Download App
24.89% Night Ranger (Tagalog) / Chapter 183: Exciting Matter

Chapter 183: Exciting Matter

Editor: LiberReverieGroup

Sa isang kwarto sa ikalawang palapag ng palasyo.

Isang babaeng nakasuot ng asul na damit ang mahinahong nakaupo at naghihintay sa tabi ng bintana, habang pumapasok ang sinag ng araw sa bintanang ito ay makikita ang kagandahan ng White River Valley.

"Napakaganda hindi ba?" isang maamong boses ang nagsalita sa kanyang likuran.

May ngiting gumihit sa mukha ni Bamboo.

"Pasensya na at pinahintay kita." Si Marvin na nagpalit ng mas pormal na damit, ay dahan-dahang lumapit. "Sa totoo lang nasurpresa ako sa pagdating mo."

"Puno talaga ng mga ganitong surpresa ang buhay."

Nakatingin pa rin ang babae sa labas ng bintana. "Ganoon din ang naramdaman ko nang sabihin sa akin noong nakaraang buwan na ipakakasal ako sa taong hindi ko pa nakikilala."

"Nasurpresa rin ako noon. Kahit na matagal ko nang alam na, pagdating ng araw, gagamitin lang rin ako ng pamilya o para mapalawak ang kanilang kapangyarihan, nataranta pa rin ako."

Nilagpasan siya ni Marvin, wala itong nagging reaksyon. "Kung ganoon, bakit ka pumunta rito?"

"Ano pa nga bang magagawa ko?"

Mahina ang boses ni Bamboo. Para bang wala itong ibang maaaring gawin at magagawa nitong kaawaan siya ng kahit sinong lalaki.

Tahimik lang na tiningnan ni Marvin ang willpower check sa kanyang log at napabuntong hininga.

'Gumamit agad siya ng mild charm, sinusubukn niya ba ako?' Hindi siya gaanong lumapit kay Bamboo, at sumandal ito sa bintana.

"Hindi mo naman kailangan gawin ito, dahil wala naman akong alam tungkol sa clan ng lolo ko. Isa pa, wala akong interes na tanggapin ang isang nakatakdang pagpapakasal."

Ipinakita ni Marvin na wala siyang interes dito.

"Ito na ng aba ang kinatatakutan ko." Inayos ni Bamboo ang kanyang buhok at lumatad ang kanyang maputi at makinis na balat.

Tumaas ang kilay ni Marvin. Nakita pa lang nito ang gilid ng mukha nito ay masasabi na ni Marvin na isa itong magandang dilag. Maamo ang mga mata nito at may mahabang pilik-mata, at mayroong espesyal na liwanag sa mga mata nito.

"Kahit tumanggi ka, hindi pa rin naman magbabago ang kapalaran ko. Mapipilitan lang ako puntahan ang susunod kong mapapangasawa," mahinahong sabi nito, maririnig rin ang lungkot sa tono ng kanyang pananalita.

Hindi alam ni Marvin kung ano ang dahilan pero nakaramdam siya ng lungkot. Tila ba walang magagawa ang babaeng ito para labanan ang nakatakda sa kanya.

Biglang napunta ang mata ni Marvin sa braso nito, nabigla siya sa kanyang nakita.

Napaka-init ng panahon dahil sa tag-init, kaya naman nakalabas ang braso ni Bamboo.

At sa isa sa mga braso nito ay nakatato ang isang azure, isang napakagandang bulaklak.

"Ito ang tato ng clan ko, ito ata ang unang beses mong makikita ito." Mapaglarong sabi ni Bamboo kay Marvin. "Sabi nang ina ko, isang buwan niya raw akong kinukumbinsi noong bata ako para magpalagay nito."

Tato ng clan?

Ngumisi si Marvin.

Kung hindi pa rin malaman ni Marvin ang pakay ng babaeng ito, isa na siyang malaking hangal.

Pambihira ang tatong iyon.

Kahit na mismong mga miyembro ng Twin Snakes Cult ay maaaring hindi ito makilala.

Pero mabuti na lang at hindi isa doon si Marvin.

Tauhan ang babaeng ito ng Azure Matriarch.

Agad na tiningnan ni Marvin kung gaano kalakas ang babae at pinanghinaan siya ng loob. Hindi bababa ito sa 4th rank.

Pumunta ang babaeng ito para maghiganti. Pero base sa detalyadong kwento nito, hindi lang ang pagpatay sa kanya ang pakay nito.

'Baka sinusubukan niyang kumuha ng impormasyon sa akin para masundan ang iba pang mga Legend.'

'Nagkamali ako. Sa laro, nagising ang Azure Matriarch pagkatapos ng Great Calamity, noong natapos na niyang hasaain ang kanyang Nine Head Snake Body."

'Pero marahil nagising siya dahil sa pagkamatay ng Crimson Patriarch!'

