Download App

Chapter 27: Oh, math...

Editor: LiberReverieGroup

Talaga 'tong babaeng 'to, nakakatakot na nga mukha niya tapos nakasuot pa siya ng puting damit ngayon, huh?! Kaya niya pa ring takutin ang mga tao kahit tirik pa ang araw sa liwanag.

Naging maganda ang mood ngayon ni Ye Wan Wan matapos niyang makita ang reaksyon ni Si Xia. Halos mabulag na siya kakaaral sa loob ng dormitoryo niya ng pitong araw at gabi.

Maliban pa dun, siguradong namana ng lalaking ito ang magagandang hitsura ng pamilyang Si kaya litaw na litaw ang kanyang kagwapuhan.

Ngumisi si Ye Wan Wan sa binata, "Hindi ko akalaing ang isang kilalang hunk sa eskwelahang ito ay matatakutin pala sa mga multo?"

Lalo pa siyang nagmukhang nakakatakot nang ngumiti na siya...

Huminga ng malalim si Xia. Hindi niya matiis na makita si Ye Wan Wan kaya tumalikod na lamang siya at nangutya, "Atlis alam mong mukha kang multo."

Kahit na anong mangyari, kailangan niyang galingan at ilayo ang upuan niya.

Hindi na niya kaya png magtagal sa lugar na ito!

Tumunog na ang school bell nila at nagsimula nang mamigay ng exam booklets ang tagapangasiwa nila.

Nagsimula na ang Comprehensive Liberal Arts Exam nila umaga pa lang sa unang araw. Tinignan lahat ni Ye Wan Wan ang buong paperl bago niya simulang sagutin ang mga tanong sa exam.

Kita sa mukha ni Si Xia ang pagkamangha nang makita niyang nagsimula nang magsagot si Ye Wan Wan na nakaupo sa tabi niya.

Alam ng lahat na sa tuwing may exam, isang blangkong papel ang laging ibinibigay ni Ye Wan Wan.

Habang gulat pa siya sa nakikita niya, nakita na niyang nagsusulat na ng mga sagot si Ye Wan Wan at napanganga na lang siyang sa nakikita.

Paano niya nasasagutan ang mga tanong? Talgang nasasagutan na niya ang bawat patlang nang hindi man lang tumitingin.

Ang bilis niyang sagutan ang booklet, random na pinipili ang ABCD, parang hindi na ata nagbabasa pa ng mga tanong at umaasa na lang sa swerte.

Sa isip ng binata, isang baliw si Ye Wan Wan.

Kung gusto mo talagang umasa sa swerte, bakit hindi mo na lang isagot ang letter "B" sa bawat tanong? Mas malaki ang tsansa na makuha 'yun ngg tama, kaysa mamili ng random letters. Baka lalo pang maging mali ang mga sagot.

Tumigil na ang binata sa pagobserba pa sa tingin niya ay walang kwentang si Ye Wan Wan at nagsimula na lang ipokus ang sarili sa pagsagot ng kanyang exam.

Ang tagal ng pagsagot sa Comprehensive Liberal Arts exam ay 150 minutes, halos kalahating araw. Sa sumunod na hapon naman ay ang English exam.

Language exam naman ang naka-iskedyul sa umaga ng pangalawang araw ng exam at sinundan naman ito ng Math na huling exam.

Sinimulan na ni Ye Wan Wan ang Math questions habang patuloy na tinitingnan niya ng paulit-ulit. Functions, Algebra, at Geometry. Parang virus na tumama sa utak niya na parang gusto nang himatayin.

Unti-unti nang nahihilo si Ye Wan Wan. Matapos mahilo ng tatlong segundo, tumigil na siya sa pagsagot at nakatulog.

Bakit ba may ganitong nakakatakot na bagay na tulad ng Math dito sa mundo?!

Kahit na may photographic memory siya, hindi pa rin naging sapat na matapos niyang basahin ang halos tatlong taong katumbas ng textbooks. Napakaimposible na maipasa niya ang Math sa ganung kaikling oras lang. Kaya ganun na lamang na sumuko siya.

Tumunog ang bell at natapos na ang huling exam nila.

Sinulip ni Si Xia ang katabi niya at napatanto na nakatulog na siya na wala man lang kasagot-sagot o laman ang Math booklet niya.

Sa simula pa lang ng exam, akala ko gusto na niyang magbago. Tama nga, tulad nga ng kasabihan, kaya mong baguhin ang mga bundok at ilog pero hinding-hindi ang pagkatao!

Ang lahat ng estudyante ay halos magmukhang naubusan ng enerhiya matapos ipasa ang kanilang exam booklets.

"Sa wakas, tapos na ang exams! Malaya na tayo!"

"At ang pinakaimportante sa lahat, makakabalik na sa dati niyang upuan ang school hunk natin! 'Yung pangit na freak na si Ye Wan Wan lalong papangit ng papangit. Kawawa tuloy si Si Xia tuwing umaga kapag nakikita siya! Namumutla sa gulat at takot!"

"Ayaw mo bang ikaw maunang umupo doon sa likod? Tingnan natin kung makadikit pa 'yang babae na 'yan!"

"Masyadong kayong sobra magisip, matatanggal naman na siya sa school na bago pa natin makuha ang resulta ng exams natin! Nung una busy lang talaga lahat ng teachers natin kaya hindi pa siya napansin. Ngayon na tapos na exams, siguradong itutuloy na ang pagpapatalsik sa kanya."

"'Yun nga lang, hindi nila pinaalis 'yung babaeng 'yun bago magsimula ang exams. Mahahatak na naman niya pababa ang scores ng klase!"


Load failed, please RETRY

Gifts

Gift -- Gift received

    Weekly Power Status

    Rank -- Power Ranking
    Stone -- Power stone

    Batch unlock chapters

    Table of Contents

    Display Options

    Background

    Font

    Size

    Chapter comments

    Write a review Reading Status: C27
    Fail to post. Please try again
    • Translation Quality
    • Stability of Updates
    • Story Development
    • Character Design
    • World Background

    The total score 0.0

    Review posted successfully! Read more reviews
    Vote with Power Stone
    Rank NO.-- Power Ranking
    Stone -- Power Stone
    Report inappropriate content
    error Tip

    Report abuse

    Paragraph comments

    Login