Chapter 237: The Throne’s Secret

Editor: LiberReverieGroup

Sa katunayan, alam na talaga ni Marvin. At dito iikot ang susunod na bahagi ng plano niya

Bakit ng aba hindi umaalis is Diggles sa trono niya?

Dahil kapag ginawa niya iyon, malalaman ang pinakamalaking kahinaan nito!

Kapag ginamit ni Marvin ang kahinaang ito, si Diggles at ang Decaying plateau ay mawawasak.

Pero para gawin ito, kailangan niyang mapaalis si Diggles sa trono nito, o di kaya ay Nanlummapagalaw ito.

Kahit pa kaunti lang, magkakaroon na ng pagkakataon si Marvin.

Nabigla ang mga Legend nang marinig si Marvin.

Binalaan na sila ni Marvin na asahan nilang darating ang Shadow Prince. Pero hindi sila handa para kalabanin ang iba pang god!

Lalo na ang Plague God, na isang Ancient God. Kahit na mas mahina ang kapangyarihan nito, marami itong ancient Divine Spell.

Kahit na isa lang itong avatar, mahirap pa rin itong kalabanin.

Pero man ang mangyari, dahil nasa Decaying Plateau na sila, handa na silang lumaban lahat hanggang sa huli!

"Sige na!" Si Inheim ang unang nagsalita pagkatapos ni Marvin, sinuntok nito nang napakalakas ang doppleganger ni Diggles.

Tumango silang lahat.

Dumating na ang pinakamahalagang oras!

Agad na lumayo sina Ivan at Inheim mula sa kanilang mga kalaban at ginamit ang pambihira nilang burst power para lagpasan ang mga ito!

Iniwasan na nila ang mga doppleganger at pinunterya ang pangunahing katawan nito!

'Alam na nga nila!'

Nanlumo si Diggles!

Hindi maaaring umalis ang kanyang pangunahing katawan sa trono, at hindi maaaring umalis ang trono sa pwesto nito!

Kinuyom nito ang ngipin nito at pinabalik sa kanya ang dalawang doppleganger. Nang biglang isang dragon chant ang umalingawngaw sa buong Underworld!

Ikinagulat ni Diggles at nang napakaraming Evil Spirit, ang biglang pagsabog ni Sky Fury na kanina ay tahimik lang na nagbubuhos ng magic sa World Tree!

Iniwan nito si Endless Ocean at tumalon nang napakataas sa ere.

Ilang beses nagpalita ng kanyang katawan. Sa isang iglap, nawalan ng Great Druid sa Underworld at biglang nagkaroon ng Bronze Dragon!

Ito ang pinakamalakas na Shapeshifting skill ni Sky Fury, ang BronzeDragon.

.

Makapangyarihan ang mga Bronze Dragon at madunong gaya ng Dopper Dragon, ibang-iba mula sa masasamang Chromatic Dragon.

Lumipad pababa ang Bronze Dragon at ginamit nito ang kanyang Dragon Breath, hindi mabilang ang napatay nitong Evil Spirit.

Kasabay nito, napigilan rin nito ang pag-atake ng mga doppleganger!

Direktang kinuha ng Bronze Dragon ang mga ito at nagsimula ng isang uri ng melee battle!

Mag-isa na ngayong pinangangalagaan ni Endless Ocean ang World Tree kaya naman lumaki rin ang nakasalalay sa balikat nito.

Nagpatuloy naman na dispatyahin ni Hathaway at White Deer Holy Spirit ang mga Evil Spirit na nasa paligid.

Ang Ashes Storm ay patuloy na lumalamon ng napakaraming Evil Spirit at walang awing tinatapos ang mga ito.

Tatlong doppleganger lang ang kayang gawin ni Diggles. Ang isa ay nagmamadaling bumalik mula sa kweba, ang ikalawa ay nilalabanan ang Bronze Dragon, habang ang ikatlo…

Hindi man lang lumingon si Ian at direktang ibinato patalikod ang Gloious Wind!

Bumigkas ito ng kakaiba at mahirap na incantation.

Nang biglang ang nagbago ang anyo ng Glorious Wind at naging isa pang Ivan!

Ito ang pinakamalakas na sikreto ng isa sa mga Nine Elven Sword!

Naging isa pang Ivan ang Glorious Wind na may taglay na 90% nang lakas ni Ivan, higit pa ito sa sapat para pigilan ang ikatlong doppleganger.

Kaya naman ang pangunahing katawan ni Diggles kaharap na ang Elven War Saint at Legend Monk na hinahamon siya sa isang labanan.

Sa isang iglap, si Ivan at Inheim, isa sa kaliwa at isa sa kanan, ay nakaabot na sa itaas ng trono!