Mabilis na nag-isip si Marvin habang nananatiling magalang. "Mukhang isa kang taong mahirap kumbinsihin."

Ngumiti si Bamboo, "Depende kung sino ang kumukumbinsi sa akin."

Mayroon itong dalisay na reaksyon na tila may kasamang pag-aasam. Kung hindi lang alam ni Marvin kung sino talaga ang babaeng ito, maaaring nalinlang na siya nito.

"Mas maayos ka pa kesa sa inasahan ko. Mabuti na lang hindi isang pangit na matandang lalaki ang naghihintay sa akin. Masaya na ako doon."

Habang dahan-dahan itong lumalapit kay Marvin, isang kakaibang amoy ang paumasok sa bibig at ilong ni Marvin.

"Sabihin mo nga sa akin, anong klaseng tao ka?"

Ngumiti si Bamboo. "Gusto ko talagang malaman."

Umikot si Marvin at tumingin muli sa labas.

Kitang-kita niya ang tanawin sa ibaba ng palasyo.

May nakita siya sa dulo ng kanyang mga mata at agad na bumuo ng plano.

"Ako? Mahilig ako sa mga masasaya at makapigil hingang mga bagay," sabi ni Marvin habang hinahawakan ang baywang ni bamboo.

Biglang nanigas naman ang katawan nito, hanggang sa muling bumalik sa dati.

"Gusto mong malaman kung anong klaseng tao ako? Ipapakita ko sayo!"

Tumawa si Marvin, habang yakap si Bamboo at bigla niyang sinipa ang sahig. At bigla nan gang tumalon palabas ng bintana ang dalawa!

Napasigaw sag alit si Bamboo, may sira ba ang ulo nito?

Isasama niya sa pagtalon mula sa isang gusali ang isang babaeng kakakilala lang niya?

Sa kasamaang palad, hindi niya alam na alam na ni Marvin kung sino talaga siya. Pinigilan niya ang pagtaas ng kanyang damit habang pababa sila.

Biglang sumama ang kanyang kutob.

"Maglaro tayo ng masayang laro, mapapangasa ko…"

May malaking ngiti sa mukha si Marvin at gumamit ng lakas sa kanyang kanang kamay, at mapwersang itinulak pababa si Bamboo!

'Nakilala niya ko!' Natuliro si Bamboo hanggang sa Makita niya ang masamang balak ni Marvin.

At dahil nakilala na siya nito, maaari na siyang umatake!

Pero sunod-sunod na ang nagging atake ni Marvin.

Tunay nga na makapangyarihan ang mga Divine Spell, ngunit ito ay kung nakapaghanda lang siya nang mabuti. Pero dahil nasa ere sila, ang matinding kontrol ni Marvin sa kanyang katawan ay isang malaking lamang niya kay Bamboo.

Mabilis siyang kumilos at sinipa ang paa ni Bamboo!

"Bang!"

Nahinto ang Divine Spell ni Bamboo at bumagsak siya na parang bato!

"Blag!" Eksakto lang ang pinagbagsakan nito, malapit lang sa lugar na binalak ni Marvin.

"Klang!"

Hindi na hinayaan ni Marvin na makatayo si Bamboo, at mabilis nitong inangat ang takip ng kabaong na bato at itinulak ito pababa.

Mabilis niya itong kinandado. Hindi man lang nagamit ng kawawang si Bamboo ang kanyang Divine Spell dahil mabilis siyang naikulong ni Marvin sa kabaong na bato!

Tumalon si Marvin at tinungtungan ang itaas ng kabaong.

Seryoso itong tumingin sa kanyang gilid.

Dalawang tulirong lalaki ang nakatayo sa tabi ng kabaong.

Dalawang minuto pa lang ang nakakalipas, mayroong pinagdedebatehan ang dalawang ito.

Kahit na nasa ikalawang palapag si Marvin, naririnig pa rin niya ang mga salitang gaya ng, "Aujissen Ritual", "Senma formula" at iba pa.

Maingay na nagtatalo ang dalawa at halos mag-away na ang mga ito.

Napanuod nila ang matinding kaganapang ito: ang paglapag ni Marvin at ang pagkandado niya kay Bamboo sa loob ng kabaong.

"Teka… Marvin, anong pinasok mo sa kabaong?" Lumunok ang Necromancer na si Fidel at gulat na nagtanong.

Mas nagging direkta naman ang isa pa.

Halos sabunutan nito ang sarili habang sumisigaw, "Diyos ko! Isa kang abnormal at walang pusong Overlord! Kinandado mo sa loo bang isang magandang dilag!

"May kakaiba ka bang libanagan?"

Ang mala-pabong alchemist ay tiningnan si Marvin na para bang baliw ito.

