Sirang sapatos...
Namumulat ang mga mata ni Shen Meng Qi. Hindi niya inaasahang masasabi ni Ye Wan Wan 'yun.
Parang Diyos ang tinging ni Ye Wan Wan kay Gu Yue Ze--walang sinuman ang pwedeng magsalita ng masama laban sa kanya.
Nabigla at nagalinlangan si Shen Meng Qi sa mga sinasabi ng kaibigan, "Wan Wan, ikaw...paano mo nasasabi 'yan kay Mr. Gu?! Si Ye Yi Yi naman talaga ang may kasalanan ng lahat; ninakawan ng tatay niya ang pamilyang Ye at walang hiyang inagaw ang finace mo sa'yo. Hindi na nakapili p asi Mr. Gu! Ano ba talagang nangyari? Bakit biglang naging ganito ka na mag-isip ngayon?"
Akala mo na walang hanggan na 'yung pagibig ni Wan Wan kay Gu Yue Ze, na kahit humiwalay sa sariling magulang, ginawa niya. Pero bakit ganito na lang siya basta-basta susuko?
Simple at maikling sagot lang ang ibinigay ni Ye Wan Wan, "Wala naman, matagal ko naman na 'tong napagisipan."
Pinili pa rin ni Shen Meng Qi na kumbinsihin siya, "Wan Wan, huwag ka namang pabigla-bigla, mahal mo na siya sa mahabang panahon…"
Humikab lang si Ye Wan Wan, halatang hindi na siya interesado pang ituloy ang pinaguusapan, "Pagod na ako. Kailangan ko nang matulog. Magusap na lang tayo sa susunod!"
Gusto pang magsalit ni Shen Meng Qi pero humiga na si Ye Wan Wan sa kama at tuloy lang sa paghikab para lang umalis na siya.
Bakit parang simula nang bumalik sa eskwelahan si Ye Wan Wan, parang may nagbago...
Dati, lagi niyang sinasabi lahat ng iniisip niya pero ngayon, mas kontrolado at pati kinikilos niya, parang walang pakialam.
Nang masigurong wala na si Shen Meng Qi, bumangon agad si Ye Wan Wan at naglakad patungong banyo.
Maaaring kalahati ng gusto niyang mangyari mula sa usapan nila ni Shen Meng Qi ay nasunod ayon sa plano.
Syempre, gusto niyang kunin ang pagkakataon na iparamdam niya kay Si Ye Han ang totoong nararamdaman niya sa kanya pero sa pagiging tuso pa lang ni Si Ye Han, siguradong iisipin niyang alam niya na sinadya ang nangyari para marinig niya ang lahat na gusto niyang iparinig sa kanya.
Kaya hindi niya pipiliting maniwala pa sa kanya ang binata. Hangga't alam niyang narinig niya ang lahat ng sinabi ni Shen Meng Qi kanina, okay na 'yun.
Binuksan ni Ye Wan Wan ang pinto ng banyo at agad na hinila ang demonyo palabas, "Pasensya ka na! Wala na 'yung tao na 'yun! Si Meng Qi pala 'yun. Akala ko kasi matron na umiikot sa dormitoryo namin. Natakot kasi talaga ako!"
Nang buksan ni Ye Wan Wan ang pinto, bungad ang matangkad at balingkinitang katawan ni Si Ye Han na nakadantay halos sa palanggana. Sa loob ng basket makikita ang mga damit na nilabhan niya at mula sa ibabaw nandun ang bra na may imprenta ng disenyo ng presa.
Bigla nahiya si Ye Wan Wan kaya mabilis siyang kumuha ng tuwalya at tinakpan ito. Saka niya inobserbahan ang ekspresyon ni Si Ye Han.
Gayunman, hindi maintindihan ng isang ordinaryo babaeng katulad niya ang nasa isip agad ng binata. Wala man lang kaeskpre-ekspresyon ang mukha ng binata kaya hindi niya masabi kung ano ang iniisip nito.
Tinitigan lang siya ni Si Ye Han ng ilang segundo, saka hinawakan ng marahan at maingat ang panga ng dalaga, saka malambing na nagsalita, "Anim na oras at saka dun kita patatawarin."
"Ha? Anong anim na oras?" hindi naintindihan ni Ye Wan Wan.
Si Ye Han: "Matulog ka kasama ko."
Ye Wan Wan: "..."
Bakit iba 'to sa inasahan ko?