Download App
8.29% Night Ranger (Tagalog) / Chapter 61: Nature’s Leaf

Chapter 61: Nature’s Leaf

Editor: LiberReverieGroup

Hindi nabaliw si Fidel dahil siya'y naging isang lich, kundi dahil nakita niya ang gulat sa mukha ni Sasha nang makita siya kaya naman napilitan siya magpakalayo.

Kahit na mabilis namang napigilan ni Sasha ang kanyang reaksyon, labis na ikinalungkot pa rin ito ni Fidel.

Sabi ng mga tao wala daw pakiramdam ang mga lich, pero katatapos lang ni Fidel malagpasan ang seremonya. Nag-lalagablab ang kalungkutan sa kanyang dibdib, gulong-gulo ang kanyang isip.

Magmula noon, nagpakalat-kalat na lang siya sa hilagang bahagi ng despair hills hanggang sa makilala bilang [Mad Lich]

Matapos marinig ni Marvin ang kwento, naawa siya dito g kaunti. Pero hindi pa rin mapigil ni Marvin angnararamdaman dahil kaharap na niya ang laman ng mga usap-usapan.

Ibang-iba si Fidel sa ibang mga necromancer, mabuti ang kalooban nito.

Nagdesisyon si Marvin na tutulungan niya ito sa abot ng kanyang makakaya.

Proposal?

May naisip si Marvin saka nagtanong, "Hindi ba malalanta ang mga rosas kapag nakasagap ng negatibong enerhiya?"

"Oo nga 'no!" Biglang napagtanto ni Fidel.

"May negatibong enerhiya sa katawan ni Sasha. Hindi niya natanggap ang pinadala kong mg rosas dahil naging abo na 'to bago pa man umabot sa kanya!"

"Kaya pala niya ako tinanggihan."

Pilit na ngumiti si Marvin, 'Oo, ganun na nga.'

Pero maaantala pansamantala ang pagiging lich ni Fidel dahil dito, kaya mas mabuti na ito.

Sa mga ganitong sitwasyon, kailangan niyang gawin ang lahat ng makakaya niya, kaya hindi makakatangging tumulong si Marvin. Bahagyang bumuti ang tingin ni Marvin kay Fidel dahil sa sabay nilang pagtakas at sa pakikinig niya ng mga kwento nito.

Ang mga ganitong tao ay ipinanganak na may karisma. Pakiramdam niya'y matagal na silang magkaibigan kahit ngayon lang sila nagkakilala.

"Ganito na lang," ika ni Marvin. "Wag mo munang isipin ang pag-aaya magpakasal."

"Marahil may ibang rason kung bakit ayaw ka muna niyang makita."

Tumango si Fidel at gulat na sinabi, "Paano mo nalamang ayaw niya akong makita?"

Nagkibit-balikat lang si Marvin, "Kung gusto ka niyang makita, hindi naman niya gagamitin ang mga warhorse para itaboy ka, hindi ba?"

Napabuntong hininga si Fidel.

"Ano bang pwede kong gawin…"

"Hayaan na nga muna natin, magpahinga na muna tayo. Naniniwala akong kayang ko siyang suyuin!"

"Kung hindi, magiging lich na lang din ako!" sigaw nito.

Napakamot na lang si Marvin, naisip pa rin ni Fidel na gawin ang bagay na yon.

"May alam ka bang dalawang lich na nagkaroon ng relasyon?" Malumanay na paalala sa kanya ni Marvin.

"Siguro dapat mag-isip ka ng ibang paraan? Tulungan mo kaya siyang mabawi ang katawan niya?"

"Mas mahirap 'yan kesa sa maging isang lich na lang rin ako."

Napakamot rin ng ulo si Fidel.

Isang legend spell ang body revival ng mga lich. Kahit na mga legen level na mga lich ay hindi nakukuha ang lahat ng mga kailangan para sa spell na 'to.

"May alam akong isang bulaklak sa kagubatan ng elf kingdom, sa dakong hilaga ng three ring towers. Hindi ito naaapektuhan ng negetibong enerhiya at hindi ito nalalanta kailanman."

Biglang napalingon si Marvin at sinabing, "Papunta akong three ring towers ngayon. Pwede kitang dalhan ng bulaklak pagbalik ko."

"Talaga ba? Ang [Eternal Flower] na ang tinutukoy mo?

Nabigla si Fidel. Hinawakan niya ang kamay ni Marvin at masayang sinabing, "Nabalitaan ko nga ang tungkol sa Eternal Flower. Kaso nga lang hindi ako pwede umalis ng despair hills sa ngayon. Isa sa batas ng pagiging necromancer."

"Kung ayos lang sayong tulungan ako, tatanawin ko 'tong malaking utang na loob!"

"Ngayon lang uli ako nakakilala ng katulad mo. Hahanap ako ng pwede kong mairegalo sayo."

Bigla itong naghanap at kung ano-anong kakaibang bagay ang hinalungkat.

"Hindi na kailangan…"

Napalunok si Marvin.

Dahil napansin niya ang isang kulay jade na dahoon sa kamay ni Fidel!

Kulay emerald green ito at buhay na buhay pa kahit na punong-puno ng negatibong enerhiya ang despair hills.

...

Natures Leaf!

Kahit na hindi siya ranger dati, pamilyar sa kanya ang bagay na 'to. Ito ang pinaka-iniingatang bagay ng mga ranger!

Kung ibang bagay ang ialok sa kanya'y maaari siyang makatanggi pero kung ang nature's leaf, hindi niya ito magagawa.

"Base sa itsura mo isa kang ranger, kaya eto, bilang paunang bayad, isang Nature's leaf. Kapag nadala mo na ang eternal flower, bibigyan pa kita ng ilang pabuya."

