Matapos mabasa ni Ye Wan Wan ang text message, bigla naman lumuwa ng dugo si Si Xia mula sa kanyang lalamunan na halos ikamatay na niya.
Mula pa pagkabata, mahihiluhin na siya kahit saan man siya magpunta. Pero hindi kailanman pa niya naranasan ang masiraan ng puri.
Kung gusto lang ng babaeng 'to ng atensyon niya, malamang nagtagumpay na siya.
"Pangit pala ha?"
Matapos marinig ang boses sa tabi niya, napagtanto ni Ye Wan Wan na kitang-kita ng sinumang nasa tabi niya ang laman ng text message niya. Pero hindi siya nagsisi roon. Hinawakan niya ng maigi ang kanyang phone, ngumiti, at saka tumingin sa kanina pa masama ang tingin na lalaki, "Huwag kang manliit sa sarili mo. Sa katunayan nga, hindi naman masama hitsura mo eh--laking lamang lang talaga ng kagwapuhan ang boyfriend ko kaysa sa'yo!"
"..." Hindi pinangarap ni Si Xia na makita niya ang boyfriend ng dalaga para maikumpara. Huminga lang siya ng malalim at saka ipinikit ang mga mata para magpahinga. Baka ikamatay pa niya kapag ipinagpatuloy niyang patulan ang tingin niya'y bobitang babae sa tabi niya.
Ngumiwi lang si Ye Wan Wan, tsk, hindi siya naniniwala sa akin.
Samantala, sa lumang bahay naman ng pamilyang Si:
Nakumpleto na ni Si Ye Han ang checkup niya.
Bukod pa kay MO Xuan, mayroon pa siyang kasama na isang senyor na doktor. Nakaupo naman sa tabi ni Si Ye Han ay isang matandang babae na halos nasa pitumpu o walumpung taong gulang ang edad.
Ang matandang babaeng ito ay may kulay pilak na buhok, may paikot na tali ng rosaryo sa kanyang kamay at malungkot na nakatitig sa kanyang apo sa mga oras na iyon.
Tiningnan ng doktor ang pulso ni Si Ye Han, halata na sa kanyang mukha ang pagod at nanlalatang hitsura. Nakita ng matandang babae ang malungkot na ekspresyon ng doktor at lalo pang naging mapanglaw.
Ngunit naupo na laman si Si Ye Han sa sofa at ininom ang kanyang tsaa na wala man lang kaekspre-ekspresyon matapos maobserbahan ang kanyang pulso.
Nangangambang nagtanong ang matandang babae, "Dr. Mo, Dr. Sun, pakiusap naman na sabihin niyo sa akin ang katotohanan, wala nang paliguy-ligoy pa. Kumusta ang kalagayan ng apo ko ko?"
Sumulyap ng bahagya si Mo Xuan kay Si Ye Han, napabuntong-hininga at saka walang sinabi na kahit na ano.
Pinandilatan agad siya ng matandang babae dahil sa inis, "Bakit mo ba siya tinitingnan?! Nagtanong ako sa'yo!"
Nagingat si Mo Xuan sa kanyang mga salita at saka sumagot, "Katulad pa rin siya ng dati."
Napa-igik ang matandang babae, "Huwag mo akong lokohin! Sinabi mo na natulog lang siya ng ilang oras kahapon, kakaunting oras lang noong isang araw, at gayun din noong isa pang araw!"
Wala nang nagawa si Mo Xuan kundi ang sumagot ulit, "'Yung araw na pong 'yun, nagkaroon ng problema sa hipnotismo at nung isang araw pa po...nagkaaberya ulit...at sa kagabi naman po, bumalik si Ginoong Si sa Jin garden ng bandang alas tres ng madaling araw kaya po hindi ako agad nakapabigay ng agarang gamot sa kanya…"
Agad na nagbago ng ekspresyon ang matanda, "Tatlong araw?! Walang tulog ng tatlong araw, ulit?!"
Hindi na sinabi pa ni Mo XUan na naging terible ang tulog ni Si Ye Han sa buong isang linggo.
Nahulaan na niya na manghihina ang binata at nangamba siya na magiging problema ito para sa pangangatawan niya. Nagulat pa siya na makitang hindi kasing sama ng naisip niya ang magiging kondisyon ni Si Ye Han.
Napabuntong-hininga naman ang senyor na doktor at nagsabi, "Madam, hindi ko na ho itatago sa inyo. Itong dalawang taon, palala ng palala ang kondisyon ni 9th young master. Ang paghirap niya na makatulog ng maayos, lalo pang lumalala at nakakaapekto na ho sa inaasal niya. At kung hindi po natin mabibigyan ng agarang gamot para rito, natatakot po ako na…"
Mabilis na nagngalit ang matandang babae sa mga hindi nasabing salita matapos sabihin ang salitang "takot". "Ano pang silbi kung naiintindihan ko naman? Dapat kayo ang nagiisip ng gamot na makakapagpagaling sa kanya! Hindi ba kayo ang top doctors? Tapos ngayon, kapwa kayo na hindi niyo malutas ang ganito kaliit na kaso ng insomnia?"
Wala nang magawa pa si Mo Xuan, "Madam, ang problema ho ni 9th master ay sa kaisipan. Sa tuwing maayos naman ang kondisyon niya, nakakatulog naman ho siya ng maayos. Pero kapag nasasangkot sa gulo, hirap na siyang makatulog kahit isang minuto lang."
Nanggalaiti na ang matandang babae sa galit, "Edi magisip kayo ng lunas para maging maayos ang kondisyon niya!"
Pilit na ngumiti na lamang si Mo Xuan at nasabi na lamang sa loob-loob niya, Alam niyo naman kung gaano kasuwail ng apo niyo diba--tapos gusto niyo na ayusin pa namin ang kondisyon niya? Madaling sabihin kasya gawin!
Ang totoo, matapos kong makasama si master sa matagal na panahon, hindi ko pa siya nakita na ganito ngumiti, diba?
Habang lalong nagiging mainit ang diskusyon sa loob ng silid, ang malamig at walang pakialam na si Si Ye Han na nakaupo lamang sa sofa ay sumilip sa kanyang phone at saka bigla siyang napahigikgik, "Oh…"