Download App
18.5% Night Ranger (Tagalog) / Chapter 136: Elizabeth

Chapter 136: Elizabeth

Editor: LiberReverieGroup

"Sino?"

Nagn makarating sina Marvin at Lola sa pasukan ng malaking kweba, agad silang napansin ng isa sa mga aninong nasa may lawa.

Natural ang pagkakabuo ng kwebang ito. Medyo nagliliwanag sa loob nito dahil sa mga hiyas dito at marahim mayroon pang mga night pearl.

Mayroong bahay sa may dalampasigan. Mayroong dalawang malaking sulo na nagbibigay liwanag sa kapaligiran.

Mukhang mataas ang perception nang mga ito dahil agad silang napansin kahit na malayo pa sila.

Pero hindi na rin kasi nag-abala pang magtago si Marvin.

Kampante siyang pumasok dito.

Naging alisto at maingat ang dalawang malapit sa lawa dahil sa dayuhang si Marvin at Lola. Bawat isa sa kanila ay may hawak na dagger.

Parehong Thief ang mga ito.

"Mga Halfling?"

Tsaka lang napasigaw si Lola nang malapit na siya sa mga ito.

Sumimangot si Marvin at tinitigan si Lola. Agad namang nanahimik si Lola.

Pero kita sa mga mata niyang tinatantya niya ang dalawang Halfling na nakatira sa lugar na 'yon.

'Akala ko ba kaibigan ni Sir Marvin ang pupuntahan naming? Eh bakit parang hindi siya kilala ng dalawang Halfling?"

Puno ng pagdududa ang isip ni Lola

"Magandang araw, Mister Tucker, hayaan niyo pong ipakilala ko ang sarili ko. Ako po si Marvin, ang kasalukuyang Overlord ng White River Valley."

"Ang kapitbahay ninyo."

Ngumiti si Marvin at inabot ang kanyang kamay sa nakakatandang Halfling.

Nagdalawang isip ito bago pinilit ang sarili na kamayan si Marvin.

"Kilala mo ako?"

"May isang iskolar na nagsabi sa akin tungkol sa kwebang ito. Malaki ang kakulangan sa pagkain ng teritoryo ko sa ngayon, kaya kailanagan kong pumunta ng Jewel Bay para bumuli roon. Kulang na sa oras kung sa pangunahing kalsada pa ako dadan. Kaya mas minabuti kong makipagsapalaran at makipaglaban. Nasabi sa akin ng iskolar na magagabayan niyo raw kami." Paliwanag ni Marvin.

"Iskolar?" Suminghal si Old Tucker, "Sinong tangang Wizard?"

"Tanging ang mga Wizard na nakakagait ng Divination at Inspection na mga spell ang makaka-alam ng lugar na ito."

"Hindi na rin pala payapa kahit sa ilalim ka pa ng bundok na ito magtago."

Bulong ng matandang Halfling sa kanyang sarili bago tumingin kay Marvin at sinabing, "Parang Pamilyar ka."

"Tama, hindi ba sabi mo Overlord ka ng isang lugar?"

Natigilan panandalian si Marvin. Naalala ni Marvin mula sa kanyang dating buhay na mayroong Hlafling na nakatira sa Spider Crypt. Maaaring makatulong ito sa kanya para malampasan ang mahirap na bahagi ng lagusan. Kaya naman nagbakasakali siya rito.

Ilang beses na ring nakapunta si Marvin sa instance ng Spider Crypt, kaya naman pamilyar siya kay Old Tucker. Kaya hindi kasinungalingan kung tatawagin niya itong kaibigan.

Pero hindi niya inaasahang ang pagiging Overlord niya ng White River Valley ay magdudulot ng hindi inaasahang pangyayari.

Mabilis naman siyang sumagot, "White River Valley…"

"Ah. Alam ko na!" Biglang makikita sa mukha ng matandang Halfling na mayroon itong napagtanto. "Noong nakaraan ay may mga nakasalubong akong mga Gnoll na bumaba mula sa burol. Hindi sila matigil sa pagkwento tungkol sa isang teritoryong gusto nilang lusubin. Teritoryo mob a 'yon?"

"Mukhang hindi nagtagumpay ang mga Gnoll?"

Tumango si Marvin at makikita ang kawalan ng pag-asa sa kanyang mukha, "Sa kasamaang palad, sinunog ng mga Gnoll na 'yon ang kamalig namin."

"Kaya nagdudusa ngayon sa gutom ang aking mga nasasakupan."

Kailangan kong makapagdala ng sapat na pagkain sa loob ng isang linggo. Ang lagusang ito ang pinakamabilis na daan na nakita ko."

