Download App
18.09% Night Ranger (Tagalog) / Chapter 133: Grandfather’s Secret

Chapter 133: Grandfather’s Secret

Editor: LiberReverieGroup

Nang tingnan niya ang Great Devil Head, biglang umalingawngaw muli sa kanyang tenga ang kakaibang boses na umaawit sa lihim na lagusan.

Bigla siyang natigilan.

Tinitigan si Marvin ng tatlong mata ng Great Devil. Tila nakangiti ito pero tila hindi rin ito nakangiti.

Makikita rin ang isang mapang gamit na gamit, may mga salita ritong hindi maintindihan ni Marvin.

Ang code na nakasulat ay galing sa lenggwahe ng mga Anzed. At binago pa ito gamit ang isang uri ng encryption.

'Mukhang may kinalaman talaga to sa mga Anzed…'

'

'Great Devil Head… Devil….'

Nagsimulang mag-isip si Marvin.

Alam naman ng lahat na mga ninuno ng mga Wizard ang mga Anzed. Ang sabi nila ay malapit ang mga ito sa mga Devil. Paminsan-minsan ay gagamitin nila ang isa't isa para bumuo ang mga ito ng isang alyansa, pero sa oras ng kagipitan at pangangailangan, walang pag-aalinlangan nilang tatraydorin ang isa't isa.

Hindi malinaw sa mga tao kung ano talaga ang relasyon ng mga Anzed sa mga Devil, ang alam lang ni Marvin, halos pareho ang lenggwahe ng Hell at ng lenggwahe ng mga Anzed.

May nakapagsabi pa nga na ninuno ng mga Anzed ang mga Devil.

Iba-iba ang mga opinion na lumabas tungkol dito, at kahit si Marvin ay hindi alam kung alin ang paniniwalaan.

Sa palagay niya, base sa nakasaad sa mapa, nasa ilalim nga ng kanyang palasyo ang nakatagong kayamanan.

Hindi naman siya sigurado sa mga salitang nakalagay rito.

Kaya naman tinanon na niya si Toshiroya, "Anong ibig sabihin ng mga salitang 'to?"

Umiling si Toshiroya, "Hindi ko rin alam."

"Eh papaano mo nalaman na isa itong mapa ng kayamana at hindi lang basta larawan?" Tanong ni Marvin na hindi naniniwala kay Tohiroya.

"Totoo ang sinasabi ko," mabilis na tugon ni Toshioya, "Hindi ko talaga alam."

"Bigay lang ng isang matandang lalaki sa akin ang mapang 'yan. Binigay niya sa akin ang mapa bilang kapalit dahil niligtas ko ang buhay niya. Sigurado aong mapa ng kayamanan yan dahil kumuha pa ko ng propesyunal na Appraiser para tingnan 'yan. Kaso, hindi lang ako nakahanap ng nakakaintindi ng mga salitang nakasulat. Kaya nagdesisyon akong hanapin muna ang kayamanan."

Matandang lalaki?

Sumimangot si Marvin.

Mukhang hindi naman nagsisinungaling si Toshiroya.

Akala ni Marvin ay sa oras na mahuli niya si Toshiroya, magiging malinaw na ang lahat. Hindi niya inaasahang mas magiging komplikado pa ang mga bagay-bagay.

"Anong koneksyon mo kay Miller?" Seryosong tanong ni Marvin.

"Miller? Yung Merchant?" Deretsahang sagot naman ni Toshiroya, "NAgkakilala lang kami. Sabi niya na teritoryo niya raw ang White River Valley at gusto niyang mabawi kung ano ang sa kanya. Kaya naman tinulungan ko siya, binigyan ko siya ng impormasyon kung paano makakausap ang mga Gnoll."

Tahimik na nag-isip si Marvin.

Taga-sunod ng Twin Snakes Cult si Miller at malinaw na alam niya ang tungkol sa malaking bato sa lihim na lagusan. Pero mukhang inilihim niya rin ang tungkol dito kay Toshiroya.

