Download App
21.36% Night Ranger (Tagalog) / Chapter 157: False Divinity

Chapter 157: False Divinity

Editor: LiberReverieGroup

Isang nakakabinging katahimikan ang naghari sa God Realm sa kalangitan.

Walang nakaka-alam kung paano at saan ito nagsimula pero sumabog ang tawanan mula sa isang God Realm.

Sumunod dito ay ang walang humpay na tawanan!

Bawat New God na nanunod ay humahagalpak sa tawa.

Pero may isang malakas na sigaw ang nagmula sa isang sulok. "Nagagawa niyo pang tumawa!"

"Kapag nakuha nila ang Time Molt…"

Isang boses ang sumabat, "Sinabi ko na kasing mas mabuti kung ako na lang ang magpunta sa Feinan na dala ang Time Molt."

"Ano pa bang magagawa mo bukod sa palihim na paumatay ng tao?" reklamo ng Barbarian War God, "Limitado lang ang epekto ng mahina mong Divine Power sa spell na gaya ng Space-Time Bind."

"Hindi na mahalaga 'yon. Balak lang naman nating subukan pumutay ng ilang Legend. Kaso nga lang, matitigas pala ang ulo ng mga'yon," sabi ng isang mapagmataas na boses.

"Wag kang mag-alala Glynos, hindi mo naman kasalanan."

Sabi ng Dream God.

Ang Delusion Wings na artifact na lumipad mula kay Glynos ay pag-aari niya.

"Maghintay lang tayo at manuod."

"Sa katunayan, hindi na mahalaga kung mawala man sa atin ang Time Molt. Kahit ano pang mangyari, magbabalik tayo sa Feinan."

"Hintayin na lang natin na makabalik yung tatlo mula sa savage area, pagkatapos ng huling pagpupulong natin, sisirain na natin ang Universe Magic Pool."

"Hayaan mo silang mahirapan."

Matapos sabihin ang mga ito ng Dream God, unti-unting nawala ang mga tawanan.

Wala na ring sinabi si Glynos at nanuod na lang ng mga kaganapan sa Feinan.

Ang mga god sa kalangitan ay gumagamit ng napakaraming Divine Power para bantayan ang mga nangyayari sa Feinan.

Mahalaga ang magaganadp ngayong araw. Halos lahat ay nakatuon ang atensyon sa maliit na lugar sa dakong timog-silangan ng Feinan.

Pinapanuod nilang lahat ang avatar ni Glynos. Walang may pakielam kay Marvin at sa Crimson Patriarch na naglalaban pa rin!

...

Space-Time Bind.

Isa sa mga pinakanakakatakot na Legend Spell, kahit na ang mga god ay walang magagawa kundi umasa sa malakas nilang resistenace para indahin ito.

Bilang Seer, noon pa man ay pambihira na ang talento ni Hathaway. At ang mga Legend Wizard ay hindi na apektado ng mga spell limitation kaya malaya na silang nakakagamit ng mga spell.

Pero maraming oras at enerhiya rin siyang iginugol para sa sampung Space-Time Bind, kaya naman matapos niyang gamitin ito ng sunod-sunod, nanghina siya at nahilo.

Kinailngan niyang gamitin ang lahat ng lakas niya para lang harapin ang Shadow Prince!

Ganoon din ang Shadow Thief.

Kasama ng labing-limang paper doll doppleganger, na lahat ay mga Legend Shadow Thief, tuloy-tuloy niyang ginagamit ang Legendary Steal.Isa itong malaking pasanin.

Pero wala na siyang ibang magagawa.

Kung hindi niya makukuha ang Time Molt, hindi magtatagumpay ang plano nila.

Mukha lang itong mahinahon pero sa katunayan, hindi!

Namumuo na ang pawis sa kanyang noo habang unti-unting nauubos ang oras!

Tahimik lang na pinapanuod ni Inheim ang nangaganap, handa siyang umatake ano mang oras.

Kapag nagpakita ng ano mang senyales ng pagkawala sa Space-Time Bind, agad niya itong papatayin.

Kung hindi, malalagay sa panganib ang buhay ni Hathaway.

Kapag nangyari 'yon, hindi magtatagumpay ang plano dahil ang mga artifact at mga item nito ay kusang babalik sa god pagkatapos nitong mamatay.