Habang masama ang kanyang lagay, nag-ipon ng malaking negatibong enerhiya si Diggles sa paligid nang kanyang katawan.

Iniipon niya na ang lahat ng enerhiya sa buong plane!

Binuo niya uli ang tatlong barikadang ginamit niya kanina. Hindi siya naniniwalang kayang sirain ito ng dalawang mortal lang!

Lalo pa at isang barikada lang ang kinayang sirain ng Meteor Fall ni Inheim!

Pero taliwas sa kanyang inaasahan ang mga sumunod na nangyari!

Hindi umatake si Ivan at Inheim. Sa halip, maraming lubid ang lumitaw sa kamay ng mga ito.

Hindi lang ito pangkaraniwang Wishful Rope, kundi isang matibay at malakas na lubid na may halong ginto, [Prisoner Rope] ang tawag dito.

Ayon sa sa kwento, ginagamit ito ng mga High Elves para hulihin ang mga Ancient Giant!

Nabigla si Diggles sa ginawa ng dalawa at hindi na niya namalayan na nakapalibot na ang Prisoner Rope sa buong Barikada!

'Anong binabalak nilang gawin!'

Kumilos si Diggles. Ang kanyang nakakatakot na kapangyarihan ay naging dalawang malaking kamaong papunta sa kaliwa an isa at papunta sa kanan ang isa pa.

Agad namang naka-iwas si Ivan at Inheim.

Sa suusnod na sandal, tumakbo ang dalawa sa parehong direksyon habang hinihila ang tali!

Pero imbis na hilahin nila ito nang malakas, iba ang ginawa nila.

'Hihilahin niyo ko paalis ng trono?'

'Nagbibiro ata kayo!' Gustong tumawa ni Diggles.

Para bang hindi nag-iisip ang dalawang ito! Susubukan talaga nilang kaladkarin si Diggle gamit ang kanilang lakas?

Sa sumunod na sandali, namutla si Diggles!

Tumakbo palayo ang dalawa habang pinahahaba ang lubid! Ang taling nakapulupot sa palibot ng trono ay nahati sa kasabay nang paglitaw ng anim na anino!

May ibang tao pang dumating!

Hindi mapigilang magmura ni Diggels. Masyadong maraming nangyayari sa Decaying Plateau ngayong araw.

Gusto niyang pigilan ito sa pagpasok, pero nalaman niyang hindi nanggaling ang kalaban mula sa isang bitak ng space-time.

Isa itong Summoning skill.

Inilagay ni Ivan ang kanyang kanyang kamay sa dibdib habang bumibigkas.

Ang anim na anino, na kasing tangkad ng bundok, ay dumampot ng isa sa mga lubid at ipinulupot ito sa kanilang mga kamay.

Natakot si Diggles1

Mga Stone Giant!

Anim na elite Stone Giant!

"Matagal rin tayong hindi nagkita." Masayang ngumiti si Ivan.

Hindi lang siya sampid sa teritoryo ng mga Stone Giant!

Bago siya umalis, niregaluhan siya ng mga Stone Giant ng isang summoning badge. Kahit saan pa siya naroon, maaari siyang mag-summon ng anim na elite Stone Giant para tulungan siya.

"Tulungna niyo kaming tanggalin ang taong iyan sa trono niya! Siga ni Ivan.

Mabagal na tumango naman ang mga Stone Giant.

Lumakad sila sa isang direksyon, at dahan-dahang hinila ang Prisoner Rope gamit ang lahat ng lakas nila!

"Krr!" Hindi makapaniwala si Diggles nang umurong ang trono niya ng isang sentimetro pa-kanan!

Sapat na ang isang sentimetro.

Tumingin ang lahat sa ibaba ng trono.

Ano nga ba ang sikreto sa ilalim ng trono?

"Kumilos na tayo!" Lalo nainip ang Shadow Prince. "Hindi ko laam ang sikreto sa ilalim ng trono ni Diggles pero mukhang nananalo na ang mga tao."

Nagdalawang isip ang Plague God. "Mas mabuting maghintay muna tayo, hindi pa nilalabas ni Diggle sang tunay niyang lakas."

"Tingnan muna natin kung ano ang nasa ilalim ng trono!"

Walang magawa si Glynos kundi pigilan ang sarili at manuod.

Kahit pa naurong lang ito ng isang sentimetro, isang malaking pagbabago ang makikita sa trono ni Diggles.

Isang kakaibang liwanag ang nanggaling mula sa ibaba.

Mayroong butas na may vortex sa loob.

Sa loob ng butas ay isang mundong walang nakaka-ala kundi si Diggles at Marvin.

Walang nakaka-alam na bilang Overlord ng Decaying Plateau, kinonekta ni Diggles ang kanyang sariling plane sa World Tree!