Tuwang-tuwa si Fidel at itinanong, "Gaano katagal ang aabutin?"

"Hindi ko masabi eh."

Hindi mapigilang tanggapin ni Marvin ang Nature's Leaf. Hindi niya ito matanggihan.

Nauutal niyang sinabing, "Hindi naman siguro lalagpas ng isang buwan."

"Ayos, hihintayin kita!" Kumaway si Fidel na tila nabuhayan ng loob.

Napaka simpleng tao.

Handa niyang gawin ang lahat para sa minamahal niya. Kaya siguro hindi niya kinaya nang makitang natakot sa kanya ang mahal niya nang magkita sila nito muli. Hindi ito kinaya ng kanyang pag-iisip.

Eto ang napagtanto ni Marvin.

Nais niyang baguhin ang kapalaran ng taong ito kung kaya.

'Susubukan ko.' Isip ni Marvin habang kinukuha ang nature's leaf.

Simula pa lang naman'y alam na niyang maraming kapalaran ang mababago dahil sa pagdating niya sa mundong ito. Minsan kailangan niyang maging malupit at marahas. Pero wala rin naman sa kanya ang paminsan-minsang paggawa ng kabutihan.

Masayang nagkwentuhan ang dalawa.

Pero tanging nakikinig lang si Marvin habang si Fidel lang ang nagsasalita. Ikinwento lang nito ang mga karanasan nito sa buhay.

Tuloy-tuloy lang itong nagkwento hanggang sa umalis na ang mga skeletal warhorse at mga ghost. Saka umalis si Marvin.

Naantala na masyado ang kanyang paglalakbay. Kailangan na niyang magmadali patungo sa dakong hilaga ng despair hills, ang Skull Valley.

Ginagamit ng mga ranger ang nature's leaf para matuto ng ilang magic.

Sa katunayan, tanging mga ranger lang dati ang class na hindi kayang matuto ng magic. Natututo lang sila ng divine spell dahil sa pagsunod sa isang god.

At sa mga god na ito, ang nature god ang pinakamadalas na piliin.

Pero matapos ang ikalawang Era, nagpakalayo-layo ang nature god. Bago siya umalis, nagiwan siya ng bagay na patuloy na makapagbigay ng mga divine spell.

Hinayaan niya ang World Tree ang mamahala sa lahat ng nature magic. Kaya naman ang mga dahoong tumutubo sa world tree, ang nature's leaf, ay naglalaman ng ilang piraso ng divine spell.

Napakadakila ng nature god. Kahit na hindi ka naniniwala sa kanya, maaari ka pa ring matuto ng magic gamit ng nature's leaf.

Kailangan lang isa kang ranger o druid.

Bibihira lang ang mga nature's leaf, at mahigpit na pinamamahalaan ito ng Migratory Bird Council. Isang malaking katanungan kung paano napunta ang isa sa mga ito kay Fidel pero napakahalaga nito.

Inilagay ito ni Marvin sa kanyang palad ant bumulong ng isang simpleng incantation.

Isang job incantation ito na ibinibigay kapag naging isang ranger. Kailangan lang tinginan ni Marvin ang class introduction para malaman ito.

Pagkatapos ibulong ang incantation ay sumanib na sa katawan ni Marvin ang nature's leaf.

At biglang lumitaw na ang kanyang unang spell sa kanyang spell window.

[Vine Metamorphosis]: Maaari mong gawing barbed vine ang isang bahagi ng iyong katawan. Tatlong beses sa isang araw mo ito pwedeng magamit.

'Bakit kaya ito…'

'Isang malupit na nature spell. Pero base sa paglalarawan…tila masama ito…'

Bahagyang nahiya si Marvin.

Isang bahagi ng katawan… Alin?

Tulad ng sinasabi sa alamat, tunay ngang mapangahas at walang makakapigil sa nature god!

Matapos matutunan ang kanyang unang spell, nagmadali na siyang maglakbay na masaya patungong hilaga.

Tahimik ang kapaligiran at wala na siyang nakasalubong pang ghost uprising.

Pero noong malapit na siya sa Skull Valley, may nakasalubong siyang isa pang necromancer.

Isang necromancer apprentice.

Noong dumman siya, bigla itong lumitaw mula sa sementeryo na may kasamang isang dosenang kalansay.

Mukhang sinasanay nito ang pagmanipula sa mga ito.

Nang makita nito si Marvin, agad niyang inutusan ang mga kalansay na sugurin si Marvin!

Normal na ito para sa isang necromancer!

Galit sila sa mga tao, di sila katulad ng necromancer na si Fidel na nanirahan sa despair hills para sundan ang isang babae.

Hindi natakot si Marvin at agad na binunot ang mga dagger!

Mahihirapan siya kung isa itong 2nd rank na nercromancer.

Masyadong mapangahas ang necromancer apprentice na ito sa kanya.

Hindi ata ito takot mamatay!

Umabante si Marvin at sinipa ang kalansay, napakabilis ng pag-atake ng curved dagger na nasa kanyang kamay!


Load failed, please RETRY

Gifts

Gift -- Gift received

    Weekly Power Status

    Rank -- Power Ranking
    Stone -- Power stone

    Batch unlock chapters

    Table of Contents

    Display Options

    Background

    Font

    Size

    Chapter comments

    Write a review Reading Status: C61
    Fail to post. Please try again
    • Translation Quality
    • Stability of Updates
    • Story Development
    • Character Design
    • World Background

    The total score 0.0

    Review posted successfully! Read more reviews
    Vote with Power Stone
    Rank NO.-- Power Ranking
    Stone -- Power Stone
    Report inappropriate content
    error Tip

    Report abuse

    Paragraph comments

    Login