Ang tangin paraan para makuha ang Time Molt ay nakawin ito!

At syempre, hindi lahat ng artifact ay maaaring manakaw. Halimbawa na lang ang Delusion Wings, isa itong artifact na nakagapos sa Divine Power ng Dream God, kaya anman walang kahit sinong makakapagnakaw nito.

Basta't gustuhin ng Dream God, ang artifact na ito ay magbabalik sa kanya. Kaya naman kampante ito nang ipahiram niya ito sa Shadow Prince.

Pero naiiba ang Time Molt. Hindi kayang itali sa kahit na sino ang artifact na ito.

Kaya naman ito na ang pagkakataon ng Shadow Thief na si Owl.

May pagkakataong manakaw ito ng Legendary Steal.

Nakadepende na rin ito sa kanyang swerte.

Habang iniisip ito, hindi maiwasang ikuyom ni Inheim ang kanyang mga kamao. Biglang nag-iba ang kalagayan ng laging mahinahon na si Iheim! 'Kailangan mong makuha! Ikaw ang kauna-unahang magnanakaw sa isang god….'

Naalala pa nga nito ang unang beses niyang nakasalamuha ang Shadow Thief na si Owl.

Nangyari ito isang mainit na gabi.

Noong mga panahong 'yon, isang thief na nagngangalang Owl ang nagnakaw ng kanyang walang laman na lagayan ng gamit. Nalaman naman ito ni Inheim at binugbog ito.

"Bakit mo gustong maging thief?" tanong nito.

Duguan na ang mukha ng bata pero tumingala ito at sinabing, "Gusto ko eh."

Kaya naman binugbog siya uli nito.

"Ano bang makukuha mo sa pagiging thief?" tanong ng batang Monk na taking-taka.

"Gusto kong maging kauna-unahang God Thief, ano bang masama doon?"

Pagmamataas na sagot ng batang thief, "Darating ang araw na kaya kong nakawan ang lahat, kahit pa isng goddess…. Kung mananakaw ko ang panty ng isang goddess…"

Muli siyang binugbog nito.

"Basura," panghahamak na sabi ng Monk.

...

Paglipas ng maraming taon, muling nagkita ang dalawa, at naging kauna-unahang God Thief ng Feinan nga ito.

Pero matagal nang walang ginagawang masama ang Owl na ito. Nagpunta pa nga ito sa East Coast para labanan ang Ancient Red Dragon!

Matapos magkita muli ng dalawa, tinanong ni Inheim, "Gusto mong magnakaw sa isang god?"

Natigilan si Owl at sinabing, "Oo."

Kaya naman sumama ito sa kanya.

Kinakabahan na si Inheim, nakatitig na lang ito sa Shadow Prince at sa labing-anim na aninong nagpapatalon-talon sa paligid nito!

Nakikita niyang binubuhos na ni Owl ang lahat ng makakaya nito!

Sa ika-labing-isang segundo, nakuha niya ang Delusion Wings ng Dream God na agad ring binawi ng may-ari nito.

Sa pang labing-apat na segundo, nakuha na rin nito ang Nightdall ni Glynos, sa kasamaang-palad, nakagapos ito sa Divine Power ni Glynos. Kaya hindi rin ito maaaring manakaw.

Ilang segundo na lang ang natitira.

Puno na ng pawis ang noo ni Owl, namumutla na rin ito!

Legendary Steal!

Legendary Steal!

Mukhang walang humpay na ito sa paggamit ng Legendary Steal sa Shadow Prince. Bawat segundo nasa walo nito ang nagagamit niya.

Malapit nang umabot sa limitasyon ang katawan niya.

Pakiramdam niya mababali na ang kanyang mga kamay.

Pero nagpursigi pa rin ito

Dalawang segundo na lang ang natitira!

'Pucha!'

'Kaya ko 'to!'

'Ako ang taong magnanakaw ng panty mula sa isang goddess kahit suot pa niya 'to. Hindi ako papalya sa pagnaka ng isang naka-equip na Time Molt!'

Kuminang ang mga mata ni Owl. Para bang gusto na nitong kainin ang Shadow Prince!

Sa hulng segundo, ibinuhos na niya ang lahat ng lakas niya, ipinasok na niya ang kanyang kaliwa at kanang kamay sa void nang sabay!