Tiningnan ng matandang Halfling si Marvin, pinakikiramdaman nito kung tunay nga baa ng sinasabi ni Marvin.

Pagkaptapos ng mahabang pag-iisip, tumango ito."Hmm. Hindi naman ako makakapayag na hayaan na lang mamatay sa gutom ang napakaraming tao."

"Maaari kitang tulungan, pero pagkatapos mong magtagumpay, kailangan mong sabihin sa akin sino ang Wizard na nagsabi sayo na dito ako naninirahan."

Sumangayon si Marvin sa pamamagitan ng pagngiti.

Mas napadali na ang mga bagay.

...

Isang lower difficulty instance lang ang Spider Crypt pero kailangan pa ring magtulungan ang napakaraming player para lang malampasan ito.

Ang mga espesyal na property ng mga Black Spider ang isa sa mga dahilan nito. At bukod pa sa labing-dalawang Black Spider na nainirahan doon, pugad rin ito ng isang Red Spider na napakalakas.

Hindi bababa ang lakas nito 3rd rank, nakakuha rin ito ng wisdom at pinangalanan ang sarili niyang, [Elizabeth].

Hindi lang malakas ang halimaw na ito, tuso rin ito. Kadalasan, nagpapanggap itong Black Spider para gelatin ang mga paparating na adventurer. Nagagawa niya ito dahil kayang-kayang magpalit ng kulay ang balat nito.

Kaya rin nitong makapagsalita gamit ang Common Language. Nalilinlang niya ang ilang adventurer sa tuwing sinasabi niyang isa siyang dalagang isinumpang maging isang gagamba. Humihingi siya na tulong sa mga ito para iligtas siya.

At karamihan sa mga hindi nag-iisip na adventurer ay humahantok sa sikmura ni Elizabeth.

Ang dahilan kung bakit nilapitan ni Marvin ang si Old Tucker ay dahil sa Red Spider na ito.

Para maibalik ang pagkain mula Jewel Bay, kailangan niyang siguruhing malilinis niya ang lagusan.

Labing dalawang Black Spider at isang Red Spider na nagngangalang Elizabeth.

Maliit na bagay na lang ang mga Black Spider, pero kung ikukumpara ang lakas ng Red Spider kay Marvin, medyo dehado si Marvin.

Pero, maaari pa naman niyang magamit ang Beast-shape Shapshift.Kapag ginawa niya 'yon mapapadali na sa kanya ang pagdispatya sa mga nilalang na ito.

Ngunit, hanggang ngayon ay hindi pa rin maaaring gamitin ang Beast-shape. At hindi niya pa alam kung kelan ulit ito maaaring gamitin.

Ito ang kahinaan ng kanyang subclass.

Ang pinakamalaking kahinaan ng mga Sorcerer ay ang kawalan ng katiyakan. At mukhang nasobrahan dito ang Shapeshift Sorcerer.

Kung magagawa niyang Asuran Bear ang kanyang sarili, hindi na niya kakailanganin pa ang tulong ni Old Tucker.

Pero wala rin namang mawawala kung hihingi siya ng tulong rito. Lalo pa't busilak ang kalooban ng Halfling na ito.

Ang dahilang kung bakit pinili ng nitong manairahan doon ay una, gusto niyang mamuhay ng payapa, ikalawa, tinuturing niya itong pagkukulong sa kanyang sarili. Nakagawa ng isang malaking pagkakamali si Old Tucker noong bata pa siya. At kahit na nakabawi na siya mula sa pagkakasalang ito, hindi pa rin niya napatawad ang kanyang sarili, kaya pumunta siya sa Shrieking Mountain Range mag-isa, at namuhay nang mag-isa.

Isang 3rd rank na Thief si Old Tucker. Kung tama ang pagkaka-alala ni Marvin, isa itong level 9 na Thief at isang level 4 Tracker. Kaya kung susumahin, level 13.

Mas mahina ang kanyang mga fighting ability kung ikukumpara sa ibang mga 3rd rank, pero napakalakas nang kanyang Stealth at Hide. Isama pa dito ang kanyang Innate Halfling Stealth bonus, at kaya na niyang kumilos nang kumilos sa loob ng Spider Crypt.

Ang nakababatang Halfling naman na nasa tabi niya ay isang ulila na nakita niya sa Jewel Bay. Bibihira ang mga Halfling na aabandonahin ang kanilang mga anak. Kaya naman inampon na ito ni Old Tucker. At bilang pagsunod sa tradisyon, minana naman nito ang pangalan niya.

Little Tucker.