At kaya lang pinunterya ni Toshiroya ang White River Valley ay dahil sa maapng ibinigay sa kanya ng isang matandang lalaki.

Mukhang nagkataon lang ang lahat, pero hindi naniniwala si Marvin na ganoon siya kamalas.

Matandang lalaki… Matandang lalaki…

Biglang kinwelyuhan Marvin si Toshiroya, "Anong itsura ng matandang lalaki?"

Nagulat si Toshiroya kay Marvin, pero nag-isip ito saglit at sinabing, "Hindi ako sigurado, basta mukha siyang pangkaraniwang matandang lalaki."

"Nakilala ko siya noong naglalakbay ako sa Desert's Virtues. Mamamatay na siya sa uhaw at nagtanong sa akin kung pwede ba siyang makahingi ng tubig."

"Kadalasan, wala anamn akong pakielam sa mga ganoon, pero mayroon akong kasamang babaeng noble. Kaya para magpasikat sa kanyan, inalalayan ko palabas ng desert ang matanda at binigyan siyang tubig."

"Pagkatapos noon, binigyan niya ang ng mapa kapalit ng ginawa ko. Noong una wala akong pakielam dito. Di nagtagal bigla na lang akong naghanap ng appraiser at nalaman na higit 300 taong gulang na ang papel ng mapa na 'to."

300!

Huminga ng malalim si Marvin.

Wala pa ang White River Valley noon!

Noong mga panahong 'yon, kahit ang River Shore City ay halos kagubatan pa lang, at ang Three Ring towers naman ay kakabuo pa lang. Batang-bata pa si Leyman noong binuo niya ito. Isang Legend Wizard na magkakaroon pala ng napakahabang buhay. Galing pa ang mapang ito sa mga panahong 'yon?

Biglang naalala ni Marvin na isa ring high level Wizard ang kanyang lolo.

.

Ayon sa alaala ng kanyang ama, kahit na hindi isang Legend ang kanyang lolo, isa siyang advanced 4th rank na Archmage. Isa raw siyang level 16.

Noong mga panahong 'yon, nalakbay at nakuha na siya ng maraming masusukal na teritoryo para sa South Wizard Alliance. At isinama na ang mga ito sa mga teritoryo ng Wizard Alliance. Kaya naman pinarangalan siya ng Ninth Month Medal.

Kung iisiping mabuti, sa laki ng naiambag niya, dapat halos kapantay ng River Shore City ang nakuha niyang teritoryo.

Pero mas pinili niya ang isang mas maliit na White River Valley. Ang tanong ay bakit?!

Punong-puno ng mga katanungan ang isip ni Marvin.

'Mukhang otas na para bumalik at tingnan ang mga gamit ng aking lolo.'

Nakapagdesisyon na siya.

Pinagpatuloy lang ni Marvin ang pagtatanong kay Toshiroya. Talagang mahal ng taong ito ang kanyang buhay. Dahil sa tuwing may itatanogn si Marvin, sumasagot naman ito at mukhang hindi siya nagsisinungaling.

Paulit-ulit niyang sinasabi na basta hindi siya papatayin ni Marvin, babayaran niya ito ng kahit anong halaga na gustuhin nito.

Pero walang intension si Marvin na palayain lang ito.

Hindi ito dahil sa mabagsik at walang awa si Marvin.

Ito ay dahil sinagad na ni Toshiroya ang galit ni Marvin!

Ang sino mang magtangkang umagaw ng kanyang teritoryo ay mamamatay!

Ito ang lugar na handa siyang ialayang kanyang buhay para lang maprotektahan. Ito ang kanyang tahanan.

Subalit, dahil nakipagtulungan naman si Toshiroya, at maraming oras ang natipid, nadesisyon si Marvin na deretsuhin na ito.

Biglang may nakakasilaw na liwanag ang lumitaw at bumagsak sa lupa ang ulo ng lalaki.