Double Legendary Steal!

Dalawang item ang agad ang hinugot ni Owl mula sa storage ng Shadow Prince!

Sa kanyang kanang kamay ay isang kulay rosas na tela, habang sa kaliwa ay isang manipis na balat.

Mayroong buwan sa tela na ito, habang ang balat ay naninilaw na at mukhang matanda na.

Agad na tumingala si Owl at tumawa ng malakas, "Pucha, nagawa ko!"

Bigla naman itong naglaho mula sa kanyang kinatatayuan, itinabi na niya ang piraso ng tela at ibinato kay Inheim ang balat.

Time Molt!

Sa wakas nanakaw na niya.

Isang nanghihinang Owl ang biglang lumitaw sa tabi ni Hathaway at kinuha ang Legend Wizard saka muling naglaho!

Sinalo ni Inheim ang Time Molt at nakahinga na ng maluwag.

Noong mga oras na 'yon, nakagalaw na muli ang Shadow Prince.

Pero ang sumalubong sa kanya ay ang bakal na kamao ng Legend Monk!

Muling nabalit ng katahimikan ang kalangitan.

Isang mababang boses ang umalingawngaw, "Glynos…"

Walang sumasagot.

Dahil muli nang sinara ng Shadow Prince ang kanyang God Realm, at ang kanyang pangunahing katawan naman ay naglaho na!

"Glynos, wag na wag ka nang magpapakita sa akin."

Maririnig ang galit sa boses ng may-ari.

Nanatili namang tahimik ang iba pang mga god, pero lahat sila ay nagbubulong-bulongan.

"Mukhang si Glynos pala ang nagnakaw ng panty ng Moon Goddess na si Faniya noong isang buwan."

"Haha, nakakatawa. Hindi kailangan ng Moon Godess ng nananampalataya sa kanya, at mayroong napakalakas na Divine Power. Siguradong Tapos na si Glynos."

Ang Shadow Prince naman, hindi na alam kung saan pa siya magtatago. Matapos niyang mawala ang Time Molt, wala na siyang silbi!

Ang Mood Godess na si Faniya naman ay isang Anient God ng ikatlong henerasyon. Isa lang ito sa kakaunting Ancient God na aktibo pa.

Wala itong kinampihan. Kahit na naghahanda na ang mga New God na atakihin ang Universe Magic Pool, ipinahayag lang nito na hindi siya sang-ayon ngunit hindi rin niya ito pinigilan.

Pero siguradong ikagagalit ng Ancient God na ito ang ginawa ni Glynos.

Walang kahit anong bakas ng Shadow Prince sa kalangitan noong mga sumunod na araw.

'Matiyagang maghinta.'

'Kung wala ang kapangyarihan ng tatlong 'yon, hindi naming masisira ang Universe Magic Pool.'

'Mahintay lang hanggang sa makabalik ang mga 'to mula sa savage area at may pagkakataon na kaming masira ito.'

Isang palaisipan ang pumsok sa isip ng mga god.

Unti-unti nang natutunaw ang yelo sa White River.

"Bang!"

Bumagsak na sa lupa ang Asuran Bear. Lumiit na muli ang katawan nito. Bumalik na siya sa dati niyang laki.

Nawawala na ang epekto ng potion at ng scroll.

Nahihirapan na siya.

Sinamantala naman ito ng Devil Fish at itinumba si Marvin at naghandang gumamit ng Divine Spell para makatakas!

Tamang-tama naman ang pagdating ni Constantine.

Inatake nito ang sikmura ng Devil Fish, ginamit nito ang kanyang katawan para patalsikin patungo sa White River ang isda.

Napigilan muli ang Divine Spell!

Umalingawngaw ang ingay ng pagbagsak sa yelo at paglubog nila sa tubig.

Kasunod namang dumating si Endless Ocean, seryoso ang itsura nito habang gumamit ng dalawang Legendary Weaken spell sa Devil Fish.

Pagkatapos nito ay ginamit naman niya ang isang Nature's Strength spell kay Marvin!

Agad namang kuminang ang Asuran Bear!

Dahil sa epekto ng Legendary Weaken, agad na nanghina ang depensa ng Devil Fish.

