Download App
26.39% Night Ranger (Tagalog) / Chapter 194: Dragon Slayer

Chapter 194: Dragon Slayer

Editor: LiberReverieGroup

[You killed the target creature (Adult Red Dragon). You obtained 8000 battle exp.]

[Dragon race experience doubled. You actually obtained 16000 battle exp.]

[You received the title – Dragon Slayer]

[World Fame (Dragon Slayer) +1]

[Chromatic Dragon Enmity +1, Red Dragon Enmity +3]

Napakaraming log na lumabas sa kanyang harap. Kitang-kita naman ang benepisyo sa pagpatay sa isang Red Dragon.

At ang nan a nga ditto ay ang Dragon Slayer na titolo.

[Dragon Slayer]:

1st Effect: Your strength is awe-inspiring, Dignity +50.

2nd Effect: Dragon Might Resistance +10.

Una pa lang ang dalawang property na ito. Alam ni Marvin na kalaunan ay mayroon pang ibang magagandang maidudulot ang titolong Dragon Slayer.

Halimabawa na lang dito ay, kung nasa kanya na ang Dragon Slayer na titlo noong inilabas niya ang wilderness clearing order, baka triple pa ang mga taong nagpunta dahil sa kanyang reputasyon.

Matapos mapatay ang Dragon, hindi lang nakuha ni Marvin ang titolong Dragon Slayer, nakuha na rin niya ang unang puntos niya sa World Fame.

Ayon sa mga balita, kapag namamatay ang isang Dragon, kusa itong mag-iiwan ng babala sa mga kapwa nito dragon. Matapos magtulungan ni Marvin at Ivan para pataying ang Dragon, mag-iiwan ito ng bakas ng hinanakit sa kanilang mga katawan.

Ang ganitong klase ng hinanakit ay makikilala ng mga Red Dragon at ng mga Chromatic Dragon. Para naman sa mga balita tungkol sa Dragon Slayer, unti-unti itong kakalat sa kanila hanggang sa umabot na ito sa mundo ng mga tao.

Siguradong magagalit ang mga Red Dragon kay Marvin pagkatapos ng pagpatay niya sa Dragon na ito. At hindi rin magiging maganda ang tingin ng mga Chromatic Dragon sa kanya.

Para naman sa mga Metallic Dragon gaya ng Copper Dragon at Bronze Dragon, tataas ang Affinity ng mga ito kay Marvin.

Pero ang pinakamahalagang benepisyo sa pagpatay ng isang Dragon ay ang mga materyales.

Kung magamit ito ng tama, maaaring magamit ito sa paggawa ng magagandang alchemical na produkto at mga magic potion.

Marami ring naniniwala na kayang pagandahin ng pagligo sa dugo ng Dragon ang pangangatawan ng isang tao.

At syempre, gusto itong subukan ni Marvin.

Subalit, hindi pa tapos ang kanilang mga problema.

Nang gamitin ni Marvin ang Brilliant Purple at sumuka siya ng dugo dahil sa sipa nito, bigla niyang naramdamang may mali.

Agad niyang ginamit ang Sea Emperor's Crown na nasa kanyang baywang at agad na nakaramdam ng mga babala.

May mga makapangyarihang nilalang ang nagtatago sa paligid!

"Pucha!"

'Parang kapag minamanmanan ng isang mantis ang isang cicada habang hindi nito alam na may isang oriole sa likod nito, ang mga ganitong klaseng sitawsyon.' Napakalalim ng iniisip ni Marvin.

Sino kaya iyon?

Bigla niyang naisip ang isang bagay at agad na nalaglga ang kanyang puso. Itinago niya ang Sea Emperor's Crown sa kanyang dibdib habang dahan-dahang lumalapit sa malaking kanyon ng Brilliant Purple para iasinta ito sa isang malayo at walang laman na lokasyon.

"Kamahalang Queen. Tutal nandito na kayo, kailangan mo pa bang magtago?" sinabi niya ito para magsiyasat.

Hindi naman niya inaakalang may ilang magagandang babae ang biglang lilitaw mula sa kawalan pagkatapos niyang sabihin ito.

At tulad nga ng hula niya, mga Sea Elf ang mga ito.

Talagang ikinagulat ng mga Elf ang isang paggamit ng Brilliant Purple, kasama na ditto ang Queen.

Ngayon lang sila nakakita ng lubhang nakakatakot na sandata sa pagpatay sa buong buhay nila sa karagatan!

Isang kanyon na napasabog ang ulo ng isang Dragon na parang kamatis lang ito… sadyang nakakatakot ang ganitong lakas.

Sa tingin ng Sea Elven Queen ay hindi magiging mahirap para sa kanya ang pagpatay sa Red Dragon, pero ang patayin ito sa pamamaraan na ginamit ni Marvin ay mahirap.

Pero hindi rin niya naisip na dahil lang din ito sa kapabayaan ng Red Dragon.

Mahirap mang iwasan ang pagtira ni Marvin, tumama rin ito dahil sa hindi pagpansin ng Red Dragon kay Marvin at direkta pa itong lumipad sa direksyon nito.