Humugot siya ng kapangyarihan mula sa World Tree para lumaki at lumakas ang Decaying Plateau, at dahil doon, nalagay siya sa maraming panganib. Matagal nang natutulog ang Nature God kaya walang nagngangalaga sa World Tree.

Basta isara niya ang lagusan nito, magiging ligtas ito, at mapapakinabangan niya ang kapangyarihan ng World Tree hanggang sa muling pagbangon ng Ancient Nature God.

At kapag dumating ang araw na iyon, marahil mas malakas ang kapangyarihan niya kesa sa kabilang panig, at natupad na ang mga ambisyon niya.

Kapag nangyari iyon, mapapsakamay niya ang buong mundo.

Akala niya ay walang nakaka-alam ng planong ito, pero dahil sa paglitaw ni Marvin at kaunting kapabayaan…

Nang gumalaw ang trono, kumilos na si Marvin!

Sinuot niya ang Time Molt na inihanda niya at biglang nawala.

Sa tulong ng artifact na ito, direkta siyang nakapasok!

Muli na namang nagulat si Diggles at nagpuyos sa galit nang makita niya ito. Hindi niya inakala na ang isang tila mahinang Ranger ay ang susi sa plano ng kanyang mga kalaban!

Nagulantang rin ang Shadow Prince at Plague God!

Hindi nila inasahang ganito kapangahas si Diggles.

Binuo niya ang Decaying Plateau mula sa Evil Spirit Sea at saka ito ikinabit sa World Tree, at palihim na humugot ng kapangyarihan mula rito!

Tunay ngang mapapalakas nito ang Decaying Plateau pero mapanganib rin ito.

Dahil bahagi ang World Tree ng teritoryo ng Ancient Nature God, an gang Ancient Nature God ay may artifact na tinatawag na Golden Scissors!

Tagumpay!

Masaya ang lahat ng Legend dahil dito!

Kahit na si Inheim na hindi ngumingiti ay napangisi sa tuwa.

Plano ni Marvin na pukawin nilang dalawa ni Ivan ang atensyon ni Diggles.

Kahit na ang atensyon ng isang god ay limitado. Mahirap na para sa kanilang pagtuunan ng pansin ang ibang bagay kung sa tingin mo ay nasa harap mo na ang pinakamalaking banta.

.

At pagkatapos nito ay lilitaw ang anim na elite Stone Giant.

Kailangan nilang mapagalaw ang trono ni Diggles kahit pa isang sentimetro lang ito!

At ang isang sentimetro na ito ay sapat na para matalo si Diggles at wasakin nag buong Decaying Plateau.

"AAAH…"

Maririnig ang malakas na sigaw ni Diggles sa buong Decaying Plateau!

Nakaramdam siyang ng kakaibang banta sa kanyang buhay. Hinsi siya makapasok sa vortex dahil tanging ang mga may hawak lang ng token ng Ancient Nature God ang makakapasok!

Hawak ni Marvin ang Golden Scissors.

Hindi maaaring makapasok ang iba pa!

Halos mabaliw na ito!

"Hindi ko lang basta hihintayin ang kamatayan ko, aalis na ko dito!"

Sa isang iglap, nagdilim ang paligid!

Biglang mabilis na uminit ang buong plane, at umabot na sa puntong natutunaw na ito!

Bumaba si Diggles sa kanyang trono!

"Hindi maganda 'to! Ibubuwis na niya ang buhay niya sa pakikipaglaban!" Sumigaw ng malakas ang White Deer Holy Spirit, "Umatras na tayo!"

Biglang lumiwanag ang Rainbow Stone at nagbukas ang isang lagusan.

Binalak nilang tumakas na lahat nang biglang isang malakas na pwersa ang lumabas mula sa kawalan at pinutol ang lagusang gianwa ng Rainbow Stone.

Divine Power!

Humalkhak ang Plague God habang papalabas ito ng Shadow Plane.

"Diggles, hindi ko inakalang magtutulungan tayo balang araw."


Load failed, please RETRY

Gifts

Gift -- Gift received

    Weekly Power Status

    Rank -- Power Ranking
    Stone -- Power stone

    Batch unlock chapters

    Table of Contents

    Display Options

    Background

    Font

    Size

    Chapter comments

    Write a review Reading Status: C237
    Fail to post. Please try again
    • Translation Quality
    • Stability of Updates
    • Story Development
    • Character Design
    • World Background

    The total score 0.0

    Review posted successfully! Read more reviews
    Vote with Power Stone
    Rank NO.-- Power Ranking
    Stone -- Power Stone
    Report inappropriate content
    error Tip

    Report abuse

    Paragraph comments

    Login