Download App
13.33% Night Ranger (Tagalog) / Chapter 98: Berserk Marvin!

Chapter 98: Berserk Marvin!

Editor: LiberReverieGroup

Isang salita lang ang makakapaglarawan kay Marvin ngayon.

At 'yon ay mabangis!

Malupit ang mundo ng Feinan. Marami ang namamatay dahil sa patuloy na salpukan ng hustisya at kasamaan.

Marami na ring napatay si Marvin. Pero kailanman ay hindi niya ginalaw ang mga inosente.

Mukhang lalong lumakas si Black Jack at mukhang sapat na ang level niya para makapag-advance sa 3rd rank.

Pero hindi pa rin natatakot si Marvin!

Hangga't hindi pa nito tapos ang kanyang advancement, at hangga't hindi pa siya ganap na isang Outlaw of the Crimson Road, kampante si Marvin na kaya niya itong talunin!

At kaya niya itong patayin sa isang dwelo!

"Clang!" Kumislap ang mga dagger nang magsalubong ang mga ito!

With [Blade Technique – Rapids], tuloy-tuloy ang daloy ng mga atake ni Marvin habang napapanatili niyang matatag ang kanyang dagger skill.

Suminghal si Black Jack habang sinasalag ang mga atake ni Marvin!

Mas gumaling rin ang kanyang mga skill, pero matapos salagin ang ilang atake, nagulat siyang mas malaki ang iginaling ng batang si Marvin kumpara sa kanya!

Nang huli silang magkita ay halos nilaro niya lang si Marvin at hindi man lang ito makalaban sa kanya.

Pero ngayon, pagtapos lang ng tatlong atake, hindi pa rin nagbabago ang reaksyon nito. Wala ring nagiging problema ang lakas ng kanyang sandata o kahit ang kanyang mismong galaw!

'Kakaiba 'to.'

'Gaano na ba katagal na panahon ang lumipas? Mabilis akong lumakas, kaya paano niya nagagawang makalaban sa akin?'

Hindi na hinayaang ni Marvin na makapag-isip pa si Black Jack. Sinamantala niya ang pagkakataon at pinangunahan niya na ito!

Sa isang dwelo ng mga dagger, mas itinuon niya ang kanyang atensyon sa mga taktika. Ang pinakamahalaga ay humanap ng tamang pagkakataon para umatake.

Hindi kailangan ng marahas na pag-atake, mas mahalagang panatilihin ang pagiging mahinahon!

Kapag mas mahinahon ang tao, mas madali nilang mahanapan ng butas ang kanilang kalaban. Kaya naman malaking bagay kung sino ang mauunang umatake sa isang laban!

Madaling makitaan ng butas ang mga taong basta-basta na lang sumusugod. Hindi ito ang matalinong gawin.

Kung ito'y pangkaraniwang laban, maghihintay lang si Marvin ng tamang pagkakataon tulad ng dati. Pero ngayon, mas pinili niyang siya ang maunang umatake.

Gusto niyang patayin si Black Jack!

"Ha!"

Yumuko si Marvin at mabilis nitong ginamit ang hawak niyang dagger para salagin ang atake ni Black Jack. Tapos nito ay biglang tumalon si Marvin. Habang nasa ere siya, bigla niyang iwinasiwas ang kanyang dagger pababa.

Mukha ito mabagsik na Flying Cleave, pero sa mga mata ni Black Jack, napakaraming butas nito.

'Nagpalit siya ng mga dagger. Mukhang tumaas din ang strength nya…'

'Gumaling rin ang dagger mastery niya, kaya pala parang handang-handa 'to sa laban. Mataas ang potensyal ng batang 'to.'

'Sayang lang at nakaharap niya ako! Gusto mo kong patayin? Ang mga tauhan nga ng Shadow Spider ay hindi ako kinaya, ikaw pa kayang kutong-lupa?' sabi ni Black Jack sa kanyang sarili.

Umabante ito at gumulong sa lapag.

Sa isang iglap, bukas na bukas ang ibabang bahagi ng kanyang katawan para atakihin ni Black Jack!

"Putulin ko kaya 'yang mga paa mo at tingnan natin kung makakatalon ka pa!"

Humalakhak ito, at inamba sa mga tuhod ni Marvin ang kanyang mga dagger!

Pero kasabay nito, biglang bumigkas ng isang incantation si Marvin!