Ayon sa alaala ni Marvin, magbibigay ng isang side-quest si Little Tucker. Pero sa ngayon, masyado pa siyang abala sa paghahanap ng solusyon sa problema sa pagkain ng kanyang teritoryo. Kaya naman hindi pa siya pwedeng mag-aksaya ng lakas at oras para sa side-quest na ito.

Isa ring Thief si Little Tucker at kasalukuyang nasa sukdulan na ng 1st rank. Mahusay ang batang ito. Itinuturing siyang namumukod-tangi sa lahat ng naninirahan sa Feinan.

Kung maaari nga lang ay nais ni Marvin na isama si Little Tucker.

Sa kasamaang palad, alam niya kung gaano kahirap kumbinsihin ang mga Halfling. KAhit na masayahin ang race na ito, hindi sila madaling makukumbinsi ng isang taga-labas.

Kailangan munang gumanda ang tingin sa kanya ni Olde Tucker bago siya magkaroon ng pagkakataong maisasama ang batang Halfling

Agad namang umalis ang grupo sa tabi ng lawa at bumalik sa lagusan para ipagpatuloy ang paglalakbay.

Sa tulong ng dalawang Halfling, mas bumilis ang kanilang paglalakbay.

Pinangunahan ito ni Old Tucker, talagang pamilyar na pamilyar ito sa lagusang ito. Dahil dito siya dumadaan sa tuwing lumalabas siya para bumili ng mga pangangailangan nila.

Sa tuwing may lalabas na Black Spider, walang gagawin si Old Tucker at hinahayaan na si Marvin ang dumispatya rito.

Hindi rin naman ito iniiwasan gawin ni Marvin. Matapos mapatay ni Marvin ang ikatlong Black Spider, bukod kay Little Tucker na manghang-mangha sa natunghayan, pati na si Old Tucker ay tumaas ang respeto kay Marvin.

"Napakahusay mong kumilos at mahusay rin ang mga blade technique mo, bibihira akong makakita ng ganyan kahusay na ka-edad mo. Siguradong mayrong ka ring mahusay na master," sabi ni Old Tucker.

Ngumiti lang si Marvin at hindi nagsalita.

Hinasa ng napakaraming pakikipaglaban ang mga skill ni Marvin. At isang master na magtuturo kay Marvin kung pano gamitin ang mga ito? Wala.

Si Old Tucker at Marvin ang nangunguna sa paglalakad, sinusundan naman sila nina Little Tucker at Lola na natatakot.

Si Lola naman na nababagot, ay walang tigil sa pagtatanong kay Little Tucker dahil sa marami itong gustong malaman tungkol sa mga Halfling.

Napakamahiyain ni Little Tucker. Tumahimik lang ito kahit na paulit-ulit siyang tinatanong ni Lola. Kung hindi lang madilim, marahil nakita na namumula na ito sa hiya.

Habang patuloy na naglalakad ang apat, umabot na sa siyam ang napapatay na Black Spider ang napatay ni Marvin.

Pero hindi pa rin lumilitaw ang Red Spider na si Elizabeth.

"Malapit na tayo," malalim na sabi ni Old Tucker.

"Mag-iingat kayo. Kayang bumuga ng apoy ng Red Spider, isang uri ng apoy na nakakalaso. Wala akong dalang antidote para doon." Matapos sabihin ito, tumango siya kay Little Tucker.

Agad namang nag-Stealth si Little Tucker.

Malakas ang Stealth ni Little Tucker. Sa ganitong paraan, hindi siya makikita ng Red Spider at magiging pabigat.

Idinikit ng matandang Halfling ang kanyang tenga sa lupa at nakinig ng kaunti. Bigla itong sumenyaskay Marvin para mag-Stealth!

.

Naunawaan naman ni Marvin ang ibig sabihin ni Old Tucker kaya agad itong tumagilid.

Hide!

Sa isang iglap, si Lola na lang, na may hawak na silo, ang naiwan sa lagusan.

"Huy?"

"Anong ginagawa niyo?" Tanong ng babae.

"Bakit nagtatago kayong lahat?"

Sa sunod na sandali, biglang nagbago ang mukha niya!

Bwisit na Marvin, bakit hindi niya pinain ang sarili niya?

"Huy! Lumabas na kayo dyan!"

Itinaas niya ang sulo at dagger na hawak niya, at nagsisisigaw sa takot, "Punyeta ka Marvin! Tinulungan pa naman kita…"

Biglang natigilan ang kanyang boses.

Dahil maririnig na ang isang malakas na yabag sa loob ng tunnel!

Isang malaking anino ang gumapang palapit.

Hinawakan nito ang malaking tiyan nito habang umaakyat sa pader ng tunnel.

Itinaas ni Lola ang kanyang sulo, takot na takot.