Para naman sa mapa, tinaggap na ito ni Marvin.

'Dalawang linggo na lang bago ang pag-atake ni Madeline sa Crimson Monastery. Kailangan kong maibalik ang kaayusan ng teritoryo ko sa loob ng dalawang linggo.'

'Ang pinakamahalagang gawin sa ngayon ay pakalmahin nag mga tao. At basta bumalik ako, wala nang masyadong magiging problema.'

'At ang solusyon sa problema sa pagkain ang kailangan…'

Agad na umalis si Marvin sa gubat at pinag-isipan ito habang pabalik siya ng palasyo.

Ang problema sa pagkain!

Isa itong malaking problema.

Sa panahon ng kapayapaan, kadalasan ay sagana sa pagkain ang mga naninirahan sa White River Valley at walang problema dito. Pero dahil sa pananakop ng mga Gnoll, napinsala ang White River Valley at nasunog pa ang kamalig. Hindi na sapat ang natitirang pagkain para makaraos sa tag-lamig.

Sa katunayan, binigyan pa ni Anna ng detalye si Marvin tungkol dito. Base sa kalagayn nila ngayon, mauubos na ang natitirang pagkain sa loob lang ng isang linggo.

Tuwing umaga, magbubuhat si Anna ngpagkain mula sa kamalig, kasama ng garrison, para pumunta sa palengke sa ilalim ng burol para bigyan ng rasyon ang mga tao base sa nirehistro ng mga ito.

Ang kaso nga lang, hindi sapat ang mga rasyon na ito. Nagpupursigi man ang mga farmer linangin ang lupa, dalawang buwan pa bago sila makapag-ani.

Tigang ang lupa ng White River Valley noon. Ang dami ng trigo at okra dito ay hindi kayang pantayan ang dami ng ani sa ibang mayabong na teritoryo.

At kung sa pag-aalaga naman ng hayop, kakaunting pamilya lang ang naglakas loob na subukan ito, pero hindi pa rin ito naging sapat.

Sa madaling salita, napahupa ng panandaliang pagbabalik ni Marvin ang damdamin ng mga tao, malaking suliranin ang kinakaharap ng kanilang teritoryo!

Kahit na hindi pa nagiging Overlord dati si Marvin, nakapaglaro naman siya ng ilang management game.

Ang sitwasyon ngayon ng mga tao sa Feinan ay halos kapareho ng sitwasyon ng mga tao sa Europa noong sinaunang panahon. Kahit na mundo ito ng mahika, pangkaraniwan pa rin naman ang buhay ng mga ito.

Pagkain, bahay, asawa, anak, at ilang libangan.

Ito ang bumubuo sa kanilang araw-araw na buhay.

At dahil walang mga alipin sa White River Valley, ang mga farmer ang pinakamababa sa lahat. Kahit na Malaya sila, kailangan pa rin nilang linangin ang lupa at magbayad ng buwis.

Mas mabuti pa ang trato sa mga Craftsman. Maraming pamilya ng mga farmer ang mag-iisip ng iba't ibang paraan para lang matanggap ang kanilang mga anak bilang apprentice ng craftsman. Kung matututo ang mga ito, maaari silang makahanap ng pwesto sa loob ng maliit na bayan sa ilalim ng burol. Maging mason man sila or carpenter, magkakaroon ng mas magandang buhay ang mga ito kumpara sa pagiging farmer.

Sa taas ng mga mamamayan ay ang mga tauhan ng Overlord, ang garrison, si Anna, at ang iba pa.

Dahil walang taga-sunod o mga retainer ang lolo ni Marvin, halos walang tao sa loob ng palasyo.

Ganito lang ka-simple ang White River Valley.

Ang ganitong klaseng teritoryo ay maaaring masira sa isang iglap kapag tumama ang Great Calamity.

Kaya naman, hindi na nakakapagtakang hindi pa narinig dati ni Marvin ang tungkol sa White River Valley.