[Spell – Vine Metamorphosis]!

Sa isang iglap, ang mga binti niya ay naging mga baging na puno ng tinik!

Habang gulat na gulat na nakatingin si Black Jack, pumulupot ang mga baging na ito sa mga dagger hanggang sa mga kamay ni Black Jack.

"Aaah!"

Kinimkim ni Black Jack ang sakit at hinawakan ng mahigpit ang mga dagger nito at hindi binitawan.

'Isa talagang expert 'to!' Isip-isip ni Marvin.

Bigla itong lumiyad paharap, habang nakalapat ang magkabilang kamay sa lapag, at gamit ang lakas ng kanyang baywang, hinila niya ang mga kamay ni Black Jack!

[Personal Skill – Burst]!

Sa isang iglap, Lumakas pa lalo si Marvin, kaya namang nagawa niyang iikot ang kanyang baywang at ihagis sa ere si Black Jack gamit ang mga baging!

Kasunod nito ay bumagsak na sa lupa si Marvin. Pinakawalan ng mga baging si Black Jack at bumalik na sa dating anyo ang mga pa ani Marvin.

Eto na ang tamang pagkakataon.

Umikot si Marvin, itinutok niya ang kanyang kanang kamay kay Black Jack, na hindi makagalaw ng tama dahil nasa ere pa ito!

Isang sinag ng liwanag ang lumabas mula sa ring of prayers.

[Rainbow Jet]!

Isang nakakatakot na arcane energy ang lumabas mula sa ring at tumama kay Black Jack.

Sa bingit ng kamatayan, ihinarang ni Black Jack ang kanyang mga dagger sa kanyang harapan.

Ginamit na niya ang lahat ng lakas na mayroon siya para ma-depensahan ang sarili!

Tumama ang makapangyarihang rainbow ray sa kanyang katawan, kalahati sa mga ito'y nasalag ng kanyang mga dagger.

Pero nagsimula pa ring lumabas ang mga kristal sa katawan nito.

'Pucha!'

'Mayroon pala siyang mga spell!'

Bumagsak sa lupa si BlackJack na wala nang maramdaman ang kaliwang bahagi ng katawa. Isng sensyales ng crystallization!

Malaki-laki rin ang nabawas sa kanyang HP.

Napailing si Marvin na tila hindi masaya.

Masyadong malakas ang Black Jack na 'to! Mas malakas pa kay Diapheis.

Pero bigla niyang nakita si Black Jack na naglabas ng isang maliit na bote at ininom ang laman nito. Agad namang natigil ang crystallization ng kanyang katawan.

Maraming magagandang item ang taong 'to. Pero sino ba naman ang mag-aakalang meron itong anti-cyrstallization potion?

Tatlong bagay na agad ang nagamit ni Marvin sa ginawa niyang combo: Ang Vine Metamorphosis, Burst, at Rainbow Jet. Pero tila nahirapan lang ng kaunti si Black Jack.

'Hindi ko pwedeng hayaang mabawi niya ang lakas niya!'

Agad na nagdesisyon si Marvin at mabilis na tumakbo papalapit kay Black Jack at inatake ito gamit ang parehong sandata nito. Napilitan si Black Jack na gumulong-gulong palayo.

'Tatakas ka?'

'Hindi 'yon ganoon kadali!'

Mabilis na nakahabol si Marvin. Patayo pa lang si Black Jack noong galit na hiniwa niya ito pababa!

Mabuti na lang at mabilis ang naging reaksyon ni Black Jack at nasalag pa niya ito.

Galit nag alit si Black Jack!

Bilang isang taong malapit nang maging isang Outlaw of the Crimson Road, nagawa siyang sagarin ng isang 2nd rank na rookie?

Hindi siya makapaniwala!

Bago pa man ito makabawi, biglang nagbato si Marvin ng dalawang lubid!

Wishful Ropes!

Bago pumasok ng Thousand Leaves Forest, bumili si Marvin ng isa pang lubis, para sigurdo. Hindi niya inaakalang makukuha niya ang titolong [Rope Master] nang ganoon kabilis!

At dahil isa itong dwelo, hindi magagamit ni Marvin ang kanyang [Chaotic Battlefiled Expert] na titolo, kaya pinalitan na niya ito ng Rope Master!