Sinamantala na ito ni Marvin at dinambahan muli ang Crimson Patriarch at inatake gamit ang matatalim na kuko nito.

"Krash!"

Ang kanina'y napakatibay na balat ng isda ay nabalot ng dugo dahil sa kalmot ng mga matatalim na kuko n Marvin!

'Patay ka na!' Masayang isip ni Marvin. Walang habas niyang inatake ang nanghihinang Crimson Patriarch.

Dalawang Legend ang sumusuporta sa kanya. Patuloy namang pinapalakas ni Endless Ocean si Marvin habang patuloy rin nitong pinahihina ang Crimson Patriarc. Si Constantine naman ay pinipigilan nang pinipigilan ang Divine Spell nito.

Kalmadong-kalmado nang nakipaglaban si Marvin!

Muli niyang dinala ang Devil Fish pabalik sa dalampasigan at walang tigil na hinampas, kinalmot, dinamba, at inatake ito!

Dumanak ang dugo.

Kahit si Constantine at Endless Ocean ay nagulat.

Nagulat sa kabangisan ni Marvin!

Sa huli, natapos rin ang Shapeshift nito, personal na tinapo ni Marvin ang buhay ng doppleganger ng Crimson Patriarch!

Lumabas ang mga log window na ito:

[Napatay mo ang isang Legend (Doppleganger). Nakakuha ka ng 8731 battle exp]

[World Myth +1]

[Dahil sa iyong ginawa, napukaw moa ng atensyon ng Twin Snakes Cult. Katatakutan ka ng mga ordinaryong miyembro nito, pero maaaring mas pagtuunan ka ng pansin ng World Ending Tiwn Snakes.]

[Nakuha moa ng titolong – Legend Killer]

Napakaraming log window ang lumabas sa harap ni Marvin. Nakahinga naman ito ng maluwag.

Dahan-dahan namang humiga ang Asuran Bear sa dalampasigan at bumalik na sa dating anyo si Marvin.

Agad naman siyang tinulungan tumayo ni Constantine.

"Ayo sang ginawa mo." Tinapik nito ang likod ni Marvin at tumawa ng malakas, "Naipaghiganti na natin si Ron."

Naluha naman ang mga mata nito.

Si Ron ang Night Walker na sumusunod sa Crimson Patriarch dati.

"Nakakagulat ang katapangan at kabangisan mo."

Kalmado namang lumapit si Endless Ocean, may liwanag na lumalabas sa mga kamay nito.

"Mayroong kaunting Divine Power ng World Ending Twin Snakes sa Devil Fish Doppleganger. Mayroong namang kaming sapat na Divine Power ni Constantine. At dahil napukaw mon a ang atensyon ng World Ending Twin Snakes, makakatulong sayo ang kaunting Divine Power na ito."

"Kaso wala kang kahit ano sa katawan mon a maaaring paglagyan ng Divine Power."

"Kaya naman isipin mo na lang na regalo ko 'to sayo."

Tiningnan ni Marvin ang liwanag at hindi mapigilang magulat, "Fake Divinity?"

Tumango si Endless Ocean.

Agad namang pumasok sa katawan ni Marvin ang liwanag.

Ang kaunting pulang liwanag naman sa katawan ng Devil Fish ay pumasok rin sa katawan ni Marvin dahil sa liwanag na bigay ni Endless Ocean.

[Nakatanggap ka ng False Divinity…]

[Nakakuha ka ng kaunting Divine Power (World Ending Tiwn Snakes)]

[Malaki ang pinagbago ng katawan mo, nagbago rin ang iyong mga attribute..]


Load failed, please RETRY

Gifts

Gift -- Gift received

    Weekly Power Status

    Rank -- Power Ranking
    Stone -- Power stone

    Batch unlock chapters

    Table of Contents

    Display Options

    Background

    Font

    Size

    Chapter comments

    Write a review Reading Status: C157
    Fail to post. Please try again
    • Translation Quality
    • Stability of Updates
    • Story Development
    • Character Design
    • World Background

    The total score 0.0

    Review posted successfully! Read more reviews
    Vote with Power Stone
    Rank NO.-- Power Ranking
    Stone -- Power Stone
    Report inappropriate content
    error Tip

    Report abuse

    Paragraph comments

    Login