Sumimangot si Marvin, at sasagot n asana ito nang biglan may isang nakakagulat na boses ang umalingawngaw sa kanyang likuran.

Tinitigan ni Anna si Marvin habang nanlalaki ang mga mata. "Master Marvin, ipinasok mob a ang mapapangasawa mo sa kabaong?"

Noong mga oras na 'yon, biglang umalog nang malakas ang kabaong!

Halos malaglag si Marvin sa lakas ng pag-alog nito!

"Ana, sumakay ka nang kabayo at hanapin si Sean, sabihin mo sa kanya na dumating na ang mga tauhan ng Azure Matriarch!" Nagmamadaling sinabi ni Marvin.

"Fidel, at mamang Alchemist, mayroon ba kayong paraan para madala sa isang lugar na malayo sa castle town ang kabaong na 'to?"

Ito ang kabaong ng Corpse King, at mayroon itong mga kakaibang abilidad.

Maaari itong gamitin para ikulong si Bamboo pero hindi rin ito magtatagal.

Kailangan niyang lumipat sa isang mas ligtas na lugar.

"Sige."

"Simple lang 'yon."

Nagasundo na ang dalawa.

Gumamit ng Float si Fidel at biglang lumutang ang kabaong na bato.

Lumapit naman ang Alchemist at sinenyasan si Marvin na bumaba ito. Naglabas ito ng bakal na barya mula sa bulsa nito at nagtanong, "Saang ireksyon?"

Agad naman na tumuro sa dakong timog si Marvin!

Ito ang direksyon ng White River.

"Madali lang 'yan. " Bahagyang idinikit ng alchemist ang barya sa ilalim ng kabaong at pinitik ang kanyang mga daliri.

"Bang!"

Isang malaki at makapangyarihang kasulatan ang lumabas mula sa ilalim ng kabaong at mabilis na inilipad ito mula sa palasyo!

"Blag!"

"Bugush!"

Nagulat ang lahat ng taong nanunuod sa gilid, at kahit si Marvin ay nagulat sa skill na ginamit nito.

"Nagkasala ako!" Malungkot na sabi ng Alchemist

"Naging bahago ako nang pagpatay sa isang magandang dilag!"

"Nandito siya para patayin ako," tugon ni Marvin.

Hindi nagbago ang reaksyon ng Alchemist. "Limang ginto ng wizard ang kapalit ng pagtulong ko sayo ng mabilisan. Binawasan ko na ng 20% dahil kay Miss Anna."

"Pagagawan kita ng certificate of debt kay Anna mamaya." Tinapik naman ni Marvin ang balikat ng Alchemist. "Mahusay 'yong ginawa mo kanina."

"Salamat."

Pagkatapos nito ay nagmadali na si Marvin at nagtungo pababa ng palasyo.

"Anong gagawin mo? Marvin?" Sigaw ni Fidel.

"Papatay," simpleng sagot ni Marvin.

Habang tinitingnan ang paalis na si Marvin, makikita ang pagkadismaya sa mukha ng Alchemist. "Papatay, papatay na naman."

"Noong unang beses ko siyang makita, nagmamadali rin siya para pumatay."

"Ang hilig talagang pumatay ng taong ito. Wala rin naman palang kwentang sabihin ko sayo ito dahil mahilig rin pumatay ang mga tulad mong Necromancer."

"Wag mong nilalahat ng Necromancer dahil lang sa kagagawan ng iilan." Galit na sagot ni Fidel.

"Sa pagkakaalam ko, maraming Neromancer ang namumuhay nang payapa!"

"Payapa!?" Tumawa nang napakalakas ang Alchemist. Gusto niya sanang sumagot pa pero may biglang malakas na ingay ang umalingawngaw mula sa ilalim ng White River!

Kasunod nito ay may nilalang na umahon mula sa ilog!

Nakaabot na si Marvin sa dalampasigan at tiningnan ang namumutlang mukha ni Bamboo a nangkibit- balikat. "Inareglo na ng Twin Snakes Cult ang kasal ko pero mukhang mas mabuting kalimutan ko na lang 'to."

Pagkatapos nito ay biglang nagbago ang kanyang katawan!

"Rawr!"


Load failed, please RETRY

Gifts

Gift -- Gift received

    Weekly Power Status

    Rank -- Power Ranking
    Stone -- Power stone

    Batch unlock chapters

    Table of Contents

    Display Options

    Background

    Font

    Size

    Chapter comments

    Write a review Reading Status: C183
    Fail to post. Please try again
    • Translation Quality
    • Stability of Updates
    • Story Development
    • Character Design
    • World Background

    The total score 0.0

    Review posted successfully! Read more reviews
    Vote with Power Stone
    Rank NO.-- Power Ranking
    Stone -- Power Stone
    Report inappropriate content
    error Tip

    Report abuse

    Paragraph comments

    Login