Itinutok niya ang kanyang dagger sa gagamba at nagmamatapang na sinabing, "Wag kang lalapit!"

"Kapag lumapit ka pa, papatayin kita!"

Hindi siya pinansin ng gagamba at patuloy na dahan-dahang lumapit sa kanya. Gustong umatras ni Lola, pero naisip niyang baka may isa pang gagamba ang lumitaw sa kanyang likuran!

"Wala na, Patay na!" Nanginig sa takot si Lola, natumba ito at nagsisisigaw habang umiiyak, "Tama pala ang mga Jiska!"

"Hindi maaasahan ang mga lalaking [Swimming Fish]!"

...

Nang biglang may mahinahong boses ang bumulong sa kanya, "Manahimik ka!"

Isang nakakasilaw na liwanag ang lumitaw sa kaliwang bahagi ng lagusan. Gumulong si Marvin at nakarating sa bandang likuran ng gagamba malapit sa mga paa nito.

At sa kabilang dako naman, nagsimula na rin kumilos si Old Tucker!

Kasing bilis ng kidlat ang kanyang dagger, at maririnig na ang paghiyaw sa sakit ng gagamba!

Kasing bangis lang gaya ng dati si Marvin. Isang simpleng combo lang at tinapos na agad niya ang buhay ng gagambang 'yon!

Pero nang lumingon siya, may napatay ring gagamba si Old Tucker.

Biglang nagbago ang mukha nila pareho!

Ordinaryong Black Spider lang ang dalawang napatay nila…

'Pucha! Mas tuso pa pala kesa sa inaakala ko ang Red Spider na 'to! Nahalata niyang pinapain lang natin siya kaya gumamit siya ng dalawang Black Spider para subukan tayo!'

Biglang kinabahan si Marvin, agad siyang nagmanman sa kanyang paligid.

Nang biglang may bola ng apoy ang pinakawalan mula sa malayo, ang papalapit na sa kanila!

Napakalaki ng bola ng apoy na ito, halos lamunin nito ang kalahati ng lagusan!

Sinulyapan ito ni Marvin at walang pag-aalinlangan na hinila si Lola sa lupa at pinrotektahan ito!

Kabuhok na lang ay tatamaan na si Marvin, muntik na ring masunog ang mga damit niya.

Sa kabilang banda, pinrotektahan din ni Old Tucker si Little Tuckker.

Pero wala na agad ang alas nila.

Alam na ng Red Spider na naroon sila. Hindi ito nagpakita, bagkus ay bigla na lang nawala.

Gagawin nito ang lahat para lang mapatay sila. Lalo pa't tahanan niya ang lugar na ito!

"Pucha! Paano na 'to!" Galit na pagdadabog ni Marvin sa lupa.

Pero hindi niya inaasahang malambot pala ang lupa.

____________

Author's Note: Lore – Mga Astrological Sign ng Feinan

  07.12-07.27: Bright Crab

  07.28-08.14: Swimming Fish

  08.15-08.26: Sea King

  08.27-09.14: Fire Dragon

  09.15-09.30: Hunter

  09.31-10.12: Copper Mirror

  10.13-10.27: Bull

  10.28-11.11: Magic Vase

  11.12-11.25: Sky Wolf

  11.26-12.09: Wizard Ruler

  12.10-12.25: Dragon Hawk

  12.26-01.10: Windy Cliff

  01.11-01.15: Snow Woman

  01.16-02.01: Ash Cloud

  02.01-02.17: Silver Fox

  02.18-03.03: Fairy

 03.04-03.17: Lion

  03.18-04.06: Gold Bell

  04.07-04.21: Iris

  04.22-05.11: Sky Dog

  05.12-05.26: Flying Snake

  05.26-06.13: Great Bear

  06.13-06.26: Small Bear

  06.26-07.11: Gardener

Ito ang mga astrological sign ng Feinan, bawat sign ay may kwento. Ang bawat kwento ay isa-isang idadagdag. Maaaring tingnan ng lahat kung ano ang kanilang astrological sign sa Feinan.


Load failed, please RETRY

Gifts

Gift -- Gift received

    Weekly Power Status

    Rank -- Power Ranking
    Stone -- Power stone

    Batch unlock chapters

    Table of Contents

    Display Options

    Background

    Font

    Size

    Chapter comments

    Write a review Reading Status: C136
    Fail to post. Please try again
    • Translation Quality
    • Stability of Updates
    • Story Development
    • Character Design
    • World Background

    The total score 0.0

    Review posted successfully! Read more reviews
    Vote with Power Stone
    Rank NO.-- Power Ranking
    Stone -- Power Stone
    Report inappropriate content
    error Tip

    Report abuse

    Paragraph comments

    Login