Sabay na umatake ang dalawang lubis, isa sa kaliwa, isa sa kanan. Dahil sa pagmamanipula ni Marvin sa mga ito, nahuli ng mga 'to ang dalawang kamay ni Black Jack. Sa isang iglap, napakarami nang butas kay Black Jack!

"Mamatay ka na!" Sigaw ni Marvin habang umaatake gamit ang dalawang dagger!

Nang biglang lumiit ang katawan ni Black Jack!

Isang kakaibang enerhiya ang kumalat sa kanyang katawa. Nakawala ang magkabilang kamay nito mula sa mga wishful rope at biglang nawala sa harap ni Marvin!

[Secret Skill – Vanish]!

Isang skill na bihirang makita.

Nakita n ani Marvin na ginamit ito dati ni Black Jack sa basement.

Pero napaghandaan na rin ito ni Marvin.

Isang napakalakas na skill ng Vanish na may mataas na prayoridad. Kaya nitong makawala sa kahit anong pagkaka-ipit o pagkakagapos.

Saka lilipat ang gumagamit nito.

'Nasa malapit lang siguro siya!'

'Hindi pa 'yon nakakalayo!'

Agad na lumingon si Marvin at may naaninag na aninong sa isang bubong!

Hindi pa ito gaanong malayo sa kinatatayuan niya!

Nakayuko roon si Black Jack na namumutla ang mukha, hawak niya ng pahiga ang dalawang dagger sa kanyang harapan na para bang isang tigre. Nagsimula na itong kumilos!

Matagal na panahon na noong huli siyang napahiya ng ganito, lalo na ng isang taong pinaglalaruan niya lang dati. Ikinalungkot niya ito!

"Tapos na ang maliligayang araw mo!"

Bilang lumiawanag ang mga dagger ni Black Jack, habang dumilim naman ang buong katawan nito.

[Blade Technique – Abyss Phantom]

Isa itong uri ng high level na Blade Technique, na kayang magpakawala ng napakaraming dagger!

Noong huling beses niya itong ginamit, kahit ang Paladin Gordian ay hindi naiwasang maging maingat sa pagsalag ng mga ito.

Pero hindi natakot at umatras si Marvin. Sa halip, naghanda itong salubungin ang atake ni Black Jack!

Nang magtagpo ang dalawa, biglang umikot si Marvin para makaiwas.

[Eternal Night]!

Sa isang iglap, dumilim ang kapaligiran at si Marvin ang nasa gitna ng dilim na ito!

Para bang gabi na sa oras at lugar na 'yon.

Walang makita si Black Jack. Nataranta ito at basta-basta na lang umatake sa kanyang paligid!

Pero nanatiling mahinahon si Marvin na mayroong darksight. Inikutan nito si Black Jack at nagpunta sa likuran nito.

Limitado ang oras na pwedeng gamiting ang Abyss Phantom. Binilang ni Marvin kung gaano pa kahaba ang itatagal ng Blade Technique ni Black Jack.

Paglipas ng pitong segundo, biglang tumigil ang pag-atake ni Black Jack.

May butas sa ginawa niya!

Di nag-atubili si Marvin at sinunggaban na ito.

Sa pagkakataong ito, hawak na niya ang Blazing Fury sa kanyang kaliwang kamay at ang Kingfisher Jade naman sa kanan!

"Klang!"

Walang hirap na nasalag ng Blazing Fury ang isa sa mga shadow dagger ni Black Jack!

"Plop!"

Bumaon ng napakalalim ang Kingfisher Jade sa batok ni Black Jack!

Bigla itong tumambling paharap at sinipa ang hawakan ng Kingfisher Jade.

"Woosh!"

Mas lalong bumaon ang dagger sa batok ni Black Jack!


Load failed, please RETRY

Gifts

Gift -- Gift received

    Weekly Power Status

    Rank -- Power Ranking
    Stone -- Power stone

    Batch unlock chapters

    Table of Contents

    Display Options

    Background

    Font

    Size

    Chapter comments

    Write a review Reading Status: C98
    Fail to post. Please try again
    • Translation Quality
    • Stability of Updates
    • Story Development
    • Character Design
    • World Background

    The total score 0.0

    Review posted successfully! Read more reviews
    Vote with Power Stone
    Rank NO.-- Power Ranking
    Stone -- Power Stone
    Report inappropriate content
    error Tip

    Report abuse

    Paragraph comments

    Login