Hindi ba parang niregaluhan lang nito si Marvin ng experience. …

Gayunpaman, nagkaron ng butas ang kanilang pagtatago dahil sa gulat. At nabalaan si Marvin dahil sa malakas na perception ibinibigay ng Sea Emperor's Crown. Nagsabi lang ito ng ilang salita para lumabas ang mga ito.

"Ikaw na naman!"

Maingat na umakyat sa bundok si Ivan sa bundok kung nasaan si Marvin. Gusto nitong tingnan ang kalagayan ni Marvin pero hindi niya inaasahang lilitaw ang Sea Elven Queen.

Ang kaawa-awang Elven Prince ay biglang kinabahan. Kanina lang ay dama niya ang pagiging mapangahas at makapangyarihan pero ngayong ay bigla siyang nataranta.

"Hindi ko pa rin naman ako opisyal na nagiging Sea Elven Queen kaya hindi na kailanagn gamitin ang salitang 'kamahalan' sa akin."

"Sapat na ang 'Queen'"

Huminahon na muli ang Sea Elven Queen at tiningnan si Marvin, "Wala kaming balak na masama."

"Haha…" Panunuya ni Ivan mula sa likod.

Umubo nang dalawang beses si Marvin, nagpapahiwatig na manatili lang mahinahon si Ivan.

Mas mabuti kung hindi kikilos ang mga Elf at makikinig ang mga ito.

Natatakot si Marvin na basta na lang dadakipin ng mga ito si Ivan, kasama na ang bangkay ng Red Dragon.

Walang magagawa si Marvin kapag nangyari ito.

"Mahal na Queen… Dahil wala naman kayong masamang balak, maaari niyo ba kaming hayaang kolektahin muna an gaming loot, bago tayo mag-usap?"

Nakatutok pa rin ang kanyon sa kanila habang sinasabi ito ni Marvin.

Umaasa siyang hindi alam ng mga Elf kung paano gumagana ang bagay na ito.

Sa pagkakataong ito ay maaari lang niyang lansihin ang mga ito.

"Sige." Nakabusangot na sagot ng Sea Elven Queen.

Sa ganoong klaseng lakas, kung hindi siya agad makailag, baka pati siya ay mapira-piraso!

Maganda mang ang mga pananalitang lumalabas sa bibig ng binatang iyon, halata naman na pinagbabataan siya nito!

Tuso nga talaga siya. Mukha namang talaga siyang makapangyarihan pero nagpanggap pa rin siyang ganito siya kahina.

Sa mga oras na ito, ang alam niya lang ay isang 3rd rank ang kanyang kalaban.

Imposible ito!

'Paano siyang naging 3rd rank lang kung nakapatay siya ng Red Dragon ng ganoon lang kadali?'

'Kahit si Ivan ay hindi ako napansing nakatago pero siya, oo. Mas malakas kaya ang pandinig niya kesa kay Ivan?'

'Sino ba talaga ang taong ito?'

Tinignan ng Sea Elven Queen si Marvin nang may pagtataka.

Gusto niya ring malaman kung paano balak ng lalaking ito kunin at itago ang loot na ito.

Biglang may inilabas si Marvin mula sa Void Conch.

Isang Thousand Paper Crane.

Ibinigay ito kay Marvin ng Shadow Thief na si Owl noong una silang nagkakilala. Matapos pumasok ito sa kanyang katawan, hindi lang natuto si Marvin ng Orgami, maaari pa nitong i-summon ang Thousand Paper Cran na iyon.

Isa itong napakahalagang bagay!

Ito ay gawa mismo ng Shadow Thief. Dahil sa Origami Skill na ito, nagawa pa nitong talunin ang Crimson Patriarch.

Habang nanunuod lang ang Sea Elven Queen at si Ivan, lumipad mula sa tuktok ng bundok ang Thousand Paper Crane.

Ang bangkay ng Red Dragon naman ay nakahimlay lang sa paanan ng bundok.

Dinaanan lang ng thousand Paper Crane ang bangkay ng Red Dragon, nawala na agad ang bangkay nito!

'Isang storage item?!'

'Ano ang item na ito?'

Mas lalong nagtaka ang Sea Elven Queen.

Dahan-dahang lumipad ang Thousand Paper Crane bago tuluyang tdumapo muli sa kamay ni Marvin ito at nawala.

Nakahinga na ng maluwag si Marvin.

Nakuha na niya ito.

Isang magandang Storage Item ang Thousadn Paper Cran na ibinigay sa kanya ng Shadow Thief na si Owl.

Isa ito sa mga highest level na taktika sa Origami.

Isa ito sa mga ginamit noong taong dating nagnakaw sa isang God.

Hindi niya kinialingan pumasok sa isang lugar na puno ng gwardya. Kailangan niya lang magbato ng Thousand Paper Crane.

Ligtas na ligtas ang bangkay ng Red Dragon sa Thousand Paper Crane dahil nagyeyelo ito sa loob.

Sa katunayan, dumadaloy pa rin ito sa loob, pero mabagal naman.