Pero nagbago na ang lahat.

Nabago ang lahat dahil sa pagdating ni Marvin.

Naka-isip na agad siya ng mga plano at dapat gawin!

Una, kailangan niya munang lutasin ang problema sa pagkain. Matapos niyang mapatay si Black Jack, sinwerte siyang nakakuha siya ng sapat nap era para matustusan ang pangangailangan ng kaniyang teritoryo sa loob ng isa hangang dalawang taon.

"Papuntahin mo dito si Lola," utos ni Marvin kay Anna sa loob ng aklatan.

Panandaliang nag-alinlangan si Anna saka sinabing, "Pero Young Master, manggagantso siya."

"Alam ko," mahinahong sabi ni Marvin, "Kaya ako mismo ang pupunta sa Jewel Bay."

Sumimangot si Anna. "Pero kababalik mo lang…"

"Wag ka mag-alala, babalik rin ako kaagad," sabi ni Marvin.

"Aabutin ng dalawang linggo ang paglalakbay papunta at pabalik mula rito hanggang Jewel Bay, tama?" pag-aalinlangang tanong ni Anna.

Umiling si Marvin, "hindi lalagpas sa limang araw."

"Magtiwala ka sa akin, sa loob ng limang araw, makakabalik na ko dala ang pagkaing kailangan ng teritoryo natin. Ipamalita mo ito sa lahat."

"Sabihin mo, pangako 'to ni Lor Marvin."

Kahit na nag-aalinlangan pa rin si Anna, ginawa pa rin niya ang inuutos ni Marvin.

Sobrang daming himala na ang nagawa ni Marvin. Kaya naman malaki na ang tiwala ni Anna na magagawa niya ito.

"Sandali!" Biglang sigaw ni Marvin kay Anna bago ito umalis.

Saglit siyang nag-isip bago niya tuluyang sinabing, "Wala, wala, sabihin mo kay Lola maghanda na siya para sa mahabng paglalakbay. Sabihin mo rin na hintayin niya ako sa gate ng siyudad mamayang gabi."

...

Nang umalis si Anna, si Marvin na lang ang naiwan sa aklatan.

Nagdalawang isip siya ng kaunti bago binuksan ang isang drawer. Mayroon ditong lihim na kompartimento.

Mayroong susi sa loob nito.

Walang ibang nakaka-alam na mayroong lihim na pinto sa loob ng aklatan ng palasyo. Ito ay isang bagay na sinabi ng ama ni Marvin sa kanya bago ito mamatay.

Ibinilin nito kay Marvin na wag na wag bubuksan ang pintong ito. Dahil ang nasa loob nito ay hindi kayang harapin ng isang pangkaraniwang tao lang.

Ang sikreto ng kanyang lolo ay nasa likod ng pintong 'yon.

'Pero hindi naman na ako pangkaraniwang tao.'

Dinampot niya ang susi at itinabi ang isang istante ng mga libro, nakita niya ang isang susian. Ipinasok niya ang susi at dahan-dahan niyang binuksan ito.

'Gusto ko talagang makita kung ano ang inililihim ng aking lolo…'

At bumukas na nga ang pinto.

Isang sulyap lang ay nagulat na si Marvin sa kanyang nakita!

"Ito ang…."


Load failed, please RETRY

Gifts

Gift -- Gift received

    Weekly Power Status

    Rank -- Power Ranking
    Stone -- Power stone

    Batch unlock chapters

    Table of Contents

    Display Options

    Background

    Font

    Size

    Chapter comments

    Write a review Reading Status: C133
    Fail to post. Please try again
    • Translation Quality
    • Stability of Updates
    • Story Development
    • Character Design
    • World Background

    The total score 0.0

    Review posted successfully! Read more reviews
    Vote with Power Stone
    Rank NO.-- Power Ranking
    Stone -- Power Stone
    Report inappropriate content
    error Tip

    Report abuse

    Paragraph comments

    Login