Ang dugo ng Dragon, ang bone marrow nito, at iba pang bagay ay maaaring itago ng mahabang panahon.

"Queen, kung wala na kayong ibang bagay na gusto, mauuna na kami ng kaibigan ko."

Nakatutok pa rin ang kanyon ni Marvin kay Queen habang nagsasalit, "Pero may pakiramdam akong ayaw niyo kaming paalisin."

Humagikgik ang Sea Elven Queen, "Wala akong interes saiyo, pero akin si Ivan. Anong karapatan mo para ilayo siya sa akin?"

"Sino ang lalaki mo?!"

Halos himatayin si Ivan.

"Admiral, alam kong ikaw ang pinakamahusay na henyo sa Sea Elven Clan, pero kasing tanda mo na ang ina ko. Kung gusto mo nang makakapangyarihang lalaki, maaari kitang ipakilala sa ama ko, ilang taon na rin siyang walang kasintahan."

"Wag mo na akong guluhin!"

"Si Nicholas?" Kagulat-gulat na kinonsidera ito ng Sea Elven Queen. "Nakita ko na sya noong bata pa siya pero mas Malaki ang potensyal mo kesa sa kanya."

"Ivan, ikaw ang Elven War Saint, at ako ang Admiral. Magtiwala ka sa akin, siguradong magiging ang pinakamalakas na Elf Ang magiging anak natin…"

Pero hindi pa man ito tapos ay muling nagsalita si Ivan.

"Hinding-hindi ka magiging ina na anak ko!"

"Unti-unti kitang kukumbinsihin." Maamong tingnan ang Sea Elven Queen. "Mahaba ang panahon sa karagatan, masasanay ka rin balang araw."

Huminga nang malalim si Ivan at tinginan si Marvin.

Umubo si Marvin at sinabing, "Queen ang paggawa ng isang bata ay hindi dapat sapilitan."

"Sabihin na nating gagamitan mo ng kapangyarihan mo si Ivan para ikulong sa palasyo mo, kung hindi naman siya handing makipagtulungan, hindi ba wala na ring saysay 'yon?"

Tumawa ang Queen. "Mayroon akong mga paraan para makipagtulungan siya."

"Hindi naman kumplikado ang mga kalalakihan."

Nanlalamig na ang mga pawis na tumutulo kay Marvin.

Wala na silang lusot.

Isang Stalker ang Sea Elven Queen.

Sinenyasan niya si Ivan at agad na inilagay ang Brilliant Purple at ang maleta sa Thousand Paper Crane.

Saka hinawakn ni Ivan si Marvin at tumalon ang dalawa pababa ng bundok patungo sa silangan!

Direktang nilang natalunan ang dalampasigan at napunta agad sa dagat dahil sa malakas na jumping ability ng Elven War Saint!

"Tatakas kayo?" Mahinahon pa rin ang Sea Elven Queen. "Paano kayo tatakas sa karagatan?"

Agad na lumusong sa dagat ang grupo ng mga Sea Elf.

Subalit, nagulat ang Queen na hindi niya matunton sina Marvin at Ivan kahit pa ginagamit na niya ang kanyang perceprtion!

"Imposible!"

At sa unang pagkakataon ay nawala ang pagkahinahon nito.

Ang Sea Emperor's Crown.

Sobrang daming kayang gawin ng bagay na ito. Tatlo pa lang ang nasusubukan ni Marvin, pero dahil sa pangyayaring ito, ginamit na niya ang ika-apat nang hindi pa ito sinusubukan.

At ito ang pagtatago ng presensya sa dagat.

Nagpapanggap sila bilang pangkaraniwang isda.

Kahit na ang Sea Elven Queen na kabisadong-kabisado ang dagat ay walang paraan para malampasan ang kakayahang ito ng Sea Emperor's Crown.

Kinontrol ni Marvin ang mga alon habang tumatakas ang mga ito patungo sa East Coast.

At ang Southie? Nakapagpadala na ng utos si Marvin para bumalik na ang mga ito.

"Sa wakas, nakatakas din sa kalamidad."

Nakita ni Marvin na nakahinga na ng maluwag si Ivan kaya naman natawa ito sa loob-loob niya.

Hindi pa siguro tapos ito. Sa ikli ng pasensya ng Sea Elven Queen, siguradong hindi na mangangahas si Ivan na lumapit sa baybayin.

Kung hindi, baka madakip siya ng Queen para gumawa ng anak.


Load failed, please RETRY

Gifts

Gift -- Gift received

    Weekly Power Status

    Rank -- Power Ranking
    Stone -- Power stone

    Batch unlock chapters

    Table of Contents

    Display Options

    Background

    Font

    Size

    Chapter comments

    Write a review Reading Status: C194
    Fail to post. Please try again
    • Translation Quality
    • Stability of Updates
    • Story Development
    • Character Design
    • World Background

    The total score 0.0

    Review posted successfully! Read more reviews
    Vote with Power Stone
    Rank NO.-- Power Ranking
    Stone -- Power Stone
    Report inappropriate content
    error Tip

    Report abuse

    Paragraph comments

    Login